Chapter 7.

1788 Words
NIAMH "Kuya? Nag-away ba kayo ni Kuya Marcus? Bakit parang hindi ko na po siya nakikita dito?" Hindi napigilan na tanong ko sa kanya. Paano kasi halos isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Napa-paranoid na ako sa nangyayari. Kung dati walang araw na hindi ko siya nakikita, at nakakausap ngayon ay wala man lang akong alam sa nangyayari sa kanya. "Wala dito sa bansa si Marcus, nasa Europe. Pinapunta siya ni Tito Archie. Hindi ko lang sure, pero sa pagkakaunawa ko may babae daw siyang isasama sa pag-uwi." sagot niya na ikinatigil ko. "Babae? Kapatid?" Umiling siya sa akin at inisang lagok ang kape niya. "Nope, pero malapit daw ito sa kanilang pamilya." Napasinghap ako sa sinabi niya. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano pero paano kung siya yung tinutukoy ni Kuya Marcus? "Bilisan mo na, malalate na ako." Paalala ni kuya. Hindi ko na naubos ang pagkain ko dahil sa mga nalaman ko. Pumunta siya ng Europe nang hindi sinasabi sa dahil sa babaeng yun? Pero bakit nga pala niya sasabihin? Wala naman kaming relasyon. Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Parang end of the world na for me. Paano nga kung may kasama siyang babae? Paano na ako? Paano na ang future namin? "Oh? May sakit ka na naman ba? Ilang araw na namin napapansin na wala ka lagi sa mood." pansin ni Cloe dahil hindi na ma-plantsa ang mukha ko sa pagkagusot. "Love sick yan for sure, hindi naman siya ganyan kahit zero siya sa quizzes eh." wika naman ni Tinay. Nabaling ang masamang tingin ko sa kanya. "Lakasan mo pa kaya? Para marinig nila." Inirapan ko siya at naupo ako sa tapat nila. Masama talaga ang loob ko. Kahit sa social media wala man lang siyang update kung ano na ang nangyari sa kanya. Akala ko ba kapatid ang turing niya sa akin? Bakit parang kasinungalingan lang ang lahat ng yun? "Joke lang yun grabe sa pag-irap ha? Kala mo may kilay. " litanya ni Tinay sa akin. "Kumusta pala si Kuya Marcus? Parang hindi ko na siya nakikita hinahatid ka." Usisa ni Cloe. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. "B-Break na kami…" Napasubsob ako sa bag ko na nakapatong sa aking kandungan. "Break? Kayo ba?" Nag-angat ulit ako ng tingin kay Cloe. "Bestfriend ko ba talaga kayo? Bakit wala man lang kayong support sa akin?" Nagkatinginan ang dalawa bago ibinalik ang tingin sa akin. "Beshy, support ka namin kahit tikbalang o maligno pa ang magustuhan mo. Pero kung sa pagiging delulu mo? Sorry beshy ayaw ka namin masaktan kaya hanga't maari kalimutan mo na si Kuya Marcus." ani ni Tinay. Mas lalo kong nararamdaman ang pangungulila sa kanya. I know minsan OA na ako at delusional. Pero itong nararamdaman ko ba ay sa isip lang? "Huwag ka ng malungkot beshy, kung kayo talaga sa future ang nakatadhana kahit dumaan man ang taon eh di kayo pa din." Dagdag naman ni Tinay. Iwan ko lang pero hindi nakatulong sa pag-iisip ko ang mga sinabi nila. Wala kasi sila sa sitwasyon ko. Ang hirap pala ng one sided love. Yung ako lang ang nagmamahal. Kasi ako lang din ang masasaktan. Kanina pa ako naghihintay kay Kuya Ivan. Tapos na kasi ang klase ko pero hindi pa rin siya dumarating. Tinawagan ko na rin siya pero nakapatay ata ang phone niya. Lalabas na sana ako ng parking lot nang may dumaan na kotse at tumigil sa harapan ko. Tutuloy na sana ako sa paglakad ngunit bumukas ang pinto sa driving seat at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kuya Marcus. "Miss me?" Nakangiting tanong niya. Gusto kong umiyak at salubungin siya ng yakap ngunit nang akmang lalapitan ko na siya ay umikot siya sa kabila at pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat. "Busy si Kuya mo kaya ako muna sumundo sayo." ani niya na ipinagtaka ko. Hinawakan ko ang pintuan sa tabi ng driver seat. "Gusto ko dito maupo–" Natigil ako nang may makita akong maputi at magandang babae na nakaupo sa tabi niya. "Hi." nakangiting bati niya sa akin. Napatingin ako kay Kuya Marcus na nasa tabi ko na. "Si Railey, inaanak ni papa. Inihabilin siya sa akin kaya sa bahay namin siya nakatira. Railey, siya naman si Niamh. Sister ni Ivan." Gusto kong umiyak dahil sobrang ganda niya. Gatas siguro ang pampaligo niya at glass skin din ang mukha niya kahit maliit na mole wala siya. Unfair talaga ni lord! Kaya naman pala niyang gumawa ng ganito kaganda bakit di niya ako sinali? "Yes, I know her. Wala kaya akong hindi alam tungkol sayo." nakangiting sabi niya. Sa sobrang insecure hindi ko napansin na nagta-tagalog siya. Pero slang siya magbangit ng words. Inilahad niya ang kanyang kamay. "Hi Niamh, I'm Railey soon to be fiance ni Marcus." sambit niya na nagpahiwalay ng connection sa aking puso at utak. "Maloko ka talaga, Railey." Naiiling na sabi ni Marcus sa kanya. Tinangap ko ang pakikipagkamay niya at walang salita akong pumasok sa loob ng passenger seat. Hangang makarating kami sa bahay ay nanatili akong walang imik. Bumaba ako at dumerecho sa aking kuwarto. Akala ko bababa din sila ngunit narinig ko ang pag-alis ng sasakyan sa labas. Nanghina ang aking mga binti. At halos hindi ko nasara ng maayos ang pintuan ng aking kuwarto. This is my first heartbreak at hindi ko alam kung anong gagawin ko mas masakit pa ito sa feeling na bumagsak ka sa isang subject. Hindi ko napigilan ang umiyak habang nakasubsob ang aking mukha sa unan. "Niamh? Tulog ka pa ba? Andiyan na ang kuya mo hinahanap. Sabay na kayo maghapunan. Bumangon ako at inayos ko ang aking sarili. "Opo." Nagutom ako sa pag-iyak ko kaya kailangan kong kumain at mamaya ko na lamang itutuloy. Nagpalit ako ng pambahay at bumaba na rin ako. Nadatnan ko si Kuya sa dinning table. "Sorry kung hindi kita nasundo. May importante kasi akong nilakad." Wika niya pagkaupo ko sa harapan niya. Tumango lang ako at nagsimula na rin akong kumain. "Niamh? May problema ka ba? Ang sabi ni Kuya Marcus mo. Ang tahimik mo daw kanina. Kakadating lang kasi nila at eksakto na dadaanan nila school mo kaya pinasundo na kita. Nakilala mo ba si Railey? Maganda ba? Madamot yung kuya mo ayaw ipakita yung picture niya takot maagawan kaya sa call ko lang narinig yung boses niya." kwento niya sa akin. Napatigil ako sa pagkain. "Totoo ba? Totoo ba na Fiance ni Kuya Marcus ang babaeng yun?" nangingilid ang luha na tanong ko sa kanya. "Oo, sabi ni Tito Archie sa kanya–t-teka? Bakit parang naiiyak ka na?" nagtatakang tanong niya dahil nagpahid na ako ng luha. Akala ko kasi naubos na kanina may natira pa pala. "Papakasalan ba niya ang babaeng yun?" tanong ko ulit. Suminghot ako dahil pati uhog ko gusto na din umepal. "Siguro, walang magagawa si Marcus kung yun ang gusto ni Tito Archie." "H-Hindi siya puwedeng magpakasal sa iba, Kuya Ivan. Dahil gusto ko siya… Gustong-gusto ko siya... Hindi pa sa ngayon pero gusto ko kapag dalaga na ako magustuhan niya rin ako at gusto ko siyang maging asawa." Pagtatapat ko na ikina-awang ng kanyang labi. "Ano na naman bang kalokohan ito Niamh? Muntik mo na akong mapaniwala–" Napatigil siya at tumingin sa akin ng derecho. Hindi ko siya inurungan at seryoso din akong tumingin sa kanya. "What's happening here? Late na ako sa hapunan ah? Namiss ko luto ni Manang!" bulalas ni Kuya Marcus na kakarating lang at hindi namin namalayan. Kumuha siya ng fried chicken at kaagad na nginatngat. Habang kami naman ni Kuya ay nakatingin lang sa kanya. "Hey? May problema ba?" maang na tanong niya habang ngumunguya. Uminom ako ng tubig at saka tumayo. "Akyat na ako Kuya. Marami pa akong assignment na gagawin." Paalam ko sa kanya at tinalikuran ko na sila. Wala akong magagawa kung sasabihin man ni Kuya ang sinabi ko tungkol kay Marcus. Nagkulong ako sa kuwarto ko buong magdamag. Dinalhan lang ako ng gatas ni Manang kaya naging maayos ang tulog ko. Kinabukasan ay sabay kaming nag-agahan ni Kuya Ivan. "I'll keep your secret. Kahit bestfriend ko si Marcus. Hindi ko gugustuhin na malaman niya ang mga sinabi mo kagabi sa akin." wika niya habang kumakain. "Bakit? Dahil ayaw mo siya para sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya. "Hindi lang yun, dahil baka pagtawanan lang niya ang feelings mo. Ayokong masaktan ka ng taong mahalaga din sa akin. At isa pa…bata ka pa—" "I'm not your little sister anymore. Malapit na akong maging dalaga kuya–" "Please stop this nonsense, Niamh. Ako nga na binata na hindi pa nag-iisip manligaw dahil mas mahalaga sa akin ang studies ko. Ikaw pa kaya na bata pa---kapag hindi ka umayos ng pag-aaral mo ihahatid kita sa airport para sa canada ka na mag-aral." "Do it. Pero kahit ano pa ang gawin mo. Kahit malayo man ako sa kanya ng ilang taon. Siya pa rin ang gugustuhin ko." Paninigurado ko sa kanya. Nauna akong tumayo sa upuan. "Mag-taxi na lamang ako." Akala ko pipigilan niya akong umalis pero hinayaan niya akong magtaxi papunta sa school ko. Pagkarating ko sa school ay sinabi ko sa kanila ang nangyari at hindi rin sila makapaniwala na may third party na agad sa pagitan namin ni Marcus. "Anong plano mo ngayon? Paano kung ipadala ka ni Kuya Ivan sa canada? Papayag ka ba? Isang buwan na lang graduation na natin saka akala ko ba bestfriend pa rin tayo at sa iisang school pa rin tayo papasok?" malungkot na sabi ni Tinay. Yun kasi ang plano namin magbestfriend na sa iisang university lang kaming tatlo. "I don't know…pero unti-unti nang malinaw sa akin ang lahat." Wala sa sariling sagot ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Cloe. Nandito kasi kami sa canteen ngayon at kumakain ng lunch. "Malinaw na sa akin na kung may gusto kang tao kailangan mong paghirapan." Nagkatinginan ang dalawa. "Means?" Sabay na tanong nilang dalawa. " Ang hina niyo naman! Syempre kailangan worth it ka din para sa taong yun. Kaya hindi ako susuko! Laban lang!" bulalas ko na ikinangisi nilang dalawa. Pabalik na kami sa building nang tumigil sa paglakad ang dalawa. "Yung prince mo." wika ni Cloe "Oo nga, ang guwapo!" giit ni Tinay. Nang iderecho ko ang tingin ko ay nakita ko siyang palapit sa akin. "Hi, puwede ko ba siyang hiramin ng limang minuto?" nakangiting sabi niya. Habang palipat-lipat sa dalaw. "Sure! Sayo na yan! Ibalik mo na lang after thirty minutes!" wika ni Tinay sabay tulak sa akin kaya napasubsob ako sa dibdib ni Marcus. "Thank you." narinig kong sabi niya at pagkatapos ay hinila na niya ako palayo hawak ang isang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD