Chapter 2.

1205 Words
NIAMH “Ateng! Kanina pa kami nag-uusap dito, hindi ka parin nakakabalik mula sa pagpa-pantasya mo. Ano ba talagang nangyari sa’yo?” usisa ni Tinay nang mahuli niya ulit akong nakatingin sa kawalan. “Hmmm…diba ganyan daw kapag in-love?” saad naman ni Cloe. “Tumitigil ang mundo mo!!!” sabay na sabi nilang dalawa at parang inasinang bulate pa at nag-apir pa ang dalawang luka. “Positive? Inlab ka?” ulit na tanong ni Tinay sa akin. “Enebe? Huwag ka na ngang tanong ng tanong. Pakopya na lang ng assignment niyo.” Sagot ko sa kanya sabay hawi ng buhok ko sa gilid ng aking tenga. “Tsk! Tsk! Puro ka na lang kopya hindi ka gumagawa ng sarili mo. Paano ka papasa sa higschool niyan?” nakanguso na litanya ni Cloe. Hinampas ko siya sa braso na ikinangiwi niya. “Ito naman! Nangongopya din naman kayo sa akin ah? Saka parang ayoko nang mag-high school. Parang gusto ko na lang maging may-bahay ni Kuya Marcus…HIHI” Awang ang labi nilang dalawa na nakatingin sa akin. Saka ko pa na-realize na nadulas na ako at naamin ko na ang totoo. “May gusto ka sa best friend ni Kuya Ivan?!” bulalas ni Tinay. “What?! Matanda na yun ah!?” Segunda naman ni Cloe. “Grabe ka naman kung maka-matanda! Bakit si Pauline at si Bossing? Bakit si Dolphy at Sasha? Si Chiz at si Heart? Age doesn’t matter ano!” inis na sagot ko sa kanila. Aware naman ako sa layo ng edad naming dalawa. Pero anong magagawa ko? Sa mga ngiti ni Kuya Marcus tumitibok ang abnormal na puso ko. “Kalma beshy, umupo ka ulit. Madami naman tayong schoolmate na cute din at kasing edad natin. Marami ngang nagbibigay sayo ng tsokolates kapag Valentines diba? So bakit si Kuya Marcus pa?” nagtatakang tanong ni Tinay. Kilala kasi nila ito dahil palagi nila itong nakikita na kasama ni Kuya Ivan. Lalo na kapag nasa bahay ang mga beshy ko at walang pasok. Naupo akong muli at hinarap siya. Nandito kasi kami sa tambayan namin sa lilim ng puno. May bench at concrete table kasi dito na puwedeng gawing study o eating area. “Hindi ko rin alam kung bakit. Anong gagawin ko? Siya talaga ang nandito.” Tinuro ko ang puso ko at napatingin sila saka nagtawanan. “Beshy…okay ka lang? Hindi pa nga tayo nare-regl@ tapos may inlab-inlab ka nang nalalaman. Hoy! Mga bata pa tayo! Saka gusto mo bang makasuhan si Kuya Marcus ng Ch*ld @buse?” Litanya ni Cloe. Tumunog ang bell kaya nagligpit na kami ng gamit namin. Nalungkot ako sa sinabi ni Cloe. Alam ko naman yun na bawal pa kami. At hindi ko naman sinabing gusto ko na siyang maging boyfriend ngayon. Hangang uwian ay bagsak ang balikat kong pumasok sa gate. Naisip ko kasi kanina yung sinabi ni Cloe. Kung iintayin kong maging dalaga ako bago ko sabihin ang nararamdaman ko kay Kuya Marcus. Siguro sa mga oras na yun…may kasintahan na siya o asawa. Paano naman ako? Napatigil ako sa paglakad ng nakayuko nang may mabanga ako. “Don’t tell me bagsak ka na naman sa math?” Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya dahil hangang dib.dib lang niya ako. “Kuya Marcus…may girlfriend ka na ba?” nakanguso kong tanong sa kanya. “Ha? Ako? Wala bakit?” kunot noo na sabi niya. Umatras ako ng isang hakbang sa kanya. “Kailan mo balak magkaroon ng girlfriend? May nagugustuhan ka na ba sa school niyo? May plano ka bang mag-asawa agad?” “Hoy! Anong klaseng tanong ‘yan?” natatawang sabi niya sa akin. “Please…sagutin mo na lang ang tanong ko…” paki-usap ko sa kanya. “Ha? Ahhh, syempre naman gusto kong magkaroon ng girlfriend. Pero di ko pa nakikita ang babaeng magugustuhan ko. Saka…siguro mga five to ten years pa yun bago mangyari.” Kamot tenga niyang sagot sa akin. Nabasag lalo ang puso ko sa naging sagot niya. Hindi pa daw kasi niya nakikita ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Ibig sabihin…talagang little sister lang din ang tingin niya sa akin. Tapos five to ten years from now kaka-graduate ko lang siguro ng college noon. “S-salamat…” Iniwasan ko siya at umalis na rin ako sa harapan niya. Basted na agad ako hindi ko pa siya niligawan. Para niya akong tinangalan ng pangarap. Pagka-akyat ko ng kuwarto ay ibinaba ko ang bag ko at saka ako umiyak ng malakas. Wala akong paki-alam kung may makarinig sa akin. Broken hearted ako at ang sakit ng puso ko. Bakit kasi nauna pa siyang ipinangak? Bakit kasi hindi na lang ako ang nauna kay Kuya Ivan? “Niamh? Okay ka lang?!” Sunod-sunod na katok ni Kuya Ivan sa pinto ko. “Leave me alone!” sagot ko sa kanya. “What? Dagukan kita diyan!” Singhal niya sa labas ng pinto. “I said leave me alone kuya!” sigaw ko ulit sa kanya sabay atungal ulit. Nagtakip ako ng unan sa mukha. Magkahalo na ang laway, uhog at luha ko ngunit wala akong paki-alam… “Niamh? If you need someone to talk makikinig kami ng kuya mo.” Narinig kong mahinahon na sabi ni Kuya Marcus. “Oo nga! May umaway ba sayo?! Sabihin mo sa akin kung sino tatang@lan ko ng b@gang!” “Ano ba? Ganyan ka ba talaga makipag-usap sa kapatid mo?” Naririnig ko silang nagtatalo sa labas ng aking pintuan. Kaya bumaba ako at binuksan ko ang door ko. “Diba sabi ko gusto kong mapag-isa?” inis na sabi ko sa kanilang dalawa. Suminghot ako at pinahid ang aking butil-butil na luha. “Bakit ka ba kasi umiiyak? Sabihin mo muna sa amin saka kami aalis.” Seryosong sabi ni Kuya Ivan. Kapag hindi ako nagsalita kukulitin lang din niya ako. “G-gusto ko lang kumain ng French fries…milk tea saka mango float. Please ibili mo ako kuya…ha?” wika ko sa kanya. “Anak ng kambing na may bangs! Yun lang pala akala ko naman binasted ka na ng crush mo!” litanya ni Kuya Ivan… “WAHHHHH! I hate you!!!” Pumasok ulit ako sa loob ng pinto at sinara ito. Ayoko nang magkaroon ng kuya! “Ikaw kasi! Tara na’t mag-order na tayo!” Narinig kong sabi ni Kuya Marcus. Hangang sa hindi ko na sila naririnig na nagtatalo sa labas. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko. Nalulungkot ako at nasasaktan. Pero nakaramdam ako ng gutom kaya bukas na lang ulit ako iiyak. Nagpunta ako sa banyo upang maghilamos. Naglagay ako ng headband na may flowers design at napalit na rin ako ng damit ko. Inayos ko ang aking sarili kahit halata sa mga mata ko ang pamumula at pamamaga na dahil sa pag-iyak ko. Nakarinig ako ng katok sa pinto at binuksan ko ito. “Ito na yung—” “Salamat.” Akmang isasara ko na ang pinto pero pinigilan niya ito. Kaya nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha. “Hindi ini-iyakan ang maling tao. Makakalimutan mo rin siya.” Nakangiting sabi niya sa akin. Ginulo pa niya ang bangs ko at pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD