Chapter 3.

1597 Words
NIAMH Sabado ngayon at wala kaming pasok. Kagaya ng palagi kong ginagawa. Imbis na mag-aral ay nanunuod ako ng kdrama. Gusto ko lamang aliwin ang sarili ko dahil malungkot pa rin ako hangang ngayon. Ano kaya ang gusto ng lalaki sa isang babae? Bukod sa pagiging maganda? Kasi inborn na akong maganda kaya alam ko kapag naging dalaga na ako ay mas gaganda pa ako. Gusto ko na ngang ahitan ang kilay ko para mabawasan ang kapal. Gusto ko na rin magbunot ng buhok sa kili-kili pero wala naman akong makitang buhok. Kahit sa pempem nga wala din. Ibig sabihin bata pa talaga ako at bata pa ang tingin sa 'kin ni Kuya Marcus. “Alam ko na!!!” bulalas ko nang makaisip ako ng brilliant idea. Kinuha ko ang phone ko at nag-search ako ng bra at nagcheck-out. Excited na ako! Ayoko nang mag-suot ng baby bra kaya nag-order ako ng may foam na bra! Ang talino ko talaga! Nagpunta ako sa harapan ng vanity mirror at tinangal ko ang headband ko. Hindi na dapat ako nagsusuot ng pambata na headband. Bibili rin ako ng hair clip, make-up at nail polish! Tignan ko lang kung hindi pa maisip ni Kuya Marcus na antayin ang paglaki ko! Broken hearted ako kahapon pero hindi ko naman sinabing susuko na ako nang hindi lumalaban. May ngiti sa labi akong bumaba sa sala at naabutan kong naglilinis si Manang Joy. “Si Kuya po?” “Gising ka na pala, kumain ka na ng almusal. On the job training ngayon ng kuya mo. Pero sabi niya after lunch daw andito na siya. Nagpahanda nga ng pagkain eh at may classmate daw silang pupunta dito. “Po? Si Kuya Marcus po ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Hindi, alam mo naman ang batang yun. Parang dito na halos tumira kaya hindi na bisita ang tingin ko sa kanya. Basta sabi niya may babae din daw silang kasama pero sa pool area lang daw sila.” Paliwanag niya sa akin. Nagpatuloy siya sa paglilinis at ako naman ay nagpunta na sa dining table upang mag-almusal. Ito ang unang beses na magdadala si Kuya Ivan ng babae dito sa bahay dahil ibinilin ni mommy at daddy bago sila umalis ulit na bawal daw mag-uwi ng babae dito sa bahay. Kumain na lamang ako at pagkatapos ay niligpit ko ang kinainan ko. Kahit may kaya ang pamilya namin. Hindi namin inaasa kay Manang Joy ang lahat ng gawain dito sa bahay. Lalo pa’t kung kaya naman naming gawin. Saka gusto ko din masanay sa gawaing bahay para kapag nakapag-asawa na ako ay handa akong pagsilbihan ang magiging asawa ko. Ayeeehhh!!! Kilig yarn!!! “Ano’t para ka na namang nagpipigil ng ihi diyan?” pansin sa akin ni Manang Joy nang makita niya akong nangingisay-ngisay pa habang naglalagay ng pinagkainan kong plato sa lagayan. “Manang Joy, kinikilig ka pa po ba sa asawa mo hangang nagyon?” nakangiting usisa ko sa kanya. Habang may inilalabas siyang gulay sa loob ng ref. Kaya nilingon niya ako. “Naku hija, matagal ng tsugi ang asawa ko. Limang taon na akong hindi nakakaramdam ng kilig. Bakit mo nga pala naitanong?” usisa niya. “Ganun po ba? Wala naman po, pero noong bago lang po kayong mag-boyfriend at girlfriend napapakilig niya po ba kayo?” pangungulit ko sa kanya. Kumuha siya ng knife at chopping board. Naupo naman ako sa harapan niya. “Oo naman! Naku napaka-lambing ng asawa ko noong araw. Palagi siyang namimitas sa garden namin ng bulaklak at binibigay niya sa akin. Kaya minsan palaging nawawalan ng bulaklak yung mga tanim ko sa hardin. Hinaharana din niya ako noon saka palagi niya akong inaabutan ng love letters. Ay! Kapag naalala ko yun parang bumabata ulit ako!” nakangising sabi niya sa akin. “Harana? Love letters? Pero hindi na po uso yan ngayon, Manang Joy. Pero may isa pa po akong tanong. Ano pong feeling ng first kiss?” “Ay jusko po bata ka! Syempre masarap! Este! Teka? Bakit mo ba tinatanong yan? Huwag mong sabihin may boyfriend ka na? Ang bata mo pa—” “Wala pa nga po eh, crush palang.” Nakangiting sagot ko sa kanya. “Ahhh, mabuti naman. Naku! Alam mo naman si mommy at daddy mo. Baka mapasugod sila dito kapag nalaman nilang nagbo-boyfriend ka na. Saka nag-aaral ka pa hija. Unahin mo muna yung pag-aaral mo. Kasi ang pag-ibig naman dumarating yan sa tamang panahon.” Saad niya na ikinalungkot ko. “Wala naman pong paki-alam si mommy at daddy sa amin eh. Nagpapadala lang sila ng pera kapag kailangan namin ni Kuya pero palagi naman po silang busy. Kapag umuuwi nga sila isang buwan lang sila dito tapos balik na agad sila sa Canada para sa trabaho nila.” Nagtatampo kong sabi sa kanya. “Naku Niamh. Kung alam mo lang kung paano umiyak ang mommy mo noong unang umalis sila para magtrabaho sa ibang bansa. Tatlong taon ka pa lamang noon. Kaya huwag mong isipin na hindi kayo nila mahal ng kuya mo. Dahil ginagawa nila ito para sa future niyong dalawa.” Paliwanag niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat. Pero hindi pa rin maiwasan na may tampo pa rin ako sa kanila dahil palagi na lamang silang wala sa tabi namin ni kuya kahit sa mahahalagang araw naming dalawa. Umakyat na ako sa kuwarto ko upang ituloy ang panunuod ko ng kdrama. Gusto ko sanang tumulong sa kanya sa pagluluto kaya lamang sabi niya kaya na daw niya at mag-aral na lamang daw ako. Nang makatapos ako ng tatlong episode ay narinig ko na ang pagdating ng kotse ni Kuya. Sumilip ako sa veranda at nakita ko ang pagbaba ng mga kasama niya pati na rin si Kuya Marcus at inalalayan pa niya ang isang babae sa pagbaba nito. Parang may kung anong gumuhit sa maliit kong puso nang makita kong naghaharutan silang dalawa. Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ako sa sala. “Guys, siya pala ang little sister ko. Si Niamh.” Pakilala niya sa akin sa dalawang babae at isang lalaki pa nilang kasama. “Niamh, classmate namin sila. May group presentation kasi kami sa Monday.” Sabat naman ni Kuya Marcus. “Ang cute pala ng sister mo, parang girl version mo Ivan.” Wika ng isang babae na kasama nila. “Oo nga, hi Niamh! Ako pala si Ate Karry, ito naman si Ate Sandra at Kuya Miko.” Pakilala ng babaeng inalalayan ni Kuya Marcus kanina pagbaba sa kotse. At nag-hi din sila sa akin. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Makinis ang kanyang mukha, mapula ang kanyang labi. Bagsak na bagsak din ang may kulay niyang buhok. Malaki ang hinaharap at mataba ang puwet sa suot niyang pantalon. Kitang-kita ang kurba niya. “Hi.” Tipid na sagot ko. Lumabas ako sa garden dahil nasisikipan ako. Ibinabad ko ang paa ko sa pool para lumamig ng bahagya ang temperature ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko na siyang pauwiin. Lalo pa’t palagi siyang nakangiti kay Kuya Marcus kahit matignan lang siya nito. “Ehem!” Napalingon ako nang may marinig akong tumikhim sa likod ko. “For you, milk shake at slice ng tsokolate cake.” Inabot ko ang maliit na paper bag pagkatapos ay sinilip ko ang laman. “Suhol ba ito para hindi ako magsumbong kay mommy na nagdala si kuya ng babae dito?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Kuya Marcus. “Hindi, para sa’yo talaga yan. Lately kasi napapansin ko palagi ka na lamang nakasimangot. Sige ka, maagang kang tatanda niyan.” Pananakot niya. “Gusto ko ngang tumanda na eh para puwede na akong magkaroon ng boyfriend.” Wala sa sariling sagot ko habang tinitikman ang cake na may maliit na tinidor pang kasama. “Bakit ka ba kasi nagmamadaling magkaroon ng boyfriend? Hindi ba puwedeng after ng studies mo na lang? Saka sino ba itong lalaking nagugustuhan mo?” mahinahon na tanong niya sa akin. “Secret walang clue.” Sagot ko sabay inom ng milk shake na bigay niya. “Alam mo kasi, sa edad mong yan dapat pag-aaral ang inaatupag mo. Hindi mo pa naman alam kung siya na talaga ang nakatadhana—” “Nag-aaral naman ako ah? Hindi ko naman po sinabing ngayon ako magbo-boyfriend. Gusto ko kapag dalaga na ako siya ang maging boyfriend ko. Kasi siya lang ang gusto ko wala nang iba.” Pagtatapat ko sa kanya. Wala akong nakuhang sagot kaya nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatitig sa akin at nagulat ako nang punasan niya ang gilid ng aking labi na may tsokolate pa. “Basta mag-aral ka munang mabuti okay? Kapag dalaga ka na. Saka mo isipin kung siya pa rin ang gusto mo. Tapos ipakilala mo siya sa amin ni Kuya Ivan mo. Kapag hindi pumasa sa standard namin hindi siya puwedeng manligaw sayo. Nagkakaintindihan ba tayo princess?” nakangiting tanong niya sa akin. “Hindi ako si Princess.” Nakangusong sagot ko sa kanya. “Awww!” impit na sigaw ko nang pisilin niya ang aking pisngi. “Papasok na ako sa loob. Maiwan na kita.” Paalam niya sa akin. Napahawak na lamang ako sa nasaktan kong pisngi. Apaka manhid talaga, nagtapat na ako sa kanya pero wala pa rin siyang idea na siya yung tinutukoy ko…napatingala ako sa maliwanag na langit. Lord? Kung hindi man si Kuya Marcus. Huwag mo na rin siyang bigyan ng ibang magiging asawa. Para it’s a tie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD