Chapter Twenty Four "A-alam mo Ervir hindi ko sinasadya ang batang ito. P-pero hindi ko siya kayang ipalaglag at patayin. Sinamantala ni Mark ang mga pangyayari. Nilasing niya ako. Paggising namin sabi niya hindi niya alam kung may nangyari ba sa amin o wala. Tapos after a month buntis na ako. I'm really sorry Ervir." Nanlulumong pagsasalaysay ni Baby. Masakit man sa loob ay alam niyang dapat iyong malaman ni Ervir lalo pa't kung anu- ano ang pinagsasabi nito. "No Baby sa atin ang batang yan." Saka nito kinuha ang kanyang mga kamay. Nabitawan niya tuloy ang kutsara't tinidor. "Gustuhin ko mang sa atin ang batang ito pero hindi eh. I'm really sorry. Isang buwan na tayong hindi nagkikita noon." Napayuko nalang siya. "Pero sa atin talaga yan Baby. Nakausap na ni madam, ng at

