Chapter Twenty Three "Hindi 'to pwedeng mangyari. Kailangan ko ng makatakas kay Mark. Sinisira na talaga niya ang mga buhay namin." Bulong ni Baby sa sarili pagkabalik sa loob. "Ma'am good evening po. Press po kami. Saan po pwedeng mag- install ng camera." Biglang may lumapit sa kanyang lalaki na may dalawang malaking camera. Nakipagtitigan siya rito. "E-ervir?" Kahit iba na ang suot nito at todo takip ang mukha ay nakilala niya pa rin ito. "Wag kang maingay baka makahalata si Mark. May iba pa akong kasama para hindi makahalata si Mark. Dalhin mo kami sa technical room tapos doon tayo dadaan palabas." Saad nito. May kasama nga itong babae na mukhang reporter at isa pang lalaki. Tila nakahalata na naman si Mark. Papalapit ito sa kanila. "Good evening Sir Mark. Our

