Chapter 2

2301 Words
Nakatungangang pinanood niya ang lalaki na pindutin nito ang contact list sa projection na nasa harapan niya at pinindot ang contact list. She saw him pressed the name King Stephan and before she could react. A handsome man in his fifties appeared in the screen, napanganga siya nang makita ito. He also has white hair and silver eyes just like her. Just by looking at him, she can already guess that he’s a noble person. “Your majesty, the princess is awake,” the man said. iniharap nito sa kanya ang projection. She felt like bitten by a snake when she came face to face to the man. Even though it’s only a projection, hindi pa rin niya naaghandaan iyon. Nakita niyang namula ang mata ni King Stephan at nagmamadaling tumayo. “We’re coming! Huwag mo siyang iiwan, Gabriel,” he said at namatay ang tawag. Pinatay ng lalaki ang projection at seryosong tinignan siya. Her stomach tightened and can’t help but shiver. She even shrunk herself in bed. So, his name is Gabriel, ngunit sino siya sa buhay ng dalagang ‘to? Bakit kahit malamig ang ekspresyon nito ay may nakita siyang dumaang saya sa mata nito? Ang sabi niya, prinsesa siya at magulang niya ang king at queen, at magkapangalan pa sila ng babaeng ‘to. Then, if that’s the case. She’s inside of the body of a princess and she doesn’t have any idea which country it is. She can’t help but rub her temple and bite her tongue. Paano siya napunta sa lugar na ‘to? Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait ano mang oras dahil sa nakakabaliw na nangyayari sa kanya. Idagdag pa na natatakot siya na matuklasan nilang ibang tao siya. Paano kung i-torture siya o kaya ay patayin siya kung malaman nilang hindi siya ang totoong Lakshmi? Nangatog ang katawan niya sa kaisipang iyon. No, ayaw niyang mangyari ‘yon. She has to secure her safety first. Ilang minuto ang nagdaan ay bumukas ang pinto at may pumasok na isang magandang babae na sa tingin niya nasa fifties na, nakasuot siya ng isang velvet dress. She has a chocolate brown hair and gray eyes. May dalawang kasama ito, ang kaninang tinawag ni Gabriel na King Stephan na nakasuot ng black formal suit at ang kasama nito na nakasuot ng white coat, sa suot pa lamang nito ay nahulaan na niyang isa itong doctor. “Your majesty, my Queen.” Yumukod si Gabriel. Lumunok siya ng ilang beses para kalhmahin ang sarili dahil sa pagbalot ng kaba sa buong katauhan niya. Kinagat niya ang dila niya at nagbaba ng tingin dahil hindi niya magawang salubungin ang mata nila. Lalo na nang lumuluhang tumutok ang mata ng King at Queen sa kanya. She almost pissed herself when the queen hurriedly came to her side and held her hand. There’s a tear in her eyes as she happily kissed her temple. She stiffened and grip the blanket. “Oh! Baby,” she said. “I’m so glad that you’re awake.” She pursed her lips and didn’t answer. Nabosesan niya na siya ang dumating kanina at kumausap sa kanya noong nagtutulog-tulugan siya. Hinaplos nito ang pisngi niya bago hinarap ang doctor. “Check my daughter if she’s alright. Don’t just stand there,” utos nito sa lalaki na agad tumalima at lumapit sa kanya. “Yes, your highness.” Her toes unconsciously curled up nang lumapit ito sa kanya at may inilabas na maliit na gadget sa bulsa niya, para iyong cellphone ngunit ang kaibahan lamang ay ibat-iba ang mga kulay ng buttons na nasa gilid ‘nun. “Excuse me, miss,” magalang na bigkas nito at inalis ang kumot sa katawan niya. Dumagundong ang pagkabog ng puso niya dahil baka ma-detect ng hawak nitong gadget na ibang tao siya lalo na nang itinapat na ng doctor ang gadget sa may ulo niya bago pinindot ang red button pagkatapos ay unti-unting kumilos ang kamay nito pababa hanggang sa may paa niya. Pigil-hiningang hinintay niya na matapos ito. After a minute, the gadget beep. Isa ba iyong advance technology ng X-ray machine? “How was it?” the King asked him. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng doctor na hindi sinagot ang tanong ni King Stephan at inulit ang ginawa kanina. Disbelief is written in his face as he glanced at her. She shrunk her body and look at him in a terrified expression. Did he really find out that she’s someone? Her mind instantly chanted a prayer. “This-“ Iniabot nito ang gadget sa mag-asawa. “If I’m not mistaken, your majesty, noong nahulog siya sa battleship ni prince Hendrick ay halos lahat ng parte ng katawan niya, especially her bones, it was almost broken that she needs to undergo surgery again if she wakes up. But, looking at it now. According to the data that is shown by this RAD device, she’s is almost fully healed,” puno ng kalituhang bigkas nito. The King said, “there’s no other explanation why she’s now fully recovered. This is miracle! That’s the only answer for this,” animo hindi interesadong bulalas nito kung papaanong magaling na siya. “Ang importanti sa akin ay gumising na ang anak ko.” Lumapit din ito sa kama at umupo sa gilid ‘nun at ginagap ang kamay niya. Tumango ang doctor at hindi nagkomento sa sinabi ni King Stephan. “Then, for now. Ang puwede lang niyang kainin muna ay ang nutrient pack. Light food muna ang kakainin niya ng isang linggo bago siya kumain ng normal foods,” the doctor said. “Kukuha na po ako ng nutrient pack, your majesty,” magalang na wika ni Gabriel at lumabas ng kuwarto. Tinignan ni King Stephan ang doctor. “You can go back now,” he said. “Yes, your majesty.” Yumukod muna ito bago lumabas ng kuwarto. Nang sila na lamang ang naiwan ay parang gusto na niyang magtago sa ilalim ng kama dahil sa pinaghalo-halong pakiramdam; may takot, kaba, curiosity dahil sa mga narinig at nasaksihan. She can’t fully process everything. “Masakit pa rin ang katawan mo, dear? Hintayin muna natin si Gabriel na dalhin ang pagkain mo rito bago ka magpahinga ulit,” the Queen said affectionately. Tumango lamang siya at nagpikit ng mata. Hindi niya lam kung paano sila kakausapin, kung ano ang itatawag niya sa kanila. Hindi rin niya alam kung ano ang mga habits ng orihinal na Lakshmi, kung paano niya tratuhin ang mga tao sa paligid niya. Kung ilang taon ba ‘siya’ at may mga kaibigan ba ‘siya.’ Parang sasabog na ang utak niya kakaisip at parang mababaliw na siya rito. “We have to celebrate tomorrow na gumising ka na bago ang araw ng festival. Hihintayin natin na makabalik ang kuya mo mamaya bago natin ianunsiyo ang paggising mo,” saad ni King Stephan. Hindi siya umimik, pagkabanggit pa lamang nila sa celebration at festival ay nagiging uneasy na siya. Ngayong nakompirma niyang nasa ibang foreign place siya ay hindi na kumakalma ang puso niya. Tumatakbo na agad ang utak niya sa kung ano na ang mangyayari sa kanya rito. “You’re right, dear. Kailangan malaman ng lahat na gising na siya,” sang-ayon ng Queen. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa tungkol sa selebrasyon at nakikinig lang siya. Saka lamang siya nagmulat nang marinig na bumukas ang pinto at pumasok si Gabriel. May hawak itong tray at may nakalagay na mangkok na tingin pa lamang niya ay gawa na sa porcelain. Kumilos naman si King Stephan at inalalayan siyang maupo sa kama, sumandal siya sa headboard at pinanonood ang Queen na abutin ang mangkok kay Gabriel. Nang makita niya ang parang tubig na nasa mangkok ay natulala siya. This is the nutrient pack they’re talking about? Tubig ang kakainin niya? Hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak dahil ‘dun. What kind of place is this, feeding someone who is sick with just water? Hindi ba nila alam na kailangan ng isang tao ang pagkain upang lumakas ang katawan nila? “Susubuan kita,” masayang bigkas ng Queen at kumutsara ng ‘tubig’. Nag-aalinlangan na ngumanga siya at tinanggap ang isinubo nito. Kahit gusto niyang tumanggi ay nauumid ang dila niya at walang salitang lalabas sa bunganga niya. She almost choked herself to death when she tasted the nutrient. Pakiramdam niya ay masusuka siya sa lasa ‘nun; maalat na matamis na mapait at malansa. Para iyong pinag-tripang gawin ng isang paslit. Sinulyapan niya sila at nakitang nakangiti sila, pinilit niyang lunukin ang nasa bibig kahit gusto na niyang tumakbo sa banyo para idura ang nutrient. “This will help you to regain your strength, dear,” she said and then fed her again. Pigil hiningang bumuka ang bibig niya at tinanggap ang nasa kutsara. Hanggang sa maubos niya ang nasa mangkok ay pinigilan niya ang sarili na sumuka sa harap nila. Pero aminin niya na nakaramdam siya ng kunting enerhiya sa katawan pagkatapos maubos ang nutrient soup. Ngumti si King Stephan at hinaplos ang buhok niya. “Hahayaan ka namin na magpahinga ngayon, dear. We’ll be back again later.” Tumango siya at kinagat ang dila dahil ito at nagrarambulan na talaga ang sikmura niya na parang gusto niyang sumuka. Tinulungan muli siya niyang mahiga sa kama at inayos pa muli ang kumot niya. “Then, iiwan ka muna namin dito. Nasa labas lang ng pinto si Gabriel at nagbabantay sa’yo. If you need anything just call him,” she said. “Y-Yes,” sa wakas ay mahinang sambit niya. Nagawa na rin niyang ibuka ang bibig para sumagot sa kanila. Hinalikan muna siya ng dalawa sa noo bago magkahawak-kamay na lumabas ng kuwarto niya. Binitbit din ni Gabriel ang tray pagkatapos ay yumukod sa kanya. “Nasa labas lang po ako, miss.” She nodded her head and then watch him leave her room. Pagkasara pa lamang ng pinto ay dahan-dahan siyang bumangon at bumaba ng kama. Humakbang siya palapit sa isang pinto na nakita niya. Ngunit nang buksan niya ay isa pala iyong walk in closet. Hindi muna niya pinag-aralang mabuti ang hitsura ‘nun at isinara muli. Kumapit siya sa dingding at nilapitan ang isa pa uling pinto. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang banyo iyon. But when she stepped in, she stopped and look at the bathroom incredulously. Naamoy niya ang bango ng bulaklak na nakalagay sa bathtub dahilan para mawala ang kagustuhan niyang isuka ang kinain kanina, may iba’t-ibang klase ng liquid soap na nakahelira sa isang mamahaling rack. Sa unang tingin pa lang ay banyo ito ng isang mayamang tao. Humahangang inilibot niya ang tingin doon, at nang bumalik ang tingin niya sa bathtub ay naakit siyang maligo. Maingat na hinubad niya ang suot na brown dress at dahan-dahan na lumapit doon. Meron nang nakalagay na tubig at talulot ng bulaklak kaya lumusong siya at umupo. Bahagya siyang nanginig nang nanuot sa katawan niya ang medyo malamig na tubig. Dahan-dahan siyang humiga at inilublob ang katawan doon. This is her first time taking a bath in a bathtub, and she can’t help but to sigh in contentment. Ang takot niya ay bahagyang nawala dahil sa nakaka-relax na tubig. Ilang minuto siyang nakalublob sa tubig bago iniahon ang ulo at sumandal sa tub. Sa ginawa niyang ‘yun ay napaisip siya, is this how God want her to continue live her life? Ang dalhin siya sa lugar na hindi niya alam kung saan? At sinadya NIYA na sa isang noble family siya mapunta dahil mahirap lamang siya sa kanyang orihinal na mundo at nais ni Lord na maranasan niya ang mamuhay prinsesa? Tumaas ang kamay niya at hinaplos ang pisngi. Maganda naman siya sa orihinal niyang katawan but she can’t compare to this very alluring maiden. She’s perfect, if she had a face like this, baka pinili niya ang maging isang actress noon at natutulungan na ang orphanage. Pagkaalala sa pinanggalingan ay nagkalambong ang mukha niya, malungkot ba sila sa pagkawala niya? Umiiyak din ba sila? Hindi siya umaasang gano’n ang nararamdaman ng iba roon, sa dami ng mga batang inaalagaan nila ay batid na niyang pagkalipas lang ng ilang araw ay nakalimutan na nila siya. Bumuntong-hininga siya. Kailangan muna niyang kalimutan ang bagay na ‘yun at ang isipin muna ay ang pagpunta niya rito. “Paano ako mabubuhay sa mundong ‘to kung wala akong alam kahit isang clue man lang,” bulong niya. Ang mas kinakatakot niya ay isang prinsesa ang pinasukan ng kaluluwa niya. Kaya ba niyang panindigan ang role ng isang prinsesa? Hindi niya alam kung paano kumilos na hindi nila nahahalatang iba siya. Iisipin pa laman niya ito ay sumasakit na ang ulo niya. Hindi lang ‘yun, may celebration at festival na mukhang kailangan niyang daluhan na nagpapakaba sa kanya. Nilinga niya ang liquid soap na nakalagay sa porcelain bottle, kumilos siya para sana abutin iyon ngunit bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang ulo. Napahawak siya sa sentido at umungol nang lumala ang sakit sa ulo niya. She felt like her mind might blow up in a minute. Parang may pumipiga sa brain cells niya at hindi niya maimulat ang mata. Napaluha siya sa sakit, lalo na nang may eksenang biglang nag-flash sa utak niya. Ang orihinal na Lakshmi na nadulas at nagtuloy-tuloy sa pagkahulog sa isang ‘spaceship’. Pakiramdam niya ay naramdaman din niya ang sakit na dulot ng pagkabagsak ni ‘Lakshmi’. The agonizing pain makes her dizzy that she can’t help but whimper. Unti-unting dumausdos siya sa bathtub at napapalublob sa tubig, ngunit hindi niya magawang iangat ang sarili dahil para siyang hinihigop ng kanyang lakas. Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay at napalublob sa bathtub.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD