Chapter 3

1951 Words
When she opened her eyes again, she’s already back at her own bed. Disoriented na umungol siya at hinawakan ang ulo. The pain she felt earlier is already gone but her mind still remembered it. Hindi niya alam kung paano siyang nakabalik sa kama at kung paano nalaman ng taong tumulong sa kanya na nasa kapahamakan siya. Bumangon siya at hawak ang ulo na sumandal siya sa headboard ng kama. Fresh pa rin sa utak niya ang eksenang nakita niya sa balintataw niya. Kung paano siya nahulog dahil sa pagkadulas niya subalit ang ibang eksenang sumingit noong nawalan siya ng malay ay hindi na niya naalala. Naging blurred na at kahit mukha nila ay hindi niya maalala. “You’re awake, princess.” Gulat na mabilis siyang nag-angat ng mukha nang marinig ang isang mababa at buong-buo na tinig. Nalaglag ang panga niya nang makita ang lalaking nakangiting nakaupo sa silya nakabukas pa ang projection sa ‘watch’ nito. They have the same eye color and hair. He’s wearing a black combat uniform with a golden crescent moon attached to his chest side and a combat boot. Naalala niya ang narinig na sinabi ng Queen kanina na may kapatid siya, at kung tama ang hula niya ay baka ito ang tinutukoy niya. Siya si Hendrick. Bakit parang lahat yata ng tao sa lugar na ‘to ay ipinanganak na may kakaibang taglay na kagandahan? And does every royal family have this kind of hair and eye? Ito ba ay isang pagkakakinlalan ng isang dugong maharlika sa mundong ‘to? The man closed the projection and stands up and came beside her bed. “Mother called me and said you’re awake so I spaced jumping and came here in a hurry. And I really got scared that when I came in to your room I didn’t find you here. And then I hear you groaning inside the bathroom. At nakita kitang lumulublob na sa tubig,” puno ng pag-aalalang bigkas niya. So, it was him who helped her. Kung hindi siguro ito dumating ay namatay uli siya for the second time, and she don’t know if she’ll have a chance to live again. “Tulog ka pa ng dumatiing ang doctor para suriin ka, he said you just fainted because you’re still weak. Kaalis lang din nina mama para ayusin ang selebrasyon bukas ng gabi.” She can’t help but fidget and her eyes droop. “T-The celebration, c-can we postpone it,” halos pabulong na wika niya. Hindi ba muna siya bibigyan ng kunting time na maka-adapt sa bagong katauhan niya bago siya sasabak sa ganitong okasyon? Hindi pa siya ready na humarap sa maraming tao. Ginagap ni Hendrick ang palad niya. Napilitan siyang mag-angat ng mukha ngunit agad ding nagbaba nang matantong matamang nakatingin siya sa kanya. “We can’t postpone it. Ikaw ang prinsesa ng Orion, Lakshmi, at kailangan na malaman ng lahat na gising ka na.” Wala na siyang ginawa kundi ang tumango. “Puwede ba akong lumabas?” “Of course, ngunit kaya mo bang maglakad?” he asked worriedly. Tumango siya at bahagyang iginalaw ang paa. “I can.” “Alright!” Tumayo si Hendrick at inalalayan siyang bumaba ng kama, when she instantly stiffened and look at him like she was struck by lightning. She just realized that she’s wearing a blue dress that reaches her ankle. Siya ba ang nagpalit ng damit niya? She shuddered upon thinking that this man saw her body. “What’s wrong?” he asked. “A-Are you the one who change my c-clothes?” Naramdaman niya ang pag-iinit at pag-akyat ng dugo sa mukha niya. Mahinang tumawa si Hendrick at mahinang pinisil ang pisngi niya. “Silly! Your personal maid did it.” Natigilan siya. Meron siyang personal bodyguard at si Gabriel ‘yun tapos may personal maid din siya? Mukhang kailangan talaga niya na sanayin ang sarili na iba ang buhay niya ngayon. “Oh!” nanulas sa labi niya. “Right, wait!” binatawan muna siya nito at lumapit sa bedside table. Binuksan nito ang drawer at may kinuha roon. Isang silver watch ang kinuha nito bago isinara ang drawer. Bumalik siya sa tabi niya at kinuha ang kamay niya. “Your terminal, dear. You have to wear and bring this.” Sa halip na cellphone ay isang watch ang ginagamit nila at tinatawag nilang terminal? Masyadong advance ang technology nila rito na hindi niya mapigilang magulat. Ipinasuot nito ang watch na automatic na nag-lock sa galanggangan niya. It also blinks twice as if confirming her owner. And then she hears a robotic voice of a man that came from her terminal. “Locked, Alex154 is now activated. How are you, miss? I miss you, Miss.” Namilog ang bibig niya at napatitig sa terminal. God! Pati terminal ay may sariling isip at pangalan. “Nasira ang lumang terminal mo pagkatapos mong mahulog. But we still retain the consciousness and name of your own terminal. Pati ang contact list mo ay nandiyan na rin lahat, personal identification and such.” Pinadaanan ng daliri niya ang screen ng terminal, she had to learn how to use this thing and she’ll do that if she’s alone. Kung nandito lahat ang kailangan niya, then ito ang paraan para makilala niya ang totoong Lakshmi. May isang tinik ang animo naalis sa dibdib niya dahil nakahanap na rin siya ng makakatulong sa kanya. “Let’s go?” tanong ni Hendrick kaya tumango siya. Hinawakan siya nito sa braso at inakay palabas ng malawak na kuwarto. Hindi niya napigilan ang humahanga sa mahaba at malawak na corridor na dinaanan nila. May mga nakikita siyang portrait na naka-hang sa dingding. Hindi niya man kilala sila ay nahulaan niyang sila siguro ang naunang royalties na namuno sa mundong ‘to. Lahat sila ay katulad niyang may silver eyes at puting buhok. Naalala niya bigla ang queen, iba ang kulay ng mata at buhok niya, kung gano’n ba ay isang noble family galing ang babae? Kailangan talaga niyang malaman ang lahat ng tungkol sa pamilyang ‘to para hindi siya mahirapan ‘pag nagkataon. Sa may dulo ng corridor ay may isang elevator, doon sila sumakay para makababa sila. Namangha siya dahil doon, hindi ka na pala mahihirapan lalo na kapag tinatamand kang maglakad. Tahimik lang siya at iniisip kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakasalubong nila ang mga tao sa palasyong ‘to. Mariing kagat niya ang dila hanggang sa makarating sila ng first floor at bumukas ang elevator. Sa halip na tao ang sumalubong sa kanila ay isa iyong robot na humanoid. Nagulat pa siya at muntik na mabuway pagkakita sa robot. Silver ang plate ng robot at kasingtangkad ni Hendrick. “Prince Hendrick, Princess Lakshmi,” the robot said in a monotone voice. “Dale, I want you to bring a nutrient pack at the garden,” utos ni Hendrick sa robot. Agad nalukot ang mukha niya sa pagkabanggit nito ng nutrient pack. Hindi talaga niya masikmurang kainin muli ang gano’n. “Yes, prince.” The robot turned his back, ngunit bago makaalis ang robot ay agad itong tinawag ni Hendrick. “Oh, right! Is Major General Ares’ still here?” Major General Ares? Isang militar na mataas ang rango rito? Nagkaroon siya ng curiosity na makita ang nasabing lalaki. Ano kaya ang hitsura ng mga militar dito? Normal ba silang tao or robot din sila. “Yes, prince. Nasa garden sila kasama si Queen Minerva,” tugon nito at tumalikod. Nilinga siya ni Hendrick at hinawakan ang braso niya. “Tutuloy pa ba natin na lumabas, dear? Kapag alam mong nandito si Ares ay hindi ka lumalabas ng kuwarto mo at ayaw mo siyang makita.” Takot ba si ‘Lakshmi’ sa Ares na ‘to? Why? Kailangan ba niya na ipakitang takot din siya sa lalaki? Sinulyapan niya si Hendrick para lang mabuway nang matuklasang matamang nakatingin siya sa kanya na animo pinag-aaralan ang mukha niya. Nagbaba siya ng tingin. “H-Huwag na muna-” Tatanggi na sana siya para huwag magphalata rito pero nakarinig na sila ng mahinang yabag. Agad natutok ang mata niya sa bumukas na pinto at pumasok ang isang matangkad na lalaki. Natulala siya at napatitig sa mukha ng dumating. Agaw pansin ang wavy golden-brown na buhok nito na maayos ang pagkakasuklay. His violet eyes that has no emotion, he has a cold aura around him that if you go near him, he’ll immediately snap your neck in just a second. Ngunit hindi niya magawang alisin ang tingin sa kanya. She was so mesmerized by his god-like beauty. ‘Perfect na perfect ang dating, pang knight in shining armor!’ hiyaw ng utak niya at pinasadahan ng tingin ang katawan nito. 'And look at his shoulder?' He’s wearing his black and blue combat uniform with a two beautiful golden sun attached to his chest area and a combat boots with a dagger na nakasuksok sa left boot niya. Unang sulyap mo pa lamang dito ay naghuhumiyaw na ang kasungitan at kalamigan sa katawan nito. Ang nananahimik na puso niya ay biglang kumislot at binulong ang pangalan ng lalaki. His name suits him well. Pakiramdam niya ay nahihigop ng binata ang sistema niya at ayaw niyang mawala siya sa paningin niya. With his powerful and long legs, he walked unhurriedly until he reached where they’re standing. Looking at this man, she forgot the fears in her heart. Para niyang binubura iyon at kinakalma ang puso niya. Expressionless na yumukod siya sa harap niya. “Masaya kami sa iyong paggising, princess Lakshmi.” Nalaglag yata ang puso niya sa sahig nang marinig ang husky na boses nito. Parang tumagos iyon sa kaibuturan ng puso niya at nakiliti siya. Gosh! Paano nito nagagawang pabilisin ang pagkabog ng puso niya sa simpleng salita lang nito. “Thank you, Ares.” Boses ni Hendrick ang nagpabalik sa kanya sa huwisyo, siya na ang sumagot dahil ni hindi man lang siya nakapag-react sa pagkatulala rito. Namula ang pisngi niya at agad nagbaba ng tingin nang magtama ang mata nila ni Ares na hindi naitago ang pagbabanta sa kanyang tingin, na parang sinasabing ‘I'll dig your eyes if you keep on staring at me!’ Although he looks so cold, hindi siya nakaramdam ng takot dito. “Are you going back?” tanong ni Hendrick. “Yes, Prince, I need to see my subordinates to check their written report about Havana market. May mga nagkalat na illegal seller ng spirit gems sa mataas na halaga at inaalam pa namin kung saan ito nagmumula,” magalang na tugon ng binata. “We have to take action for this as soon as possible. If we prolonged the investigation, spirit gems might be revolved around Orion planet. Ito ang gustong angkinin ng terrorist noon pa man at kapag napasakamay nila kahit sampung spirit gems ay ma-a-update na nila ang warship nila na matagal na nilang inaasam.” Punong-puno ng kaseryosohan ang mababa at malamig na tono nito. “You’re right. Then, see you tomorrow at the celebration, be sure to let your men guard the entrance ang exit of the venue,” saad ni Hendrick. “Masusunod po, prince Hendrick,” pagtango nito. “I’m going back first. Again, congratulations on your recovery, princess Lakshmi,” paalam nito. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at tinignan siya. Aalis na siya? He nodded his head to her at tumalikod. Napasunod ang mata niya sa likod ng binata. Nakaramdam siya ng dismaya sa pag-alis nito. Gusto pa niyang marinig ang husky na boses nito at pagmasdan ang guwapong mukha niya. Hindi naman siya naaapektuhan sa nakikitang kasungitan na taglay ng binata. Unless, sasaktan talaga siya nito physically.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD