Hendrick glanced at her after Ares disappeared from their sight. Her chest tightened when she saw him looking at her intently, as if he were studying her. She nervously bit her lips and looked down. She doesn't have the courage to meet his gaze. Is it really obvious that her reaction from facing Ares earlier is way more different than the original Lakshmi? Yes, fear is embracing her whole being but could she not show admiration after seeing someone like him? He was like a Greek God from the Greek mythology. If maybe, in her original world, there's someone like him who is existing there everyone might kneel and lick his feet. They surely admire and idolize him like crazy.
Even who is afraid of someone can't help but to admire their beauty, right? Besides, she's another person.
Napakislot siya nang ginagap ni Hendrick ang kamay niya. Napalunok muna siya bago nag-angat ng mukha. Masuyong pinsil nito ang palad niya at malamyang ngumiti sa kanya.
"Namumutla ka. Babalik na lang siguro tayo sa kuwarto mo at bukas na lang tayo pupunta sa garden," he said softly.
Lihim siyang nakahinga ng maluwag. Ang pagkakaintindi siguro nito ay dahil takot siya kay Ares kaya siya namumutla subalit sa totoo lang ay dahil natatakot siya na matuklasan nitong ibang tao siya. Lalo na at wala man lang siyang naramadamang takot kay Ares kundi paghanga lang at kapanatagan. Mahirap umaktong ikaw ang isang taong estranghero sa'yo lalo na kapag wala kang kaalam-alam tungkol sa pagkatao niya. Hindi mo alam kung paano ipapakitang natatakot ka sa isang tao kung hindi naman, o kaya ay ipakitang pamilyar ka sa kanya kahit hindi mo naman alam kung ano ang pangalan niya.
Trying to imitate someone who is completely stranger to you will only lead you to something dangerous. That's why she's aware she's living into a tight situation. In this world she's like a wanted criminal who is trying to hide so she'll not be arrested. Para siyang nakikipagpatintero sa mga alagad ng batas sa mundong ito. And she doesn't know when will she be able to reveal her true identity or maybe hindi mangyayari iyon.
"I— guess!" she said half-whispered.
Inalalayan siya nito muli pasakay sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang kuwarto niya. Nagyuko siya ng ulo at pinakiramdaman si Hendrick na tahimik lang din sa tabi niya. Hindi niya alam kung maski ito rin ay pinag-aaralan siya. Nararamdaman din kasi niya ang mga sulyap nito sa kanya ngunit natatakot siyang tignan ito. Is he already starting to figured out something was not right or he is just worried about her?
They got out of the lift and Hendrick walked her until they reached the door of her room. He softly touched her hair and said, "tomorrow, ask your personal maid to bring you to the garden. I'll be there waiting for you."
Tumango siya.
"Gabriel, huwag mong kaligtaan na sundan siya sa kung saan man niya gustuhing pumunta," may kalakasang bigkas nito.
Lihim siyang nagtaka. Hindi naman niya nakikita na kasama nila ang kanyang bodyguard. Nagpalinga-linga siya para makasigurong nasa paligid lang nila ito. He saw him emerged from the other side of the hallway wearing his serious and cold face. So, he's been following them around ngunit hindi man lang niya iyon naramdaman o napansin?
"Yes, prince Hendrick," magalang na wika nito. Pumwesto ito sa gilid ng pinto at tuwid na tumayo roon. Para itong isang statue roon na kung hindi lang ito kumukurap at gumagalaw ang dibdib ay hindi mo iisiping tao siya.
Nginitian siya ni Hendrick at pinagbuksan siya ng pinto. "Rest well, darling."
Animo may pakpak ang paang pumasok siya ng kuwarto. She quickly locked the door and inhaled deeply. Sumandal siya sa nakasarang pinto at hinawakan ang kanyang dibdib. Mariing napapikit siya. "Can I still survive as a royal princess in this world? Bakit ba kasi hindi na lang ako na-rebirth sa katawan ng isang ordinaryong mamamayan ng mundong 'to," kausap niya sa sarili.
Lumapit siya sa full length mirror kapagdaka at tinignan ang sarili. Maingat na inipon niya ang mahaba at putting buhok niya at itinaas iyon like tying it into a messy bun. She pursed her lips into a thin line. Looking at herself, she realized that she's a bit more alike to her original face. If not for her silver eyes and crimson lips, para na silang pinagbiyak na bunga.
Binitawan na niya ang kanyang buhok na nalaglag sa kanyang likod.
Napatingin siya sa kanyang kamay na suot pa rin ang kanyang wristwatch o tinatawag nila rito na terminal. Naupo siya sa kanyang kama at tinignan iyon. Pinindot niya ang gilid no'n.
Alex154 automatically felt her gaze and it blinks thrice. She moves her wrist and studied the terminal. Kahit saang anggulo talaga tignan ay para iyong relos sa kanyang mundo.
"You really have your own consciousness," she whispered.
"What's the matter, Miss?" a monotone voice asked her.
She jumps in shock and look at it complicatedly. Kailangan na talaga niya ang sanayin ang kanyang sarili sa lahat ng mga estrangherong bagay na meron sa mundong ito.
"N—Nothing," she responded nervously. Pinindot niya ang green button at may nag-appear na holographic screen. Tinignan niya iyon ng mabuti at may nakita siya na contacts. Iyon ang pinindot niya at nag-scroll ngunit dahil wala naman siyang kilala sa kahit sa sino sa kanila ay nag-exit siya.
"Oh! What is this ASHMI?" pinindot niya iyon at lumabas ang lahat ng mga pictures ni Lakshmi na kung hindi close-up ay nakaupo siya sa isang silya sa gitna ng garden. Nadismaya siya nang makitang wala siyang makuhang kahit anong hint tungkol sa nagmamay-ari ng katawan na 'to.
Binalik na niya sa home iyon at muling pinasadahan ng tingin ang may kalakihang screen. Her eyes stopped at the word STARNET. Curious na pinindot niya iyon at nagulat siya nang bumungad ang laman no'n sa kanyang mata. Para iyong social media sa kanyang mundo subalit naroon na lahat.
Nang makita niya ang search icon ay pinindot niya iyon at nag-type. Ang unang pumasok sa isip niya ay ang Orion planet. When she clicks the search button. Nalula siya sa maraming articles na nakita niyang nag-appear.
"Orion planet was the richest among all the planets. It's where the royalties and noble families live. Ang ninuno ng Artemis ang kauna-unahang naging King at Queen ng Orion. Sa unang panahon pa lamang ay sila na ang tinitingalang ruler ng planetang ito. Ang sumunod na henerasyon ang nakapag-ambag ng maraming bagay katulad ng spirit gems na naging daan upang mabuo ang mga high-tech na ginagamit ninyo ngayon, katulad ko," saad ng robotic voice ni Alex154. "Ngunit bakit mo ito binabasa ngayon, Miss? Matagal mo na 'tong alam, hindi ba?"
"B—Binabasa ko lang uli," nauutal na sagot nya. Kahit alam niyang isang meachanical robot lamang ang kausap ay hindi niya maiwasan ang matakot para sa kanyang sarili.
"Ang Orion planet ay sakop ang apat na borderlines, at ang pinaka mas kilala sa apat ay ang phoenix boarder line kung saan doon nila idinadaan lahat ng mga kalakal na dinadala sa Havana market upang ibenta," ani Alex154.
"Puwede ba akong pumunta sa Havana market," tanong niya.
"If you want to go there, you must inform to your bodyguard and he will accompany you."
"What about if I go there alone?" kaswal na tanong niya.
Nanlaki ang kanyang mata nang umalingawngaw ang warning bell sa suot niyang terminal. Hindi man iyon kasing lakas ng isang tunog ng kampana ay sapat na iyon para magulantang siya. Namutla siya at napindot ng wala sa oras ang gilid ng terminal para patayin iyon. Ang lakas din ng pagkabog ng dibdib niya na parang may ginawa siyang napakalaking kasalanan at nabisto ng wala sa oras.
Napatalon siya sa gulat nang bigla siyang nakarinig ng malakas na katok sa pinto kasabay ng pilit na pagpipihit ng kung sino man sa seradura ng pinto. She flinched. It can't be that they already heard the sound, right?
"Miss, are you there? Please open the door this instant!" tinig iyon ni Gabriel.
Pang gusto niyang umiyak dahil sa kaba. Wala pa siyang dalawang araw dito ay ito at may ginawa siyang hindi kanais-nais. Ano ba ang gamit ng bell na 'yon? Hindi iyon nagtagal pero agad nila iyong narinig.
Nang maulit ang malakas na katok ay lalong nangatog ang buong kalamnan niya. "I-I'm h-here!" nauutal na malakas na tugon niya.
Akala niya ay hihinto na ito ngunit muli nitong pinihit ang doorknob. "Open this door, Miss," seryosong turan pa rin ni Gabriel.
Nanginginig ang tuhod na tumayo siya. She dragged her feet to the door and opened it. Gabriel is standing outside of her room. Alertong pumasok ito at inilibot ang tingin sa buong kuwarto. Mahigpit na napahawak siya sa kanyang suot na dress nang lumapit ito sa floor to ceiling na glass window at hinawi ang kurtina. He checked it and when he was sure it's still locked, he turned around and also look at the sliding door leading to the small balcony of her room.
She watched him inspect all the corner of the room. Gabriel look at her after he's done doing all his work. She stepped back unconsciously when he looked at her.
"Are you trying to sneak out, Miss?"
She shook her head hardly and even waved her hand. "N-No, I w-wasn't!"
"Because you always tried going out on your own before, Prince Hendrick installed a warning bell on your terminal connected to my own. He did it so we know if you're doing something naughty," anito.
Kinagat niya ang dila. Napakahigpit ng mga taong nakapaligid sa kanya. Paano pa kaya siya makakakilos ng normal kung ganitong lahat ng gagawin niya ay binabantayan nila? Eh, para talaga siyang preso sa lugar na 'to.
"I-I'm not doing anything, may nasabi lang ako kaya nag-warning ang terminal ko," pilit na pinakaswal niya ang tono subalit nag-stammer pa rin siya.
Pinag-aralan muna siya nito ng maigi bago bahagyang yumukod at tumalikod. Naang makalabas ito ng kuwarto at maisara ang pinto ay animo kandilang nauupos na napasalampak siya sa sahig. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at pinapatay siya ng kanyang takot.
Hindi niya naiwasang mapaluha at humikbi. She's in a very tough situation that she doesn't know what to do anymore. Suminghot siya at hinayaang namalisbis ang luha sa mata niya. Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi lumakas ang pag-iyak niya. Ayaw niyang bigla na naman na pumasok si Gabriel at magtanong kung bakit siya umiiyak. Hindi naman niya puwedeng sabihin na natatakot siyang mabuhay sa lugar na 'to.
Kahit minsan ay hindi pa siya umiyak dahil nag-iisa lamang siya sa kanyang buhay pero ngayon ay animo sampung drum na naipon ang kanyang luha at hindi iyon tumitigil sa pagtulo. Walang pakialam na nahiga siya sa sahig at namaluktot habang umiiyak. Akala niya noon ay lahat ng problemang dumarating sa kanyang buhay ay kaya niyang harapin ngunit sa pagkakataon na 'to ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Paano naman niya ito magagawan ng solusyon kung nasa estrangherong lugar siya at hindi pa niya alam kung ano ang hitsura at kultura ng mundong 'to?
Pakiramdam niya ay nakakaawa siya sa lugar na 'to kahit ang buhay na meron siya ngayon dito ay marangya. Dahil alam niyang walang puwedeng tumulong sa kanya rito kundi ang sarili lamang niya. Kailangan niyang magpakatatag kahit aware siya na isang maling hakbang lang ay mabibisto nila siya na ibang tao siya.