Tatlong araw na akong naka confine dito sa hospital at nakakabanas na ang araw-araw na pananatili ko dito. Sa loob ng tatlong araw ay pahina ng pahina ang katawan ko pero hindi ko ipinapakita iyon sa kanila. I don't want them to worry. Araw-araw akong binibisita ng aking kambal at pinapalakas nila ang loob ko. I need to survive. Kailangan kong mabuhay para maksama ko ang pamilya ko. "Good morning pretty." I greeted her. Kakabukas palang ng pinto ngunit alam kong si Sierra na iyon. Kagabi lang niya ako hindi nabantay dahil umuwi siya ng bahay kaya alam kong babalikan niya ako dito. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Good morning." malambing niyang sabi. Mugto ang kaniyang mga mata. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. "What happened?" Tanong ko. Mal

