End
----------------------------------------------------
"Kurt!"
"Oy!"
"Anong oy? Tabi. Papasok ako!" Nagising ang diwa ko matapos marinig ang boses na iyon.
Mabilis akong bumangon sa kama at dali-dali hinilamos ang kaliwang palad sa aking mukha. I just missed her, nag iilusyon lang akong narinig ko ang boses niya.
"Wow. Busy ako, alis ka na dito." Kinakabahang sagot ni Kurt.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko habang bumibilis ang pag t***k ng puso ko.
"Busy mo mukha mo! Ilabas mo na nga si Kib!" Iritado niyang sigaw.
Sumilay ang ngiti sa aking labi. She's looking for me. Tangina! Kinikilig ako erp!
"Anong Kib? Anong ilalabas ko? Hoy hindi kami close!" Halata sa boses niya ang kaba at pagkataranta.
I'm living at Kurt's condo para hindi ako matunton. I'm here for almost a month at ngayon lang may pumunta dito para hanapin ako. Everyone's looking for me because of my goddamn situation. Kung bakit ba kasi lumala itong sakit ko.
"May sinabi ba akong close kayo? Ilabas mo na kasi!" Malakas niyang bulyaw.
"Oy! Sierra, anong ginagawa mo diyan?" Tarantang sigaw ni Kurt.
May narinig akong mga yabag ng paa na papunta sa kwarto ni Kurt. Fvck! Mabubuking na kami neto. Tanginang Kurt bakit ba kasi nagpalit kami ng kwarto kagabi!
"Tumigil ka! Alam kong tinatago mo siya!" Bakas sa boses niya ang sakit.
Hindi ko alam kung huminto ba sila o ano dahil nawala ang mga yabag ng paa na papalapit sa kwarto.
"Sierra naman, hindi nga kasi sabi e. Wala siya dito bakit mo ba naisip na itatago ko yung mukhang unggoy na iyon?" Tanong niya kay Sierra.
Tanginang Kurt. Babasagin ko talaga yung mukha niya mamaya.
"Ikaw yung tatanungin ko niyan, bakit mo siya tinatago... sa akin?" Natigilan ako sa sinabi ni Tine kay Kurt.
Damn!
"Sierra, hindi ko nga siya tinatago. Bakit ko naman siya itatago sayo?" Mabilis niyang sagot.
Damn! I know magaling mag sinungaling si Kurt pero alam kong nahihirapan siyang mag sinungaling kay Tine. Ayaw na ayaw niyang magsinungaling lalong-lalo na kay Tine pero he don't have any choice.
"Bakit nga ba Kurt?" Nanginginig ang boses niya habang tinatanong si Kurt.
Narinig ko ang marahas na pagpapakawala ni Kurt ng hangin.
"Hi-Hindi ako nagsisinungaling sayo, Sierra. Hindi ko iyon kaya." Fvck! This is my goddamn fault. I'm sorry Kurt.
"But you're lying at me right now, Kurt at nasasaktan ako." Damn! I know this. Ginagamit niya ang kahinaan ni Kurt. Alam niyang siya ang kahinaan ng aso na iyon.
Wag kang magpapauto tanginang aso ka! I wanted to shout.
"You're just... assuming, baby." Umigting ang panga ko matapos marinig ang huling katagang binitawan niya. Papatayin ko talaga siya mamaya!
"I'm not assuming! I know he is here. Ilabas mo siya, Kurt. I'm begging you." She's crying now. Damn!
Mabilis akong napatayo at kating-kati ang mga paa kong lumabas sa kwartong ito at yakapin siya ng sobrang higpit but I can't mas lalo ko lang siyang masasaktan.
"Damn! Don't kneel, Sierra! Baby... fvck you stand up now!" Galit na sigaw ni Kurt.
Tangina! What am I doing? The love of my life is now kneeling infont of Kurt. Nasasaktan ko na siya. Mabilis akong tumungo sa pintuan at hinawakan ang doorknob. I just don't care kung masira ang plano ko. I can't stand here doing nothing while she was suffering there.
"Tanginang unggoy! Pigilan mo yang sarili mo!" Malakas na sigaw ni Kurt.
Napahinto ako sa pagpihit ng doorknob at ipinikit ang aking mga mata. Mabilis at mararahas ang aking paghinga at nagsisimula ng mag tubig ang aking mga mata. Malakas ang bawat kalabog ng aking mga puso habang unti-unting sumisikip.
"What are you saying?" Nanghihina niyang tanong.
She should stand now. Kailangang itinayo na siya ni Kurt kundi lalabas talaga ako dito at sapilitan siyang ipatayo. My girl doesn't deserve that. Sa akin lang dapat siya lumuhod!
"Kinakausap ko sarili ko." Hilaw na sagot ni Kurt.
Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Napasandal ako sa pinto habang hinahawakan ko ang puso ko. Not now. Fvck!
"Stay still, don't kneel again. Ayokong maagang mamatay." He seriously said.
Gago! Babasagin ko iyang mukha mo mamaya!
"I know you're hiding him. I know you too well, Kurt. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling pero ayaw mong sabihin sa akin diba? Then I'm noy forcing you." She seriously said to Kurt.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at pilit nilalabanan ang paninikip ng dibdib ko.
"You know where he is. I know that one, I'm not forcing you but please do me a favor Kurt." Pumipiyok ang boses niya habang sinasabi iyon kay Kurt.
Panay bugtong-hininga lang ang naririnig ko galing kay Kurt.
"Kapag nagkita kayo pakisabing kailangan niyang mabuhay. Kailangan niyang lumaban. You know why he needs to live, Kurt. Alam na alam mo iyon." Umiiyak niyang sabi.
Mas lalong sumakit ang puso ko matapos marinig ang sinabi ni Tine. I want to live pero hindi sumasangayon ang panahon sa akin.
"I know, baby but I can't tell him that dahil hindi ko naman alam kung nasaan siya."
Narinig ko ang hilaw na pagtawa ni Tine. I hate my self for hurting her this much but I hate my self more for being me.
"Akala ko ba sa akin ka lang loyal?" Mabilis na tanong ni Tine.
"Loyal nga ako saiyo. Kanino pa ba ako magiging loyal?" Mapaklang sagot niya.
Hindi na ako makapaghintay na umalis si Tine. Gustong-gusto ko na talagang basagin ang mukha niya.
"Ewan ko sayo. Alam ko ng bromance kayo e. Alis na ako." Rinig ko ang pagtawa ni Tine pero halatang pinipilit lang niya iyon.
"What? Hey!" Rinig kong sigaw ni Kurt habang papalayo ang yabag ng mga paa nila.
"Ciao~" malakas na sigaw ni Tine kasabay ng malakas na pagsara ng pinto.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinanap ang asong ulol na iyon.
"Tangina mo erp!" Malakas kong sigaw habang inaambahan siya ng suntok.
Mabilis niyang isinangga ang kaniyang mga braso habang nakatingin sa akin.
"Tangtatay mo rin erp! Wag mo akong sinusuntok-suntok diyan matapos kong magsinungaling sa babaeng mahal ko." Umigting ang panga ko sa sinabi niya.
Masama ko siyang tinignan habang ngumisi siya sa harapan ko. Inaasar ba ako neto? Patayin ko nalang kaya siya ng tuluyan.
"Hindi ka mamatay dahil sa sakit mo, mamatay ka sa mga kamay ko." Inis kong bulyaw habang humuhugot ng lakas para suntukin siya.
Nabitin ang kamay ko sa hangin dahil sa biglang pagsakit at pagsikip ng dibdib ko. Napahawak ako sa puso ko habang namumuo na ang pawis sa noo ko. Mabibilis at desperado na ang paghinga ko dahil wala na akong hangin na nalalanghap. Nahihirapan na akong huminga.
"Tangtatay, umayos ka nga, erp!" Kinakabahan niyang sigaw habang hinahawakan ako.
Naipikit ko ang aking mga mata habang patuloy na nilalabanan ang sakit ng aking dibdib. Pilit kong iminulat ang aking mga mata at nagsisimula ng manubig iyon.
"Mama...tay... na.... ako." Kinakapos ako ng hangin habang sinasabi ko iyon.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Sa bawat pagsakit ng puso ko ay mas lumalala ito araw-araw. Napahawak ako sa braso ni Kurt habang pinipilit ang sariling wag matumba. Nanginginig ang buo kong katawan.
Nayanig ang buong sistema ko ng biglang parang may sumabog sa puso ko na mas ikinasakit neto. Malakas ang naging pag bagsak ko sa sahig. Rinig na rinig ko ang bawat sigaw ni Kurt.
Pinipilit kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko na magawa. Masyado ng mahina ang aking katawan at sobrang sakit ng puso ko. Pinipilit ko ang sarili kong huminga ngunit nahihirapan na din ako. Unti-unting dumadaloy ang maiinit na luha galing sa aking mga mata.
I can smell my death. I'm slowly dying. Fvck! This is my end.
---------------------------------------------