Kabanata 1. Ang Bagong Dean ng CED.
"Do you take this man as your lawful husband?" tanong ng pari sa akin. Napangiti ako saka sumagot ng "I do"
"Do you take this woman as a lawful wife?" tanong niya sa mapapangasawa ko. "I do, father" sagot din niya.
"I pronounced you, husband and wife, you may now kiss your bride" sabi ng pari. Agad naman kinuha ng aking asawa ang belo saka ito itinaas at ipinunta sa likuran ng aking ulo. "I love you" he said. I smiled, then we kissed.
Hinalikan niya ako, so passionately in the altar, witnessed by our families, and especially God. We're so happy, and I'm super happy. I married the love of my life. Ang lalaking kasama kong bumuo ng pangarap, at ang lalaking kasama kong bubuo na nang sarili naming pamilya.
He grabbed my hand as we walked out in the church, then people were shouting, "Mabuhay ang bagong—" at naudlot iyon dahil mayroong yumakap sa akin.
"Good morning, Mama" sabay kiss sa aking pisngi. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, at aking nakita ang napakacute na aking anak na si "Good morning my baby, sweetie, and super pogi Elijah" saka siya niyakap ng napakahigpit.
Napakacute talaga ng anak ko, manang mana sa akin. "Yuck!!! Mama naman, hindi ka pa po nagmumumumog" sabay punas ng kaniyang pisngi. Aaminin kona, namana din ng anak ko ang pagiging laway conscious ko.
I glared at him na bigla niyang ikinangiti. "Ikaw na lang ikikiss ko sa pisngi, nakapagsipilyo na po ako eh" sabay halik sakin sa noo, nose, pisngi, at lips, then hugged me. "I love you, Ma. Super love, my love for you is so big" pahabol pa niyang paglalambing sa akin.
"How big?" pabebe kong tanong. Siyempre, kung naglalambing, edi lagyan natin ng konting pagiging oa, nanay ako eh.
"No one can measure how biggggggg it is" saad niya na may nalalaman pang beautiful eyes.
Ang swerte ko. Sobrang swerte sa anak ko. "Tara na, kain na tayo ng umagahan para maihatid na kita sa daycare" sambit ko sakanya saka siya ibanaba sa kama.
3 years old palang si Eli, pero kung iisipin, napakatalino na ng anak ko. Marunong na siyang magbasa, magsulat, at higit sa lahat, calculate problems that are beyond his age. Just like me, mahilig siya sa numbers, at hindi na ako magtataka kung sa akin siya nagmana.
★During Breakfast★
Naglagay ako ng pancake sa plato ni Eli, paborito niya kasi ito, lalo na yung nilalagyan ng chocolate syrup. "Ma, I want hotdog too" saad niya na agad ko namang binigay.
Breakfast person kasi si Eli. Hindi yan makakaalis ng bahay hangga't hindi nakakakain ng umagahan, pero minsan binibilhan kona lang siya ng breakfast meal sa fastfood kasi gahol sa oras. Samantalang, hindi naman ako mahilig sa breakfast, coffee lang ay pwede na sakin. Mas gusto ko kasi yung brunch, isahang kainan na lang ganon.
"Ma, don't forget our family day ha" at bigla akong napatigil dahil don. "K-kailan yon, Eli?" sabay tingin sakaniya.
"Next month palang naman po, Ma. They require us to bring our Mom and Dad..." he stopped eating. "But I'll ask my teacher Ma kung pwedeng Mommy na lang ang idala ko, at wala ng daddy. Pwede naman po siguro yon" then faked a smile.
That broke my heart. Naluluha ako. Gusto kong yakapin ang anak ko. "Eli..."
"I understand, Ma."
"Pwede naman po siguro yon, maiintindihan po nung teacher namin, that's why don't worry"
He hugged me. My son hugged me. Kaya kong ibigay lahat ng luho sa anak ko, pero bakit parang pagdating sa pagkakaroon ng isang buong pamilya, sobrang hirap ibigay sakanya.
Pinunasan ko ang tumulong luha sa aking pisngi. I faced my child, then held his cheeks. "Don't worry, Mommy will be there. I promise" and smiled.
Ipinangako ko sa sarili ko na kahit ano mang mangyare, ibibigay ko ang lahat para sa anak ko.
Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto. "Sali naman ako diyan" saad ng isang babae, ang mama ko.
"Lola" masayang pagtawag ni Eli sa lola niya na parang hindi niya nakita ng napakatagal na panahon. Pero ang totoo, kasama naman namin siya dito sa bahay.
Niyakap ng anak ko ang lola niya. "Sasama ka din po sa family day namin diba po?" tanong niya. Napatingin sakin ang mama ko. "Please" pabulong kong sensyas sakanya na mabilis naman niyang tinanguan. "Basta walang magaganap na pagsakay sa bike, game ako apo. Sasama ako" sagot niya na ikinatuwa ni Eli.
Pagkatapos non, itinuloy na ni Eli ang pagkain niya ng kaniyang almusal. Habang siya'y kumakain, pinapanood ko naman kung papaano siya ngumuya na halos hindi na niya ata mapagkasya ang mga pagkain na nasa bibig niya.
★School of Eli★
Inihatid kona si Eli sa school nya. 3 years old palang siya pero promoted na siya as grade 1.
"Mom, pwede po bang ishare ko sa mga kaklase ko yung baon kong meryenda?"
My generous child. Na touch ako sa tanong ng anak ko. "Of course My Eli" sabay bukas ng pintuan ng kotse, at bumaba naman si Eli pagkatapos.
"Turn around" utos ko sakanya. Isinuot ko sakanya ang kaniyang bag na medyo may kabigatan, may dala kasi siyang mga books. "Thanks, Mom." sambit niya.
Inabot kona din ang kanyang lunch box. 4 layers ang baunan niya, four course meal kasi ayokong magutom ang anak ko. "Goodbye, Mom. Thank youuuu for everything" at tumunog ang pagkiss niya sa aking pisngi sabay yakap sa akin.
"No. Thank you. Go, baka ma-late ka pa" sambit ko sabay kumawala sa yakap namin.
"ELI!" pagtawag ko sakanya. Lumingon naman siya. "If there's anything you need, just ask for help from your teacher okay, or call Mommy" sambit ko habang kumakaway sa kaniya. Tumango naman ang anak ko, saka pumasok na sakaniyang room.
Parang gusto ko na lang magtrabaho dito sa school niya para mabantayan siya. Malingat lang ako sa anak ko, parag mababaliw na ako sa pag-aalala.
(Someone's calling)
"Kenji?" tumatawag sakin si Kenji.
‹"Hey, asan kana?" tanong niya sakin.
"School ni Eli, hinatid ko kasi sya" I answered, then he laughed on the next line.
"Why?"
"Nakalimutan mona sigurong promotion mo ngayon. Late kana huy!" at biglang nag sink in sakin lahat na teacher ako, at promotion ko ngayong araw.
"Papasok na ko, promise. Pakisabi na lang na babawi ako ha, natapos kona din naman na yung documents for my promotion. Bye, see you."›
At dali-dali na akong nagmaneho papuntang university. Hays, mukhang mapupurnada pa ang promotion ko dahil sa pagiging oa ko na nanay kay Eli. But, my son deserves everything. Kayod kalabaw talaga ika ko nga para sa future ng aking bagets. Para sa future, go go go!
★Isabela State University★
Pagpasok ko palang sa office ng Dean, kinakabahan na ako. "Good morning..." at kasunod non, "Ms. Dean" saka nagsipalakpakan ang lahat.
"A round of applause for our new College of Education Dean, Ms. Honey El Chavez"
D-dean? A-ako? (Napahawak sa kanyang dibdib sa sobrang gulat at pagkagalak)
"For you" bulaklak na inabot sakin ni Kenji, sabay bulong ng "Congrats"
I'm speechless, like as in, grabe, hindi ko ito inaasahan. Sa sobrang pagmamadali ko... syaksss! Nakapambahay pa pala ako na slippers. Hindi kona napalitan kanina dun sa kotse ng sandals. Lutang nga naman tsaka aligaga. Sana walang nakapan—
"Sa sobrang excited mo Dean, hindi kana nakapagpalit ng tsinelas!" at nagtawanan na silang lahat habang ako ay napapakamot na lamang sa aking ulo.
After nung medyo pasurprise nila sa akin, nagkaroon ng oath taking as the new dean of college education, syempre nagpalit na ako ng formal attire, baka isipin niyo na namang nakatsinelas ako, syempre oo, after nga lang nung oath ceremony. Alangan naman bagayan ko ng tsinelas yung filipiana dress, flats pwede pa, pero wag naman yung tsinelas, baka masibak ako ng wala sa oras eh.
"Congrats, Ma'am" bati sakin ng mga estudyante. Mukhang napabalita na sakanila ang promotion ko. Ang bilis talaga kumalat ng chismis, pero hindi fake news ang promotion ko ha.
Nginitian ko naman sila sabay sabing "Thank you"
Ngayong araw, siguro mahigit isang daan na yung nakakapagbati sakin, it's too overwhelming and touching at the same time.
"Good afternoon, Class" sambit ko. Kahit naman dean na ako, need ko paring magturo.
"Did you prepare for our long quiz today?" tanong ko sakanila. "Ma'am, kapag ba sinabi naming hindi, 'di na po matutuloy quiz natin?" pabirong sagot sa akin ng isang estudyante.
Napaisip ako ng kaunti bago sumagot. "Pwede naman. But, rest assured na 100+ items na ang inyong long quiz, and right minus wrong" pabiro ko ding rebut. At doon na nagsimula ang malapalengke sa loob ng classroom.
"Shhhhh" pagsaway ng kanilang peace officer. Kahit kailan talaga, maaasahan ko siya every time na need ng peace of mind, peace of mind? HAHAHAHA
Inabot ko sa estudyante ang mga materials nila. "Collect 5 pesos each for tax, thank you" kitang kita ko pa yung isa-isang pagbubukas ng mga estudyante ng kanilang bags at wallets para lang kumuha at maghanap ng barya.
Well, tax is a tax. Here in ISU, though students have free tuition, it doesn't mean that they don't have any inside expenses or let's just say study material expenses. Hindi na kasi scope nang free tuition nila yung bond paper at ink na ginamit ko para magawa yung mga quiz papers.
In short, hindi lahat libre. Ganyan din ako nung college palang ako, nagbabayad din ako, hindi nga tanggap yung face card ko sa bayaran na 5 pesos pagdating sa ganyan, maski sa abuloy pero it's better to give than to receive kaya magbigay na lang noh.
"Guys, please, avoid cheating. Once I caught you staring at other people's papers, matic na zero na kayo. Erasure means wrong. And if may tanong kayo, sa akin magtanong, wag sa katabi. Avoid chatting with your classmates, and even borrowing calculators, bring your own, we have agreed on that. Lastly, kapag tapos na kayong sumagot, get your things and you may go." tumingin tingin pa ako sa paligid. Nang makita ko na nakaayos na silang lahat...
"May God bless you all, you may now start" kakasabi ko palang ay agad na silang nagsagot.
Dapat ganyan, ganado akong gumawa ng problems kagabi kaya dapat lang na ganado silang magsagot. May makakaperfect kaya sakanila? Sana meron, may reward pa naman ang makakakuha ng 50. Nakakaexcite (nakangiting umupo)
(After 30 minutes)
"You have 30 minutes left..." sigaw ko sakanila na medyo kinataranta ng iba.
Dito mo talaga makikita kung sino yung nagreview at hindi nagreview. Yung mga estudyante na talagang gumagamit ng calculator, at kung sino yung ginawang props na lang yung calculator. Meron din yung gumagamit ng scratch paper, tapos yung iba naman sariling sikap na lang na makapagsulat ng kahit anong number para lang may maisulat.
(After 20 minutes)
"Okay, 10 minutes left, make sure to write your answer correctly, precise, and not copied to your seatmates. And keep your scratch papers dahil may dagdag points din yan." at nagsitunugan ang mga quiz papers. May check dito, check doon. Sulat dito, sulat doon. Napaghahalataan ang mga estudyante. (Palihim na tumawa)
(Last minute)
Tumayo na ako sa aking kinauupuan. "Pass your papers in the count of three..."
"1" nagpapasahan na sila.
"2" pero yung iba halla sige kopya. Akala mo talaga diko nakikita eh noh. Patay malisya talaga, malala.
"3!" at nasa harapan kona ang mga papel nila.
Napangiti ako. "Kamusta ang quiz?" nang-aasar kong tanong. Alam kong mahirap, syempre minekus mekus ko ba naman.
Halo-halo yung reaksyon nila.
"Okay lang naman, Ma'am"
"Nakakapagod, Ma'am. Ang sakit sa ulo."
"Sobrag nakakalito."
"Hirap kumopya, Ma'am" at nagsitawanan silang lahat.
"Next time, alam niyo na ha. Magreview, at ugaliing magpractice na magsolve ng problems para masanay kayo" habang hawak hawak yung mga quiz papers.
"Besides, mukhang papasa naman kayong lahat sa'kin—"
"Pasado na ako sa standards mo, Ma'am?!" pagbibiro nung isa kong estudyante. Naghiyawan ang lahat.
Haysus, ang mga kabataan talaga, kung ano ano ang iniisip. "Papasa sa subject ko, Mr. Santos" paglilinaw ko.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib, "Ouch, basted!" at pinagtawanan kona lang.
Mas maayos na 'to, kaysa naman sa pigilan ko pa sila sa kasiyahan nila. Mahirap na nga ang college, tapos magiging kill joy pa ba ako? Siyempre hindi na diba.
"Okay, see you on tuesday. Good bye class" umalis na ako sa room nila.