BAGSAK ang balikat na bumalik ako sa pinapasukan kong trabaho. Pagkapasok ko sa karenderya, laking gulat ko nang makitang may bagong nakaupo sa puwesto ko. Kung ano-anong senaryo ang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinabahan. Nakangiti ang babae sa akin ganoon din si ate Merna. 'Yong tipo ng ngiting hindi ko gugustuhin ang kahit anong kanilang sabihin. Parang alam ko na kaagad kung ano ang mangyayari. "Buti naman at nakabalik ka na, nakabili ka na ba ng kailangan mo?" tanong ni ate sa akin. Kaagad naman akong tumango sa kaniya. "Ito nga pala si Mikaela, siya ang papalit sa 'yo sa puwesto mo rito. Alam kong hindi mo kaya magtrabaho dahil mukhang maselan pa ang pagbubuntis mo," dagdag niya pa. Kaagad na nanubig ang aking paningin. Alam kong m

