Hindi alam ni Alfredo kung saan siya mag uumpisang mag paliwanag. Nakatitig sakanya ang Lola Felicia niya habang si Charm naman ay nakayuko at talagang naguguluhan.
Gusto niyang matawa sa itsura ng magandang dalaga. Parang kahit naman nagulat ito at naiinis o nagagalit ay malambing parin ang mukha at pananalita.
Hindi man siya nito sinigawan, minura o sinampal tulad nang ginagawa ng iba. Nabibilib talaga si Alfredo sa pagiging kalmado ng dalaga.
"Anghel kaba?" Hindi n'ya mapigilang tanong kay Charm.
Nag angat ng tingin ang dalaga at kunot ang nuong tumingin sakaniya.
"Alfredo your words," saway ng Lola Felicia niya.
"Tinatanong ko kung anghel s'ya. Kasi hindi man lang siya nagalit kahit alam na n'yang nag sinungaling ako at nag panggap bilang matanda kahit na mayaman naman talaga ako."
"Kasi gusto kong marinig ang rason mo. Hindi ako basta humuhusga ng tao," sagot ng dalaga.
"What if walang kwenta ang rason ko at mas maaring masaktan ka pa?" Tanong din ni Alfredo.
"Ayos lang, at least na laman ko."
Napatayo si Alfredo sa inis. Hindi s'ya naiinis sa dalaga, pero sa sarili niya. Kasi ang gago n'ya! Paano nalang pala kapag nasaktan talaga niya ang damdamin ng dalaga? Lagot na lalo siya sa Lola niya.
"Sabihin mo na Alfredo," utos ni Lola Felicia. "Malinaw ang utos ko sayo 'di ba? Sabi ko hanapin mo si Charm at alukin ng kasal. Gumawa ka ng paraan para mapapayag siyang mag pakasal sayo. Malaki ang utang na loob ko sa dalagang 'to na niloko mo. Alam mo bang kung hindi dahil sakaniya ay wala kanang Lola."
Pinaalala na naman ng Lola Felicia niya ang pangyayaring naging dahilan ng utang na loob nito. Ang dalaga kasing si Charm ay matapang na iniligtas mula sa magnanakaw ang Lola niya.
"I know, La. Hindi ko kinakalimutan 'yun, pero syempre gusto kong makasigurado. Hindi naman pwedeng pakasalan ko nalang s'ya basta. Lola walang ganun," pangangatuwiran ni Alfredo.
"Iniisip mo na lolokohin ko lang kayo?" Tanong ng dalaga na nagets ang tinutukoy ni Alfredo. "Naging matapat ako sayo na pera lang ang dahilan. Sinabihan kita kaya bakit parang--"
Hindi na pinatapos ni Alfredo ang sinasabi ni Charm. Masyado na siyang nagu-guilty sa nangyayari. Aminado naman siyang kasalanan niya ang lahat.
"Yeah, I know and I'm sorry!"
"Sorry lang, iho?" Iba ang mukha ng Lola n'ya.
"And what do you want me to do, La? Lumuhod? Pumayag na nga ako na pakasal sakanya eh!"
"Don't you dare! Huwag na wag mong sisigawan si Charm kasi unang-una ay wala siyang sinabing masama sayo at hindi ka niya sinigawan kahit na may dahilan s'ya. Dapat nga sinampal ka pa n'ya e," galit na sabi sakaniya ng Lola niya.
"Pasensya na po kasalanan ko."
Nakaramdam ng kirot si Alfredo ng makitang umaagos ang luha ni Charm.
Gusto n'ya itong lapitan upang tuyuin ng mismong kamay niya ang luha nito ngunit may pumipigil sakaniya. Pinipigilan siya ng utak niya na baka mapahiya lang s'ya sa gagawin.
"Hindi mo kasalanan, iha. Listen to me," sumulyap pa ang Lola niya sakaniya. "Ako ang may kagustuhan at walang magagawa ang kahit na sino man, okay? I'm so happy that you're here, and I hope pati ang family mo makalipat narin."
"Talaga po?" Hindi makapaniwala si Charm.
"Yes, after ng wedding makakasama mo na sila sa i-isang bubong. Pangako ko 'yan sayo para maging masaya kana kasi deserve mo 'yun. Napakabuti mong tao, at wala na akong ibang gusto para sa apo ko kundi ikaw."
Nakaramdam ng takot at hiya si Charm. "Pero hindi ko po gusto ang apo nyo," diretsahang sagot niya.
Rinig niyang napamura si Alfredo.
"Apo ko na ang bahala kung paano mo sya magugustuhan."
"And why would I do that?" Inis na tanong ni Alfredo.
"Nakalimutan mo na ba 'yung kasalanan mo?"
Napahilamos si Alfredo. "Love is not important, Lola. Sapat na 'yung pinakasalan ko s'ya."
"Mali ka Alfredo," kinurot ng Lola niya ang pwetan n'ya. "Love is important. Love is a commitment, and soon kapag may minamahal kana at naramdaman mo 'yan. Maiintindihan ninyo ang sinasabi ko."
"Sabihin mo sakin kapag ginulo ka pa ni Alfredo." Ngumiti ang matanda at iniwan na silang dalawa.
"Bakit?" Nakataas ang kilay ni Alfredo kay Charm na nakatitig sakanya.
"Naninibago lang ako, para kasing mas okay 'yung nakilala kong matandang Alfredo."
"Mas gwapo ako ayaw mo? Swerte ka kasi gwapo magiging asawa mo."
"Hindi rin," sagot ni Charm. "Ayoko sa mayabang at masyadong mataas ang tingin sa sarili." Ngumiti si Charm sakanya bago tumayo.
"Don't smile at me!"
"Bakit?" Takang tanong ni Charm.
"Kasi ang ganda mo, kainis!" Matapos sabihin ni Alfredo 'yun ay iniwan na niya ang dalaga.