Chapter 13

722 Words
Isang araw palang ang lumilipas ay tila ba taon na ang binibilang ni Charm. Pakiramdam niya isa siyang bilanggo na hindi maaring umalis. Miss na miss na n'ya ang pamilya niya. Sabi ni Lola Felicia ay inaayos na ang lahat para sa gaganaping mabilisang kasal. Hindi n'ya alam na ganun nalang pala s'ya kagusto ng Lola ni Alfredo. "Seniora," tawag ng Mayordoma. Agad siyang napalingon at natigilan sa malalim na pag-iisip. "May kaylangan po kayo?" "Iha, pinapasabi ng Madam Felicia na maligo na daw po kayo." "Charm nalang po ang itawag nyo sakin." Nahihiyang sabi niya. "Masanay na po kayo kasi magiging asawa na kayo ni Seniorito." "Charm nalang po," pag-uulit niya. "Mas komportable po ako sa pangalan ko." Napatango naman sakanya ang Mayordoma. Sinamahan s'ya nito patungo sa paliguan. Namangha s'ya sa banyo dahil mas malaki pa ito sa bahay nila. Nasisiyahan siyang minasdan ang bathtub na may petals pa. "Hihiludan po namin kayo." Sabi pa ng Mayordoma bago sumenyas sa dalawang katulong na may hawak na pang rub sa skin. "Kaya ko na po." "Ginagawa lang po namin ang iniutos na trabaho samin." Walang nagawa si Charm kundi hayaan ang mga ito. Walang kibo ang mga katulong habang nililiguan siya at may mga nilalagay sa balat n'ya. Matapos maligo ay dinala naman s'ya sa kwarto na may mga damit na pwede niyang pag pilian. "Ito po ang hinanda na maari ninyong isuot." Sinunod nalang ng sinunod ni Charm ang Mayordoma. Wala na s'yang angal dahil baka mapagalitan pa s'ya at masabihang maarte. Matapos mag bihis ay iniwan siya ng mga ito sa sala. Binuksan ni Charm ang TV upang manuod para kahit paano ay malibang. Nasiyahan siya ng matapatan ang cartoons na paborito n'ya. "Anong suot 'yan?" Nanlaki ang mata ni Charm at agad na inayos ang upo. "Ito kasi 'yung ibinigay sakin--" Hindi na s'ya pinatapos ni Alfredo. "Mag palit ka," utos ni Alfredo. "Bakit?" Napahilot sa sentido si Alfredo. Bakit nga ba inaalala n'ya kung anong isuot ni Charm? Wala na dapat siyang pake kasi hindi naman n'ya kasintahan ang dalaga. "Nevermind," inis na sabi n'ya bago iniwan ang dalaga. "Alfred!" Sinalubong s'ya ng yakap ni Megan. Agad n'ya itong naitulak. Hindi gusto ng Lola niya na may ibang babae siyang dinadala sa bahay nila. Gusto ng Lola Felicia niya na maging stick to one lang si Alfredo. Ngunit para kay Alfredo ay bakit niya pahihirapan ang sarili n'ya kung pwede naman na palihim siyang makipag relasyon? "Sinabihan na kitang wag pupunta diba?" Inis na tanong ni Alfredo. Mabuti nalang at wala ang Lola niya. Busy ito sa pag-aayos ng magiging kasal kaya naman walang makakakita kay Megan kundi 'yung mga katulong lang at si Charm. "Miss na kasi kita." Hahalikan pa sana s'ya ni Megan ng makita sila ni Charm. "Itatanong ko lang sana kung may pwede ba akong gawin dito para makatulong sakanila." Nahihiyang wika ng dalaga bago nag iwas ng tingin. "Charm wala kang gagawin. Maupo kana lang o kaya bahala ka kung ano gusto mo." Sagot ni Alfredo. "S'ya ba?" Mataray na tanong ni Megan. "Megan umuwi kana. Sasabihan nalang kita kung saan tayo mag ki-kita." "No!" Mataray na sigaw ni Megan. "S'ya 'yung dahilan kaya palihim nalang tayo ngayon." "Pasensya na," mahinahong sagot ni Charm. "Megan sabi ko umuwi kana." Galit na utos ni Alfredo bago hinawakan ito hinawakan sa braso. "Bakit masama na ba sabihin 'yung totoo? Naiinis ako sa babaeng 'to!" Dinuro ni Megan si Charm. "Epal masyado nakakasira ng relasyon! Kaya nga kahit anong gawin ko na magustuhan ng Lola mo wala paring talab. Kasi itong babaeng 'to lang ang gusto n'ya." "I said enough," nadiinan ni Alfredo ang hawak niya sa braso ni Megan na ayaw paring tumigil. "Break na tayo. Now leave," dagdag pa n'ya. "Ganun nalang? Dahil lang sakaniya?!" "Ayoko sa lahat 'yung babaeng bungangera," yamot na sagot ni Alfredo. "Kitang kita naman na ipinag tatanggol mo s'ya. Hindi mo naman s'ya gusto kaya bakit mo s'ya pipiliin kaysa sakin?" "Hindi rin naman kita gusto katawan mo lang ang habol ko." Umiiyak na lumabas si Megan. Napailing na lamang si Alfredo ngunit nagulat siya ng bigla siyang sampalin ni Charm. "Kaming mga babae," masama ang titig nito sakanya. "Hindi kami parausan." Napahawak si Alfredo sa pisnge niya habang nakasunod ng tingin kay Charm na tinalikuran na s'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD