Imbis na masaktan si Alfredo sa sampal ng dalaga ay nasiyahan pa s'ya. Kamuntik pa nga siyang mapahalakhak kung 'di niya napigilan ang sarili.
Iyon na 'yung galit n'ya?
Natatawang tanong ni Alfredo sa isipan. Kahit nga yata ang sampal nito ay hindi makakapatay ng langgam dahil sa hinhin. At ang pagiging mahinhin ng dalaga ay 'di maarte o nakakainis.
Sinundan niya ang dalaga matapos makapag muni-muni. Kakausapin n'ya ito tungkol sa pakikipag relasyon n'ya kay Megan o sa ibang babae. Gusto niyang gumawa ng kasunduan tulad ng ginagawa ng ibang ipinagkaka sundo lamang at 'di naman mahal ang isat-isa.
"May kaylangan ka?" Mabilis na tanong ng dalaga sakaniya ng makita siyang palapit.
Ngumiti s'ya at tumango. "Gusto ko.lang linawin sayo na hindi porket ikakasal tayo ay hawak mo na ako sa leeg, gets mo?"
"Ituloy mo lang," utos ni Charm.
"Ang ibig kong sabihin ay wala kang dapat isumbong kay Lola. Isipin mo nalang na wala kang nakita, at never mong na encounter si Megan, pwede ba? Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko ang gusto ko, deal?"
Hinintay n'ya ang sagot ni Charm.
"Hindi pwede ang gusto mo Alfredo."
"At bakit hindi?" Takang tanong niya habang nakataas ang kilay at pinipigil ang sarili na mayamot.
"Kasi oras na makasal na tayo. Ibig sabihin ay legal at ganap na gayong mag asawa, sa batas ng tao o Dios ay mahigpit na ipinag ba-bawal ang pakikiapid." Pangangatuwiran ni Charm.
"Tama ka naman sa sinabi mo, pero ayoko. Ayokong matali sa babaeng hindi ko naman gusto."
"Sino bang nag sabi na gusto kita? Parehas lang tayo ng nararamdaman sa isat-isa Alfredo, pero sino ba ang umalok ng kasal? Ako ba?"
Napapalatak si Alfredo dahil masyadong makatuwiran ang dalaga.
"Huwag nalang sanang makarating kay Lola na nalaman mo ang--"
"Hindi ako madaldal na tao," mabilis na sagot ng dalaga kaya natigilan s'ya.
"Good to know."
Iniwan na niya ito. Pupuntahan n'ya si Megan na nasabihan niya ng masakit kanina dahil sa pag ta-tanggol kay Charm.
Hindi naman Kawa si Megan kay Alfredo. Ngunit si Megan lamang kasi ang tumagal na babae sakaniya. Kilala na kasi siya nito at alam na ang mga gusto n'ya. Bukod pa dun ay patay na patay din sakaniya ang dalaga kaya ganun na lamang ang selos at inggit nito ng malamang ikakasal na s'ya sa taga probinsyang si Charm.
"Bakit nandito ka?" Maarteng tanong ni Megan ng makita siya.
Tumabi s'ya sa pwesto nito at ngumit. Isang ngiti lamang niya at magiging marupok na ulit ito sakaniya.
"Pasalamat ka 'di lang talaga kita matiis."
Hinapit niya sa bewang si Megan. "Nakahanda na ang VIP room. Gusto mo bang dun na tayo?" Tanong ni Alfredo.
Mabilis namang pumayag si Megan. Hindi pa sila nakakalapit sa kama ay sinunggaban na ni Megan ng halik si Alfredo. Kinapa nito ang abs n'ya at mabilis na inilipat dun ang labi nito.
Napapikit si Alfredo dahil sa sensasyong nararamdaman. Hinawakan n'ya sa buhok si Megan at isinubsob sa kahabaan n'ya.
"Charm," sambit niya.
"Charm?!" Galit na sigaw ni Megan habang puno ng pagtataka ang mukha.
Hindi niya sinasadyang mabanggit ang pangalan ng dalaga. Maging s'ya ay nagulat na lamang at natapik ang nuo. Mukang nawalan na ng gana si Megan kaya naman tumayo na 'to at inayos ang sarili.
"Nakakawalang gana," yamot na sabi nito habang masama ang titig sakaniya.
"Gusto mo na ba s'ya? Sabihin mo lang para tumigil na ako kakahabol sayo!" Hinampas s'ya sa dibdib ni Megan.
Walang imik na pinulot ni Alfredo ang underwear ni Megan na 'di niya namalayang na alis na pala n'ya. "Pasensya na wala lang siguro ako sa mood," malamig na sabi n'ya.
"Ewan ko sayo!"
Padabog na isinara ni Megan ang pinto. Sayang lang ang hinanda niyang VIP room para sakanila ni Megan. Ginugulo ng dalagang si Charm ang isip ni Alfredo kaya naman nawawala ito sa tamang wisyo.
Lumabas na s'ya ng VIP room at tumabi na lamang sa dalawa niyang kaybigan. Mabuti na nga lang at dumating agad ang mga ito after niyang i-text.
"Success ba ang panunuyo?" Natatawang tanong ni Jared.
"I bet, hindi." Si Lenard na tila ba alam na alam ang nangyari. "Paano ko na laman?" Natawa pa ito.m bago muling nagsalita. "Kasi sibangot na lumabas si Megan haha. I saw her, luging-lugi ang expression ng mukha." Dagdag pa ni Lenard.
"Kasi naman hindi ko inaasahang mabanggit ang pangalan ni--" Natigilan si Alfredo at napatingin kay Charm na palapit sakanila.
"Anong ginagawa dito ni Charm?" Gulat na tanong n'ya habang hindi maalis ang paningin sa magandang dalaga.
"You mean, your soon to be wife?" Tanong ni Jared bago napatingin narin kay Charm.
"Akala ko maganda lang s'ya," wala sa sariling sambit ni Lenard. "Pero hindi ko alam na ubod pala s'ya ng ganda."