CHAPTER 1 - Michael Angelo Javier

1339 Words
"This story contains explicit words that may not be suitable to any young readers. If you're below from the age of 18, and as well as, if you belong in a close minded religiou group or whatsoever and you find this story awful, then stop reading this story and leave immediately. Thank you for understanding" -Blue Prince ANGELO'S P.O.V Sabi nila,ang buhay daw ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw ka minsan na sa ilalim. Pero sa estado ko ngayon. Mukhang pang habang buhay na nga ata ako sa ilalim. KARMA. Yan ang tawag nila sa sitwasyon na kinakaharap ko ngayon. Sa dinami dami daw ba naman kasi ng mga kasalanan ko aba'y talagang pagtitripan daw ako ng karma at hinding hindi ako nito tatantanan. Alam kong madami akong nasaktan. Alam ko rin na marami akong pinahirapan. At Alam ko rin na sobrang bigat na ng aking mga kasalanan. Ngunit, wala na ba ako pwedeng magawa para mabawasan man lang ang mga yon? Wala na ba akong magagawa para kahit papano ay mapatawad man lang ako. Wala na ba ako karapatan para sumaya?? Alam kong madami akong pagkakamali sa buhay at marami akong naperwisyo ng dahil sa mga ito. Humingi na rin ako ng tawad sa mga pinagkakasalaan ko. Ngunit, ni isa sa kanila. Ayaw magpatawad. Lahat sila ayaw lumimot. Lahat sila ayaw sakin. Alam kong makasalanan ako. Ngunit tao lang din naman ako. Gaya niyo. Gaya nila. NAGKAKAMALI. Hindi perpekto. Pero kung talagang yun ang gusto nila. Kung yun ang desisyon nila. Maluwag kong iyon tatanggapin sa aking puso. Ngunit patuloy akong aasa na balang araw ay mapatawad din nila ako. Student: sir angelo. Sir ok lang po ba kayo??( tanong ng estudyante ko) Ako: Huh?. Oo naman. O siya pasok na kayo. Malapit na ang next period of class. (Sabi ko sabay ngiti sa kanila) Students: sige sir. Bye po! Nakalimutan kong nasa canteen pala ako kumakain ng lunch. At mukhang nawala nanaman ata ako sa huwisiyo. Haist. Ako: ANGELO! FOCUS! ( ang paggising ko sa aking sarili) Ako nga pala si MICHAEL ANGELO JAVIER. Hindi tunay ang aking apelyido. Sapagkat simula ng itakwil ako ng mga magulang ko ay napagdesisyonan nila na ipapalit ang aking apelyido. Inutusan nila ang aming abogado na tulungan ako sa pagpapalit ng aking pangalan. Dapat sana ay ang buong pangalan ko. Kaso nagmakaawa ako na kung pwede manatili na lang ang aking pangalan. Sapagkat ito nalang ang magpapaalala sakin na minsan ay naging espesyal ako sa mga mata ng aking mga magulang. Buti nalang at pinahintulutan din naman nila ito. Kinuha ko ang apelyidong JAVIER sa pangalan ng tanging matalik na kaibigan kong yumao dahil sa isang aksidente. Siya lang ang tanging kaibigan ko simula noon. Sayang nga at namatay na siya. Siguro kung buhay payon edi sana may mapagkekwentuhan pa ako ngayon. Lahat ng mga records mula sa school records pati na sa birth certificate ko. Lahat pinalitan. Hindi na ako tumutol. Alam ko naman kahit sabihin kong wag ay hindi nila ako papakinggan kaya hinayaan ko nalang. Matapos maprocesso ang mga papeles ay pinalayas na ako ng aking mga magulang sa aming tahanan. Kaya eto. Magisa lang ako. Buti na ngalang at nagtapos ako ng cumlaude kaya natanggap ako ngayon bilang isang guro sa isang private school na malayo sa lungsod na kung saan maari akong makita ng mga makakakilala sakin. Buti nga at hindi masyado nagusisa ang paaralang ito sa aking backgroud kaya nakapasok ako. Kahit na kakarampot lang aking kinikita ay masaya na ako dahil sa nakakatulong ako sa growth ng aking mga estudyante. Minsan nahihirapan din naman ako. Nasanay kasi ako sa buhay na marangya eh. Dati-dati. Kaliwat kanan ako kung magparty. Minsan ako pa taya. Ngunit ngayon. Pinagkakasya ko ang 15,000 php sa isang buwan. Mula pagkain hanggang sa renta ng aking inuupahang kwarto. Kinakaya pa naman. Atleast diba naibubuhay ko ng magisa ang sarili ko. Naglalakad na ako ngayon patungo sa susunod kong klase. Social science instructor nga pala ako. Dahil na rin yan sa graduate ako ng political science. Pag aabogado?? Pinagiisipan ko pa. Wala pa naman akong pera pang paaral sa sarili ko eh. Siguro di na muna. Saka nalang. Focus na muna ako sa teaching. Para sa sem na ito ang tinuturuan ko ay understanding society culture and politics para sa grade 11 at personality development naman para sa mga grade 12. At ang papasukan ko ngayon ay ang grade 12. Ok naman ang subjects. Yakang -yaka ko siyang ituro. Kaso ang di ko kaya ay ang mga--- Ako: araay ko! (Natamaan lang naman ako ng plastic bottle sa ulo) Nagtawanan naman ang mga estudyante. Tama. Nahihirapan akong ihandle ang mga estudyante dito. Sapagkat lahat sila balasubas. Sumasagot sagot, hindi nakikinig, hindi pumapasok. Lahat ng mga katangian ng isang patapon ang buhay na estudyante ay nasa sakanila. Karma ko narin ata sila. Sapagkat lahat ng mga ginagawa nila sakin ngayon ay nagawa ko narin sa mga guro ko dati. Pero ayos lang tatanggapin ko. Halos lahat kasi ng mga estudyante dito ay mga dropped out or kicked out sa ibang school. O yung mga estudyanteng may bad records. Lahat sila may mga masasamang ugali at tatanga tanga. Mabibilang mo lang sa mga daliri mo ang mga may kwentang estudyante dito. Kagaya nung mga bumati sakin kanina. Tapos lahat basura na. Marami ng mga guro ang dumaan sa paaralan na ito. Ngunit walang nagtatagal. lahat sila umaalis pagkatapos ng isang sem. The worse is mag iisang buwan palang. Ako pangatlong taon ko na dito. Hindi dahil sa gustong gusto ko dito kundi dahil sa takot ako na baka wala ng tatanggap sa akin na ibang pagtatrabahuhan. Kaya mananatili nalang ako dito. Kung kinakailangan kong magtiis gagawin ko. Parang may choice pa ako? Lesley: oyyy si sir weirdo oh! Nag iispace time na naman ( ang sabi mg estudyante kong babae na babalu. Ano bayan lumilipad nanaman ata utak ko.) Ako: lesley. It's space-out hindi space time. Kala mo sakin, astronaut? Yan kasi puro mangga nasa isip mo. (Pangbubuska ko sakanya. At nagtawanan naman ang mga kaklase niya. Hanggang pangbubuska nalang kaya kong pang ganti sa mga patapon nato. Hindi ko rin naman kaya silang pahiyain. Bukud sa naawa ako eh baka maging rason payon ng pagkawalan ko ng trabaho at pamumulubi ko) Devin: eh ikaw nga bakla. Lahat ng mga estudyante ay natahimik dahil sa sinigunda ni Devin. Jake: BURNNN!!! (at nagtawanan silang lahat) Sila si devin and jake. Ang bagong sugo ni satanas magmula nung nag retire ako. Ganyan ang dinadanas kong pamamahiya sakanila araw2x. Nakakainis na nga eh. Simula nung grade 11 sila ay saakin sila na a-under nagtataka na nga ako eh. Nung nag reklamo ako about sa loads na ako ang instructor nila hindi ako pinayagan ng academic head. Sinumbong ko na sila sa principal at administrator kaso mas pinanigan pa sila. Palibhasa mga gwapo tong mga tukmol na to At matandang dalaga ang principal namin at bakla ata ang administrator namin. Abay nag pa cute lang ang dalawa sa mga yon pinagawa Lang sila ng apology letter. Hindi man lang nasuspend. Siyempre. Alam kong karma ko ito Kaya hindi na ako umalma. Binayaan ko nalang. Pasasaan pat gagraduate na sila. Konting tiis nalang. Halos magkasing edad lang kami ni devin Pinahinto kasi siya di umano ng parents niya sa loob ng 8 years magmula nung grumaduate siya ng highschool kaya siya nasa senior high palang. Nagtataka din naman ako Eh mukhang matalino naman siya sadyang masama lang ugali. At mukha naman siyang nayaman kaya hindi problema ang financial sa kanya. Pero siyempre. Wala na ako pakealam duon. Basta ako, may sahod. Check??? Ako: ok enough. ( pagpigil ko sakanila) Syempre na bwisit ako dahil hindi ako makakaganti ng masasakit na salita pero dapat makapanakit parin ako in a hindi obvious way. Ako: get 1 whole sheet of paper. May long quiz tayo. Sila: sirrrrrr!!!! (Ang sigaw nilang lahat maliban kay devin na masama ang tingin sakin) Nasa sakin parin ang huling halakhak. I. Feel. So. BLESSED. Itutuloy.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD