Chapter 5

1707 Words
“Forget it happened…What happened there, stays there.” I started to feel so uneasy after what I’ve witnessed or rather heard at the men’s cr last week. I told this to Benj and just said to forget it since they didn’t harm me. I went home to spend the weekends with my family. Benj dumped me for another 'urgent meeting' for his project. I asked him the other day to have dinner with us but he came up with an excuse. I suddenly felt that he is avoiding my family. He never visits again our house after the incident with Borge threatening him. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pintuan ng kwarto ko. Pumasok doon si Kuya Borge na may dalang tray na may mga pagkain. Meh. "Musta na ang baby princess namin?" Inirapan ko lang ito. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa boyfriend ko. Nilagay niya ang tray sa bedside table at akmang yayakap sa akin kaya mabilis ako nagtalukbong ng kumot. "Tatampo pa rin?" malumanay na tanong niya. "Feeling ko ayaw na pumunta ni Benj dito sa bahay dahil sa ginawa mo," naiiyak na saad ko. "Sorry na, okay? Hindi ko naman alam na duwag bf mo," pang-aasar niya. "Kuya!" sigaw ko sabay tanggal ng kumot sa mukha ko. Sinamaan ko ito ng tingin. "Since when did you start speaking ill to other people's back?" dugtong ko. Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang suko na. "Kumain ka na... Umuwi ka nga rito pero nagpapagutom ka naman," nakasimangot na sambit nito. "I cooked your favorite Pasta Arrabiata... Halika na." Hinatak niya ako papunta sa mesa para kumain. Napansin kong marami siyang niluto. "Err... Kuya? This is too many calories you know." I’m referring to my diet and body figure. "Sasamahan kita kumain." Umupo siya sa tabi ko at sinimulan niyang maglagay ng pagkain sa plato. Kinuha ko agad ang tinidor sa kamay niya nang akmang susubuan pa ako. “I can still use my hands, Kuya.” Perfect partner talaga ng pasta ang garlic bread kaya madami ang niluto niya. Iba talaga kapag luto ni Kuya Borge. “I wonder… Bakit hindi ka pa mag-asawa?” Kuya Borge used to be a professional chef in a cruise ship. “Hindi pa ako handa sa commitment,” sagot niya habang nakatitig sa pagkain na nasa plato niya. Hindi handa? Uso pa ba ‘yon sa mga lalaki? Gwapo naman si Kuya Borge medyo bulky nga lang ang katawan dahil nagpalit ito ng trabaho sa barko. Gusto niya maging kapitan ng barko balang araw. “Nasaan pala si Kasper?” tanong niya. Hindi kasi niya naabutan dito si Kuya Kasper. “Nasa Baguio… kasama jowa niya.” “Musta meet-up niyo ni Iulian bago sila umalis?” tanong niya. “Everything went well naman… Okay din jowa niya.” Alam kong nag-uusap pa sila kahit tinakwil ni Dad si Kuya Iulian. ×—————× I have been talking to Elise for a week now hoping she could come back as soon as the funeral is over. She’s my assistant and secretary at the same time. She asked for leave to mourn the death of one of her relatives. The truth is, I don’t understand why she still needs to mourn when she was despite by them for being gay. The promotional shoots for the agency are coming that’s why we are kind of rushing knowing Elise is not here. “Elise, bumalik ka rito kung may hindi na magandang nangyayari dyan ha,” paalala ko. Naalala ko noong nag-apply siya sa agency namin ay ang dami niyang pasa sa mukha at katawan. Tumuloy pa rin siya sa interview kahit ganoon ang kalagayan niya. I maybe unfair but I hired her right away and I didn’t regret that day since she’s been doing a good job. “Oo naman! Huwag ka mag-alala sa’kin, Madam. Babalik agad ako bago ang shoots.” She is like an older brother-sister to me. After a year of working at my agency, I found out that she’s a colleague of Kuya Borge. They met one time at the event of our agency; at first Kuya Borge was shocked because his friend Elias comes out as Elise. They have been hanging out since then. “Nakabalik na ba si Elise?” Nagulat ako sa nagsalita mula sa likod ko. “Kuya Borge! Aatakihin ako sa puso dahil sa’yo.” Nagtitimpla kasi ako ng kape sa kusina at alam kong mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay. Tuwing linggo ang day-off ng mga kasambahay dito sa bahay at nagsimba naman sina Mom at Dad. Akala ko naman umuwi na si Kuya Borge sa pad niya. “Bakit mo tinatanong? Do you want coffee? Pandesal?” Offer ko sa kanya ngunit wala aong nakuhang sagot sa kanya. Late na kasi ako bumangon para kumain ng breakfast. Umupo ako sa tapat ni Kuya Borge sa kitchen island counter. Nakita kong kumuha siya ng shot glass at BL. “Kuya, Magtatanghali pa lang,” paalala ko sa kanya. Kuya Borge has a lot of vices. “Anyways… Next week pa ang balik niya,” sagot ko sa tanong niya kanina. “Hmm…Balak ko sana siya ayain pumunta ng BGC.” “Ano naman gagawin niyo doon?” curious na tanong ko. Napansin ko nga simula nang bumaba ng barko ito ay palagi silang umaalis ni Elise kapag weekends. “To catch up?” sagot niya at saka bumalik sa paglalaro sa cellphone. Malapit na ako magduda sa kinikilos nilang dalawa. I mean Elise doesn’t look like a man, as far as I know he started taking pills to suppress his hormones. Hindi ko na alam ang ibang detalye dahil ayoko manghimasok sa desisyon niya. If that’s what makes him happy, so be it. “Are you guys having a blind date?” There is nothing wrong since they are both single. He gave me a disgusting glare. ×—————× *riiiing* *riiiing* *riiiing* Tiningnan ko ang cellphone sa side table at nakita ang tawag galing kay Kuya Kasper. Napatingin ako sa orasan sa kwarto bago sagutin ang tawag. “Alas-dyes na ng gabi, Kuya Kasper,” bungad ko sa kanya. “I thought you’re spending weekends in our home… Nasaan ka?” Nangunot ang noo ko sa sinasabi niya. “Nandito ako sa bahay… Ano pinagsasasabi mo?” “…” “Hello? Kuya?” Buntong-hininga na lang narinig ko kay Kuya Kasper. “…” “You know what? I’m hanging up,” banta ko. “Nakita ko si Benjamin dito ah…sabi niya magkasama kayo.” “Sige na goodnight… Sleep well.” Hindi ko na nagawang magtanong pa ng detalye kay Kuya Kasper dahil naguluhan ako. Alam kong busy sa project si Benj pero bakit sinabi niyang kasama niya ako sa Baguio? Tinawagan ko agad ang cellphone ni Benjamin pero out of reached ito. Minsan naiinis na ako sa ganitong set-up namin kung hindi sinasagot ang tawag ko ay nakapatay naman ang cellphone niya. Whatever I’m going to talk to him later when he gets back. There must be a reason why he said that. Panay tingin pa rin ako sa screen ng cellphone ko, sinubukan ko ulit tawagan si Benj pero wala pa rin akong napala. Inabot na ako ng umaga sa kakaisip. “This is bad!” sigaw ko sa sobrang inis. “Oh anong nangyari?!” Biglang pasok ni Kuya Borge sa kwarto na may dalang tray na may pagkain ulit. “Uhm…There is a black circle under your eyes?! Oh wow hahaha,” pang-aasar niya. I rolled my eyes against him. “Shut up, Kuya.” I went back to my bed and hoped to get some sleep. “Mary, babalik na pala bukas si Elise,” anunsyo ni Kuya Borge na nakapagpagising lalo sa akin. Akala ko next week pa ang balik niya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at dumiretso sa office area na nasa loob lang din ng kwarto ko. Magpapaka-busy na lang muna ako sa work kaysa isipin si Benj. Pagbukas ko ng emails ay may nakakuha agad ng atensyon ko. Binuksan ko ito dahil sa subject na nakalagay, BENJAMIN DANQUE “Teka…si Benjamin ba ‘yan?” Nagulat ako nang magsalita si Kuya Borge mula sa likod ko. Hindi ko naramdaman ang presenya niya palapit sa’kin. “Alam mo, Kuya. Pwede ka maging criminal.” I tried to divert his attention away from my computer. “Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Mary Anne.” Nagtaasan ang balahibo ko sa braso nang mag-iba ang tono ng pananalita nito. I can feel his madness. May nag-send sa akin ng pictures ni Benjamin na nakayakap sa isang babae. Mukha lang ni Benjamin ang kita dahil nakatalikod ang babaeng kayakap niya. Sa ibang pictures naman ay magkalapit ang mukha nilang dalawa na parang nakahalik si Benjamin dito. Napahilot na lang sa batok ko dahil wala pa akong tulog at bigla akong stress ngayong umaga dahil dito. Tiningnan ko kung ganito nanggaling ang email pero ang sketchy ng address dahil parang katulad ito ng mga spam messages. “Humanda sa amin ‘yang boyfriend mo,” banta ni Kuya Borge. Kasper nasaan ka? T*r*ntado itong Benjam- Napalingon agad ako kay Kuya para pigilan ito pero hinarangan niya ako gamit ang braso niya. “Kuya, kumalma kayo!” Ha? Ano? Alam mo na? “Kuya, ano ba! Let’s not jump to conclusion…Let’s wait for him to speak up!” sigaw ko para marinig din ni Kuya Kasper na kausap ngayon ni Kuya Borge sa cellphone. “Are you stup*d, Mary Anne?! Kitang kita naman oh!” Napayuko ako sa hiya at nasaktan sa sinabi nito. “Tama lang talaga na tinakot ko ‘yong bofriend mo!” ramdam ko ang frustration sa boses ni Kuya Borge. Kumuha muna siya ng kopya ng pictures at saka pinasa kay Kuya Kasper. What have you done Benjamin? Are you cheating on me? To: My Engineer Let’s talk after your project. From: Kuya K BROKE UP WITH HIM.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD