bc

ACCUSING MR. WRONG GUY

book_age18+
12
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
independent
self-improved
tragedy
twisted
bxg
office/work place
love at the first sight
office lady
like
intro-logo
Blurb

Emily is a performer. She was invited to perform at a party and, because of the large payments, she agreed to go with a friend who did not come to the very place where the party was held. But unfortunately, she was raped after doing her job.

A few months later, she found out she was pregnant, and because she had heard the name Edward Huessaff, she thought it was what got her pregnant. But she made the mistake of rushing to the man's house and making a mess. She was embarrassed because it wasn’t the man she was looking for that had gotten her pregnant.

What would Emily do now that she ran into the wrong man? 

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Katatapos lang ng performance mo?” “Oo, okay lang ba?” tanong ko kay Liza. “Okay naman narinig ko naman sa likod kahit di ko napanuod. Busy kasi ang daming utos ni Boss. Alam mo na mga takot rin na pumalpak lahat ng mga performer’s na kinuha niya.” Sagot ni Liza habang mga nag-aayos na rin sila para makauwi. Tapos na ang mahabang palabas na ginawa namin kangina. Isang malakasang palabas para sa malalaking tao na kilala sa buong bansa. Karamihan pa sa kanila ay puro pulitiko at ilan ay mga naglalakihang negosyante sa bansa kaya’t si Boss takot na magkaroon ng aberya lalo at halos ang ilan sa mga kinuha nito ay puro mga bago at bata tulad ng request ng kanyang kliyente. “Buti nalang tapos na tayo.” “Oo nga! Nakuha mo na ba yung parte mo sa kinita ni Boss?” Tanong muli ni Liza ng alisin ang ilang borloloy na nakasabit sa kanya. “Hindi pa! Baka daanan ko nalang mamaya oras na matapos ako sa pagliligpit ko rito. “Sige at sabay na tayo.” Sagot ni Liza. Ilang minuto pa at natapos na rin kami ni Liza at tinungo si Boss ang siyang nagmamanage sa amin pagdating sa mga racket na tulad nito. “Boss” tawag ko. Lumingon naman si Boss pero seryoso. “Boss yung parte sana namin kukunin na namin ni Liza.” Sabi ko rito at dumukot na sa kanyang bulsa at iniabot sa amin ang tig dalawang libo. “Ano ito boss? Bakit ang liit ata ngayon? Malayo sa usapan kangina?” tanong ko rito. “Maliit lang din kinita natin rito. Hindi nila nagustuhan ang performance ninyo. Binawasan nila ang ibinayad nila.” Sagot ni Boss. “Pero Boss okay naman lahat ahh? Paanong hindi nagustuhan gayong ang ingay mula sa likod na naririnig ko habang nagpeperform ang ilan sa mga bagong talent mo.” Sabi ko nagrereklamo. “Hindi naman pwede yon. Bakit hindi nila ibigay ng patas ang pera na pinaghirapan naman namin pagtrabahuhan?” Pangunguwestyon ko rito. Napasinghap si Boss. “Sorry wala na tayo magagawa.” “Anong wala na? Baka kamo iniipit mo lang at gusto mo na mas malaki maging parte mo? Nakita ko yung mga batang talent na bago mo pa lang sinabak. Bakit sa kanila ang lalaki ng bigay mo.” Si Liza ang sumagot nagagalit na rin ito sa patuloy na pagsasabi na maliit lang na pera ang kinita ng negosyo ni Boss. “Sorry Liza pero talagang yan lang magiging parte niyo.” Sagot ni Boss ng magwala si Liza. “Hindi kami papayag. Kung kay Emily ayos lang pero sa akin di ayos ang ginagawa mo. Porke ba hindi kami tulad ng mga batang talent na bago pa lang nasabak sa trabaho na ganito? Dahil ba sa hindi gaya nila na naririnig na namin kangina mula sa likod ang pambabastos ng ilan ng paghubarin sila? Dahil ba sa di namin ginawa kangina ang nais ng mga kliyente mo at yung mga batang yon ginawa nila. Kaya mas maliit ang ibinibigay mo sa amin at sa kanila malalaki? Hindi naman fair ata yon. Dapat kung anong usapan. Yon ang makukuha namin rito.” Pagpupumiglas ni Liza at kinuwelyuhan pa si Boss. Tinakot niya si Boss kaya inilabas ang pitaka at inabutan pa kami ng tamang dapat na ibabayad niya. “Nadadaan ka naman pala sa takutan.” Sabi pa ni Liza ng bitiwan si Boss “Halika na Emily at umalis na tayo rito.” Hindi na ako nakaporma at si Liza na ang siyang gumawa na dapat ako. Napapailing na naglakad na kami palabas sa lugar na yon at habang si Liza tawa ng tawa na iniimagine ang itsura ni Boss na takot na takot sa kanyang ginawa. ********** “Edward” Napalingon ako si Rhen. “Bakit?” tanong ko. “May party si Alfred pupunta ka ba?” “Not sure” Sagot ko. “Oo nga pala! Hindi kayo ganoon ka close na dalawa.” Ngumiti lang ako sa sinabi nito. “Sige! Napadaan lang ako para tanungin ka at balita ko nga may babae na kasama sa party.” Sabi niya. “Parang di mo naman sila kilala. Basta party hindi mawawala ang babae.” Sagot ko at umalis na rin si Rhen. ********** “Sure ka ba rito Liza?” kinakabahan kong tanong sa kanya. “Oo kailangan mo ng pera di ba?” Tumango ako. “So, ito na chance mo para magkapera. Hindi lang limang libo ang ibabayad sayo. Tumataginting na twenty thousand pesos at sabi pa oras na maganda ang performance mo at magustuhan nila. Makatatanggap ka pa ng tip mula sa kanila. Oh di ba? Bongga yayamanin ang mga kliyente kesa duon tayo kay Boss aasa ng raket. Maliit na bigayan madalas pang may kupit ang gago.” Napabuntong hininga ako at kabado sa papasukin ko. Kahit si Liza at chill lang habang excited sa gagawin naming dalawa. Stag party ito ng isang kilalang mayaman at gwapo raw na anak ng isa sa pinakamayaman sa bansa. Pero mga kaibigan nito ang naghanda ng party para sa kanila. Unang beses ko pa lang gagawin ito at kinakabahan ako. Upahang performer ako pero di sa ganitong occasion. “Huwag ka ng kabahan. Dalawa naman tayo at magkasama lang tayong dalawa sa loob ng kwarto na yon.” Sabi pa ni Liza. “Pero puro lalake tapos kwarto ang sinabi mo? Hindi ba mas mahirap ito sa mga trabaho na ginagawa natin kay Boss?” tanong ko ulit na mas kinabahan ng malaman na isang kwarto sa loob puro mga lalake at malapitan pa kaming magperform at makakasalamuha ang mga ito. “Huwag kang mag-alala nakausap ko na sila. No touching habang ginagawa natin ang trabaho natin roon. Wala sa usapan ang naiisip mo. Kakanta at sasayaw lang tayo habang naroroon. Hindi kasama ang bagay na naglalaro diyan sa isip mo.” “Mabuti naman.” Nakahinga ako na sabi ko. “Syempre isusugal ko ba ang mga sarili natin kung alam kong ikapapahamak nating dalawa? Kaibigan kita at magkaibigan tayo. Hindi ko gagawin ang bagay na alam kong ikakasama nating dalawa.” Nakangiti na sinabi pa ni Liza. Naniniwala naman ako sa kanya. Alam kong di niya magagawa ang ipahamak ang mga sarili namin. Kaya’t nginitian ko rin siya. “Liza?” “Liza nasaan ka na?” “Liza?” “Sumagot ka naman. Nandito na ako sa napag-usapan nating lugar. Liza?” Kinakabahan na ako sa ilang ulit kong nagsend ng text messages o kahit sa tawag ko walang Liza na sumasagot. Tumatawag na rin yung kausap niya na tao at bayad na rin pala ito kaya di na ako makakaurong kahit pa gustuhin ko. Nasend na nila ang bayad na hiningi ni Liza. Kaya ng sinabi ko na aatras nalang ako di na ito pumayag at mapapahiya raw siya sa mga kaibigan niya. Paano ba gagawin ko? “Huwag mo nang antayin si Liza. Hindi na siya makapupunta.” Text mula kay Liza. Pero Hindi si Liza tiyak ang siyang nagpadala. Bakit hindi makakapunta eh may usapan kaming dalawa. Tinawagan ko ang number ni Liza subalit kinakancel nito. “Liza ano bang nangyayari sayo?” nagpadala muli ako ng text sa kanya. Subalit walang Liza ang siyang dumating sa takdang oras na ibinigay ng lalakeng kausap ni Liza. “Tol! Siya na ba?” rinig ko na itinanong ng isa mula sa pagpasok namin ng kwarto na sinabi ni Liza na paggaganapan ng nasabing stag party. Nasa likod ako ng tinanong ng lalake habang nahihiya at natatakot na rin. Mayayaman nga ang mga naririto subalit ang mga itsura nakakatakot ng sa mga tingin pa lang para na akong hinuhubaran. “Yes siya na! andiyan na ba si Andrew?” “Yes naririto na pwede na tayong mag-umpisa.” “Mabuti kung ganon.” Sagot ng lalakeng sumundo sa akin. Inuumpisahan ko na ang palabas na napag-usapan sila ni Liza. Kumanta ako at sumayaw ng tulad nang ipinagawa ng mga ito. Hiyang-hiya ako sa mga pinaggagawa ko. Habang nagsisigaw sila at pakiramdam ko binabastos na ako. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ang oras na napag-usapan tulad ng contract na napagpirmahan nila ni Liza. “Huwag ka muna umalis. Bakit di ka uminom?” Sabi ng isa ng alukin ako at abutan ng isang baso ng wine. “Hindi ako umiinom.” Sagot ko “Isa lang!” pamimilit nito. Pinagbigyan ko na siya ng tumigil na sa pangungulit na tanggapin ko ang alak na kanyang hawak. “Salamat!” sabi ko at ibinigay ang baso ulit sa kanya. “Wala yon! Ano nga! Dapat kami ang magpasalamat at naging masaya ang party ng kaibigan ko.” Nakangiti siya at nakatingin habang biglang napahawak ako sa ulo. Pakiramdam ko umiikot ang sarili ko. “Are you okay?” Sabi niya na narinig ko ng tinanong ako. “Yes! Sige mauuna na ako.” Sabi ko. Subalit sa paghakbang ko pa lang umikot na ng matindi ang paningin ko. Bumagsak ako habang napasandal pa sa pader at napahawak. Naalipungatan ako subalit di ko maidilat ng mabuti ang aking mata at sobrang namimigat yon. “Tol! Mukhang panalo ang isang yan.” “Jackpot ka diyan.” Sabi pa ng isa na di ko mamukhaan. “Si Edward Heussaff dumating na papasukin ko ba?” tanong na narinig ko mula sa dalawang lalake na kangina nag-uusap. Tuluyan ng nawalan ng malay ako at nakatulog di na alam ang mga nangyari na sumunod at nagising nalang ako na ako nalang ang naririto. Pilit kong ibinabangon ang sarili ko subalit napakasakit. Pakiramdam ko na parang may nabali at napunit. Napapangiwi ako sa hapdi at sakit mula sa pang ibaba ko. Ano bang nangyari? Wala na akong matandaan mula sa narinig ko ang pangalan na yon. Edward Heussaff? Sino naman yon? Nasabi ko ng mapahawak ako sa masakit kong ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook