Chapter 3

1932 Words
Chapter 3 Hawak hawak ang cheke ay tulala ako habang nag lalakad pababa ng hotel suite ni Ma'am Daila. Para akong paralisado nang mag isang nag lalakad pababa. Hindi pa din rumerehistro sa akin ang mga salita ni Ma'am Daila. Matapos kong pumirma sa kontrata kanina ay labis ang bigat at kirot sa puso ko. Labag ito sa akin. Kung hindi lamang para kay Nanay ay hinding hindi ko ito gagawin pero kailangan kong lunukin lahat ng pangamba at pride ko. "These are confidential, Sela. You already know my rules." Huminto siya para may ilapag sa lamesa at marahan ko naman iyong kinuha. Kumunot ang nuo ko ng makitang business at flight ticker iyon. Sunod niyang inilapag sa akin ang isang cellphone at I.D. Labis ang gulat ko ng makitang ako iyon pero sa ibang pangalan. "Stephanie Zamora will be your acting name. Stephanie Zamora is a paparazzi. Ikaw muna ang gagamit ng pangalan niya para may access ka for Zacid's schedule." Hindi ko magawang mag salita at gulong gulo siyang tinignan. Medyo tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi. "Don't worry. They will never know that you are the fake Stephanie Zamora. You have my words, Sela. All you have to do is to trust me... remember? you need money." Mariin akong pumikit at tumango. Tama siya kailangan ko ng pera. Pero iisa lang ang alam ko, nakokonsensya akong gagawin ko ito. Hindi ko kilala yung tao. Wala akong alam tungkol sa kanya at eto, gagawa ako ng paraan para masira siya. "And by the way.." Muli akong napatingin kay Ma'am Daila at nakitang sumimsim ito ng kanyang alak. Tahimik ko siyang pinakaramdaman ng tumungo ito sa aking likod at marahang hinawakan ang aking braso. "Alalahanin mo ang limitasyon mo sa kanya. Control your feelings..." Marahan kong kinuha ang letrato ni Zacid Casciano sa aking bag at tinignan iyon. Bakit kaya gagawin iyon ni Ma'am Daila sa kanya na parang ang laki ng atraso nito dito? "Sela!" Mabilis kong tinago ang letrato ni Zacid Casciano sa aking bag. Malawak ang ngiti sa akin ni Isabel at mabilis akong niyakap. Tipid akong tumango dito at ipinakita ang chekeng nag hahalagang 2 milyon sa kanya. Suminghap siya. "Manlibre ka naman kahit sa karinderya lang diyan sa harap!" "Kahit anong gusto mo. Ikaw naman ang nag alok sa akin ng trabahong ito," Pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking balikat at parang batang tumango. Tipid lang akong tumawa. Tumungo kami sa isang kalapit na murang karinderya. Hindi naman ako kuripot at hinayaan si Isabel na umorder ng gusto niya. Unang una ay siya ang nag presenta sa akin ng trabaho. Nag tataka lang ako na hindi ko magawang ngumiti o sumaya kahit hawak ko na ang pera. "Sino daw yung taong ipapatrabaho sa'yo? Artista din ba?" Punong bibig na sambit ni Isabel. Tumikhim ako at marahang sumubo ng kakarampot na kanin. Tumango ako. Isa sa mga sinabi ni Ma'am Daila ay huwag sabihin kahit kanino na si Zacid Casciano ang taong ipapatrabaho sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero tingin ko dahil maimportanteng tao ito at maimpluwensya. Onting pag kakamali ay pwede siyang mapahamak.. lalo na ako. "Kaibigan lang ni Ma'am Daila. Medyo kinakabahan nga ako kasi unang beses ko lang gagawin to." Pag sisinungaling ko. "Ayos lang 'yan. Basta may contract agreement naman kayo na confidential at walang mapapahamak ay wala ka dapat ipagalala. Nasa agency contract 'yan." "Oo naman.." Ngumuso siya. "Sino bang artista yan at parang ang laki naman ng galit ni Ma'am Daila para siraan. Sikat ba? Lalake? Babae?" Tumikhim ako at tipid na ngumiti. "Hindi ko pa kilala kung sino pero bukas kailangan kong umalis para sundan yung pinapatrabaho sa akin." Mabilis siyang napahinto at litong napatingin sa akin. Huminga lang ako ng malalim at hindi Ito pinansin. "Oo nga pala, e Paano si Tita Norma? Teka, huwag mong sabihing mag tatagal ka doon?" Sambit ni Isabela. "Si Auntie na siguro muna ang mag aalaga kay Nanay. Sasabihin ko nalang may nahanap akong trabaho at kailangan kong mag stay in. Maiintindihan naman... siguro 'yon ni Nanay at Auntie." Marahas na napahinga si Isabela. "Gusto mo samahan kita?" Umiling ako at ngumiti. "Ayos lang. Kaya mo nga ibinagay itong trabahong to dahil alam mong kaya ko, diba? Tapos ngayon sasamahan mo ako." "Concerned lang naman po. Napaka inosente mo kaya para sa ganitong trabaho." Irap niya. Malimit akong tumawa at napailing na lamang. Kahit inosente man ako sa ganitong trabaho ay kailangan ko pag aralan. Matapos non ay muli kong binisita ni Nanay sa hospital. Tulog at pagod na pagod itong tignan kaya tahimik ko nalang siyang tinitigan habang wala si Auntie. Hindi ko masabi sa kanyang aalis ako bukas dahil baka mag alala at atakihin ulit ito. Parang bumigat ang dibdib ko habang tinititigan ko ito. Sa tuwing naalala Kong kailangan ko putulin ang pangako ko sa kanya ay nakokonsensya ako't na guguilty. "Pasensya na kayo, Nay.." Marahan kong hinalikan ang nuo niya at pinigilan ang pag hikbi. Mumunti Kong pinunasan ang luha ng marinig ang pag bukas ng pintuan at iniluwa nun si Auntie Fely. "Oh! Andito ka pala Sela. Gusto mo kumain? May natira pang Tinola diyan." Mabilis siyang tumungo sa lamesa para kumuha ng pinggan pero agad ko itong pinigilan at umiling. "Pwede po ba tayo mag usap, Auntie?" Kumunot ang nuo niya at mabilis na tumango. Medyo nag punas siya sa mag kabila niyang bewang at lumapit sa akin. "Sa labas na po tayo mag usap, Auntie." Sabay sulyap kay Nanay. Mabuti nalang at agad niya itong nakuha ay sumunod sa akin sa ilabas. Kabado akong tumingin sa kanya pero mas mabuti na din sa lahat ng tao siya ang pauna kong kausapin. "May pupuntahan po ako bukas. Baka po mag tagal ako ng dalawang linggo o tatlo doon-" "Ano? Bakit? May nangyari ba? Paano kami ni Norma kung ganoon!" Huminga ako ng malalim at pilit na kumalma. Hinawakan ko ang kamay ni Auntie at tipid na ngumiti dito para pagaanin ang tension sa amin. "Auntie.. ..may trabaho napo kasi ako... malaki ang sahod...at kailangan stay in..." Mukhang hindi pa din siya kumbinsido kaya mas minabuti kong mag hanap pa ng iilang salita para doon. "Para po pang dialysis ni Nanay. Kailangan din po natin mag ipon dahil hindi natin alam... baka kailangan niya ding operahan gaya ng sabi ng doctor. Kaya po kahit ako nalang po muna mag trabaho. Ayaw ko din pong nag iisip kayo." Marahang sambit ko. "Marisela..." "Auntie, ayos po ako. Mas kailangan kayo ni Nanay. Kung iniintindi nyo naman po yung eskwelahan ko. Pwede naman po ako munang mag stop kahit this sem lang po!" Dismayado siyang umiling. Nakita ko kung paano tumulo ang iilang luha sa kanyang mata. Parang tinusok ang ako dahil doon. Pinilit ko pading ngumiti at yakapin si Auntie. "B-Bakit ba ang bait mo, Sela. Pasensya ka na dahil nahihirapan ka." Hikbi niya. "Auntie, Kahit ako nalang po. Gagawin ko po ang lahat para sa inyo ni Nanay." Iilang sandali kaming ganuon hanggang sa pinakawalan niya na ako. Sinabi niya sa aking mag iingat ako at siya na bahala kay Nanay. Mahirap mag sinungaling kay Nanay pero wala kaming magawa. Hindi man alam ni Auntie ang trabaho ko ay mabuting hindi na din niya natanong. Nag impake ako ng iilang gamit ko. Madaling araw ay kailangan kong tumungo sa lugar kung saan naka set ang project ni Zacid Casciano ngayon. May ticket ako galing kay Ma'am Daila at umaga ang flight non. Kabado man dahil ito ang pang una ko ay pilit kong nilakasan ang loob ko. Suot ko ang isang simpleng puting manggas na bestida. Lacey floral iyon at mahaba. May dala din akong shades gaya ng sambit ni Isabela sa akin para mag mukha daw akong mayaman. "Tumawag ka sa akin pag nandoon kana!" Ngumiti ako kay Isabel at kumaway. Natawa ako nang makita kung paano siya maiyak iyak habang kinakawayan ako sa airport. Buong byahe ay hindi ko magawang makapag pahinga at iyak lang ako ng iyak dahil sa pangamba at takot sa haharapin ko. Hindi ako makapag salita tuwing tinatanong ako ng iilang flight crew kung anong problema ko. Halos isang oras din ang byahe at bukas ang mata sa oras na 'yon. Tahimik lang akong nag dadasal na sana ay magandang simula ito para sa akin at sa aming pamilya. Na walang nasasaktan at mahihirapan sa gagawin ko at na sana mapatawad ako. "Ladies and gentlemen, Welcome to Bacolod-Silay Airport. Local Time is 10:30 in the moring and the temperature is 34°C." Umayos ako ng upo at tinignan ang cellphone na ipinaheram sa akin ni Ma'am Daila. May cellphone naman ako pero di pindot iyon at magaan. Dati ay di touch screen ang cellphone ko pero simula nung napapadalas ang pag kahimatay ni Nanay at minabuti kong isanla iyon para sa gamot. Nilanghap ko ang lamig ng hangin na sumalubong sa akin pag labas. Humanga ako sa ganda ng tanawin na nakikita ko. Halos matanaw ko nadin ang dagat sa malayo. Kung 'di ako nag kakamali ay Isla Casceres ito. Dito daw naka based ang new project ni Zacid Casciano. "Isla Casceres..." Ngumuso ako habang pumara ng taxi. Sasakay pako ng bangka para tumungo sa Isla Casceres. Cicero Coast ang pangalan ng tutuluyan ko pansamantala. Habang nasa byahe ay biglang tumunog ang touch screen na cellphone at rumehistro doon ang pangalan ni Ma'am Daila. "H-Hello po?" Huminga ako ng malalim. "Nakalapag ka na sa Airport?" "Naka sakay na din ako ng taxi at papunta na sa Coast." "Good. You know what to do next. Zacid is also staying there. Though they have a property dyan, dyan sila sa coast nag sho shoot ngayon. I'll text you the details Including his room number and his schedule." "Sig-" Kumunot ang nuo ko ng agad maputol ang linya. Sunod non ang text ni Ma'am Daila sa schedule ni Zacid Casciano. Huminga ako ng malalim habang binabasa iyon. Parang kung anong kabog sa dibdib ang biglang lumabas sa akin. Limang minuto bago kami makarating sa biyahe ng bangka papuntang Isla Casceres. Takot dahil sa malalakas na alon pero mas nanguna ang mangha ko sa tanawin at berde't asul na bagay na nakikota ko. Nang dumaong kami ay agad akong nag pasalamat sa bangkero at tinulungan ako para sa gamit ko. Marahan kong ibinaba ang shades ko at pinag masdan ang laki at haba ng Isla. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar at labis na lamang ang Tanaw ko ang laki ng Coast at ganda ng tanawin ng buong karagatan dito. Napaawang ang labi ko habang sinisipat ang ganda ng puting buhangin at malakas na alon. "Hello po, Ma'am? May reservation po?" Mabilis akong napatingin sa lalakeng nag sambit non. Ngumiti siya sa akin at nakita ko kung paano lumibot ang tingin niya sa mukha ko hanggang sa katawan. Medyo umurong at inilabas ang I.D ni Stephanie Zamora. "Oo.." Nang makita niya iyon at dalawang beses siyang tumingin sa akin at ngumiti. Umurong siya para kunin ang bag ko. Medyo pinigilan ko pa siya pero umiling lang Ito. "Kayo po pala si Ma'am Stephanie. Nakahanda napo yung suite nyo. Tamang Tama ang dating niyo dahil kakadating lang po ni Mr. Zacid! Sunod po kayo sa akin, Ma'am." Kinabahan ako duon at marahang tumango Pinigilan ang pag hinga habang isinuot ang I.D. kasabay non ang pag suot ko ng shades habang taas nuong pumasok sa Coast. Parang hindi ako ito, iisipin kong wala si Marisela dito at kahit anong mangyari handa ang harapin lahat. Mabuti...masakit...masama pa ang kapalit para sa pamilya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD