Chapter 4

1455 Words
Chapter 4 Kabado akong hinawakan ang camera sa aking gilid. Hindi ako marunong gumamit o humawak man lang nun pero parte lang naman ito ng pag papanggap ko. Sana lang ay hindi ako mabuking sa ilang linggo kong pananatili dito. Inilugay ko ang buhok ko at mariing pumikit. Gagawin ko lahat para makausap at lapitan si Zacid Casciano. Hahawakan at pipilitin kong makalapit sa kanya para makita kami ng iilang paparazzi na nandito kasama na din ang tauhan ni Ma'am Daila. Paano ko gagawin iyon kung hindi ko alam kung paano!? Napasuklay ako sa aking mahabang buhok at madaling sinuot ang cardigan na nakalatag sa kama. May iilang damit na din akong makita sa closet at puro magaganda at mamahalin iyon. Tila napag handaan na dati pa. Nasa beach sila Zacid Casciano para sa isang photoshoot. Wala masyadong taong nakapaligid dahil sinarado ito para maging pribado. Nang makababa ako ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Maganda ang araw ngayon at tamang tama lamang sa klima. Ngumuso ako at ngumiti sa iilang taong dumaan. Kailangan kong maging kampante at confident ngayon. Dapat ay madali akong makisalamuha sa mga tao ngayon. "You are Stephanie Zamora, right?" Halos mapatalon ako ng marinig ang taong nag salita sa aking tabi. Madali akong tumango. Ngumisi siya at mukhang isa rin sa mga taong dumagsa para kay Zacid Casciano. Pinag lalaruan niya ang hawak na notebook at ballpen sa kamay. "I'm Veronica Reyes from StarToday." Lahad niya ng kamay. "Ah- I'm Stephanie Zamora." "Oh! I don't actually know you personally but your name is quite famous. I'm happy to see you here. You're here to see Zacid Casciano, right?" Aniya. "Oo." Kumunot ang nuo niya at tinignan ako na parang may kakaiba sa aking mukha. Bigla kong naalala kung paano dapat ako makatungo sa mga tao. Ngumiti ako sa kanya at tinuro ang labas. "I'll go ahead. See you, Ms. Reyes." Huminga ako ng malalim at nag patuloy sa pag lalakad. Hinawakan ko ang camera at nag kunwaring may kumukuha doon. Sinubukan ko talagang pindutin ang click at inenjoy ang pag kuha ng letrato sa dagat. Umaalon ang aking bestida sa lakas ng hangin. Ganuon na din ang aking buhok na halos humampas sa aking mukha. "Ang gwapo talaga. Naku!" Tumigil ako nang marinig ang hikhikan ng dalawang staff sa aking gilid. Medyo tinutok ko ang camera sa kanila at nang makita nila ako ay bigla silang nag pose dito. Hindi ko sinasadyang mapindot iyon kaya nag mukha tuloy kinukuhanan ko sila ng picture. Mali naman! "Salamat po, Ma'am! Artista na tayo!" Muli silang humagikhik dahilan para ngumiwi at at tinignan ang kuha. Nag lakad lakad ako para busisiin ang ganda ng lugar. Kumuha ako ng iilang letrato at pag nakitang panget at malabo iyon ay binubura ko. Ngumisi ako nang makitang perpekto kong nakuhanan ng letrato ang alon na dumating sa akin. "Look at this side! Yes- Perfecto!" Tinapat ko ang aking camera sa mata at inikot iyon sa buong lugar. Hindi ko sinasadyang mapindot iyon at tuluyang makuhanan ang isang tao. "Zacid, honey! You are doing great! Just let your pants down. Okay! Don't smile." Napaawang ang labi ng makita ang tao sa letratong ipinakita sa akin ni Ma'am Daila. Gaya ng nasa letrato ay mas madilim siya sa personal. Nag didikit ang kanyang kilay at halos perpekto ang kanyang mukha. Mapupula ang labi, Matalas at matangos na ilong. Madilim ang bawat ekspresiyon niya na tila kailangan mo pang basahin. Marahan kong ibinaba ang camera at tumingin sa direksyon nila. Wala siyang pang itaas na damit. Medyo nakababa ang kanyang pantalon. Ni hindi siya mangiti sa camera at nanatili ang misteryosong tingin dito. Ilang iba pa ang ginawa niyang galaw dito bago ngumisi at tumingin sa direksyon ko. Zacid Casciano... Siya 'yon? "Let's call it a day! This is so nice, Mr. Casciano. Thank you for giving us chance at tinaggap mo ang offer. Sigurado akong tataas ang sales namin dahil sa'yo. Maraming nag hihintay nito!" Ilang lunok ang ginawa ko nang mag katinginan kami. Madali lang iyon dahil iniwas niya ang kanyang mata sa akin at inilipat sa lalakeng kausap. Pero bakit kahit ilang segundo iyon ay sobrang lakas ng pintig ng puso ko? Sobra naman ang aura niya! Nakakatakot. Seryoso bang ito ang ipapatrabaho ni Ma'am Daila sa akin? Kinagat ko ang pang ibabang labi at 'di ko pa din hinihiwalay ang tingin ko dito. Medyo bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Medyo makintab at malapad ito. Kitang kita mo ang perpektong braso at dibdib niya tapos ang kanyang katawan ay parang pinag paguran at pinag hirapan. Madali akong nag iwas ng tingin at naramdaman ang pag init ng pisngi. Kung ganoon ay kaya pala maraming taong may gusto dito dahil sa katawan at mukha niya. Ganoon naman ngayon 'diba? Napag kakakitaan na ang katawan at mukha. Minsan sa legal na paraan at sa iba naman ay illegal. Hindi kona sinundan ang grupo nila nang pumasok sa hotel. Marahan akong tumungo sa isang staff na nag aayos soon at ngumiti. "Hello! I'm Stephanie Zamora. C-Can i ask kung saan susunod na pupunta si.... Mr. Zacid Casciano?" Napayukom ako sa aking kamao at pilit na ngumiti sa babaeng staff. Kuryoso niya akong tinignan at bumaba iyon sa aking I.D nakita kong luminaw kaagad ang pag dududa niya at marahang itinuro ang restaurant na kanina kong pinuntahan. "Kakain po sila ng Team. Normally po, Mag isa pong kumakain si Mr. Zacid." Aniya sa akin. Umawang ang labi ko at marahang tumango sa babae. Bakit pakiramdam ko ay may mali sa ginagawa ko! Kailangan ko ba talaga siyang sundan at kausapin. Hindi ako kampante sa kanya at parang may kakaiba dito. Tumungo ako sa harap ng restaurant at inilibot ang tingin. Paniguradong nandito ang iilang paparazzi. Huminga ako ng malalim at taas nuong pumasok sa resto. Ngumiti ako sa iilang staff sa luob. Hawak hawak ang aking camera at kabado akong tumungo sa lamesa ni Zacid Casciano. Tama sila. Mag isa at nag papa hinga siya doon. Itinaas ko ang tingin at natanaw ang rebulto sa second floor. Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng iilang hakbang nalang ay nandito na ako sa harap niya. "Mr. Zacid Casciano?" Ngiti ko at humarap sa kanya. Nagwala bigla ang dibdib ko sa kaba lalo na nang tumingin siya sa gawi ko. Ano bang gagawin ko? Dapat ba ay kausapin ko siya o tanungin sa kung saan? "I-I'm Stephanie Zamora. I saw you eating here lonely so mind if i join you?" Tumaas ang kilay niya bago makita kong inilapag ang baso sa mesa. Nasa harap niya ang kanyang laptop at tila may tinitipa siya doon. Buong akala ko'y sasagot siya sa akin pero duon ako nagkakamali. Pagkatapos non ay ni hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Medyo nag init ang pisngi ko at sumulyap sa mga taong kuryosong nakatingin sa amin. Ano pa bang aasahan kong magiging reaksiyon nila? kausap ko si Zacid Casciano. Medyo lumapit pa ako sa gawi niya at marahang ngumiti. Ayaw ko mawalan ng pasensya dito dahil kahit anong papansin ko ay parang di naman ako papansinin. Hindi rin naman ako pupwedeng sumuko! Kung kanina ay wala siyang pangisuot pangibaba ay ngayo'y naka puting tshirt na siya. iba na rin ang suot niyang pantalon sa kanina. Huminga ako ng malalim at umupo na mismo sa harap niya. Bahala na! gagawin ko lang ang trabaho ko at bukod don ay wala na. Kung kailangan kong madaliin ay gagawin ko. Gaya ng mga napapanuod ko sa telebisyon ni nanay ay pasimple kong inilagay ay takas na buhok sa aking kaliwang tenga. Humilig ako sa lamesang nasa pagitan namin at ngumiti. Hindi ko padin makuha ang atensyon niya at seryosong nakatungo lamang sa laptop. Kunot nuo siyang nakatingin dito ay di manlang ramdam ang presensya ko. Itinaas ko ang aking camera at itinutok sa kanya. Naisip kong picturan na rin siya para naman hindi ako mabagot sa ginagawa ko. Agad ko iyong iclinik at gulat ko ng may flash pala iyon. Kanina naman ay wala! Ngumuwi ako't ibinaba iyon. Dapat pala ay mas pag aralan ko pa gumamit nito! "Stop taking photos infront of me." Napatingin ako ako sa aking harapan at namataang iritadong nakatingin sa akin si Zacid Casciano. "S-Sorry. Akala ko kasi walang flash" ngumuso ako at tinignan ang camera. "With or without flash. I don't want anyone taking pictures near me. So if you don't mind. Get out of my sight." Seryosong sambit niya. Hindi ko alam pero medyo na guilty ako sa ginawa ko. Mabilis ang galaw niya at tumayo sa aking harapan. Pinanuod ko lang siya umalis at sundan ng iilang parte ng Team. Mali ata para sa unang pag uusap namin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD