"Bye, Lie," umiiyak na sabi ni Hyra.
Ano ba 'yan! Nagsi iyakan pa nga! Ayoko ng ganito, dapat talaga hindi na lang sila sumama, eh!
"Grabe ang drama, sabi walang iiyak, ah!" Si Jany naman 'to, si Hyra kasi mismo ang nag sabi na walang iiyak.
"Hindi ko mapigil, okay?!"
Natatawa ako, nag aaway na naman sila. Matagal pa bago ko ulit 'to makita, pero sana, hindi naman 'yon gano'n.
"Tanga! Hindi pa naman 'to ending ng friendship natin," si Jany, na maiiyak na rin. "May bago lang na mararating si Lie," ngumiti ito at humagulgol na.
Natawa naman ako dahil siya nga ang nag sabi ng ma-drama kanina, pero siya ngayon ang ganito kung maka-iyak.
"Hoy! Ang jacket ng kapatid ko, puro luha mo na," si kuya naman na paepal habang naka yakap si Jany sa 'kin.
Walang hiya talaga 'to, eh.
"Epal ka talaga, kuya Dariel!" Si Jany 'to, lagi naman na kasi magka-inisan 'to si Jany at Dariel.
Hindi naman nag papansinan si kuya at Hyra, hindi naman yata talaga sila close, eh.
"Pero 'wag mo kaming kalimutan, if ever, ha!" Si Hyra na umiiyak pa rin at unti-unting lumapit sa 'kin para sukbitan ako ng necklace.
"Naiiyak ako, 'tek, 'wag kayong ganiyan!"
Ako nga 'yung hindi pa talaga umiiyak, pero naiiyak ako dahil iiwanan ko nga sila, ayoko pero... Para sa pangarap.
"Pakilala mo kami sa oppa roon, Lie," sabi ni Hyra na tumatawa. Umismid naman si kuya matapos sabihin 'yon ni Hyra, ka-bastos nito. Parang nilakasan pa niya ang ubo!
"Aalis na tayo, Lovely," sabi nito at kinuha ang bag ko na buhat ni Hyra dahil nag presinta ito.
Bakit siya pa ang kumuha? Pabida naman nito, kaya ko naman 'yon!
Iniwasan ko nang tumingin pabalik sa kanila dahil nahihirapan akong umalis kapag ganoon. Tiwala naman akong uuwi akong masaya pa rin kami, at solid kagaya nang dati.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at pinicturan silang umiiyak, front camera pa ang gamit ko kaya kita ang jacket ko at ang medyo blurred pero kitang kita ang pag iyak nila.
"Naneun Aniya," pag kanta ko.
Kanina pa 'ko kinakabahan pero naniniwala akong walang magagawa ang kaba ko kaya tinuloy ko na lang at ibibigay ang best ko. Grabe ang pressure na naramdaman ko nang makita ko ang mga nauna sa 'kin.
"swibji anh-eul geos gat-a."
Binibigay ko ang best ko sa bawat words at notes na lumalabas sa bibig ko, I even chose a hard song for me to perform. Para hindi nakaka hinayang kung passed or not.
"yeojeonhagedo neon nae haluhaluleul chaeugo
ajig-eun aniya,
babocheoleom doenoeneun na,
ibga-e maemdoneun mal-eul samkil su eobs-eo."
Huminga ako nang malalim sa mataas na part, kumpyansa ako sa sarili kong galing sa pag kanta, pero alam kong pwede akong pumalya kaya inayos ko.
"It's not fine."
Ang pagka-detailed ng kanta ko roon sa bandang birit ang nakapag patayo sa kanila, nagulat ako!
"It's not fine."
"You're great," said the old man.
Na-overwhelm ako dahil nagsi-tayuan din ang ibang judge. May pa-unti unti ring staff na nakahinto rin at nanood ng pag kanta ko.
Nang palabas naman ako ay narinig ko 'yung babae, "she should pass."
Ang galing! Natuwa sila, at natutuwa ako roon. Magaling pala akong kumanta? Sa videoke lang kasi ako kumakanta.
Hindi ako nagpa-sama kila kuya at mama dahil plano ko na na pag tripan sila.
"Oh, bakit malungkot ka?" 'Yan ang sabi ni kuya nang malumanay akong pumasok sa tinutuluyan naming hotel.
Agad naman akong lumapit kay mama at yumakap, "bakit?!"
"Natuwa sila, Ma! Natuwa po sila, Kuya, natuwa sila! Tumayo, pumalakpak!" Masaya kong balita sa kanila.
"Akala ko kung napaano ka," sabi naman ni kuya na binato ako ng kung ano. Ang hilig mang bato!
Masaya naman ako sa resulta, nai-call ko rin si Hyra at Jany patungkol doon at masaya naman sila para sa 'kin, sina mama at kuya ay aalis na rin dahil naka pasa nga ako, tumawag na sila nung nakaraan. Mga 3-5 days after the audition.
Ilang linggo lang ang nag daan ay aalis na sila mama, ako naman, sa April, papasok na 'ko sa training. Pero base sa kanila, mahirap daw 'yon kaya sasanayin muna nila 'ko sa paguran.
"The girl, at the back, what's your name? Sarang! Yeah, do it properly!" Sigaw sa 'kin ng babae naming instructor.
Sarang ang pinili kong korean name, Love - Ly. Lee Sarang.
Palagi ako ang napapagalitan nitong nag te-train sa 'min, favorite nga ako pero pagalitan naman, ang lakas din ng amats, eh.
"Hi! Sarang, right?" Pag lapit sa 'kin ng babae, ang ganda niya, though, hindi lang mukhang korean. "Sassy, I'm here since..." Nag isip pa siya bago ituloy ang sasabihin. "5 months, I think." Tapos ngumiti siya.
Ang ganda niya talaga ang I would be glad to be her friend. Mukha rin siyang friendly, oo naman, inapproach nga niya ako, eh.
"Sassy's your real name?" Tanong ko sa kaniya, ang ganda naman ng pangalan niya, kung ganoon.
"No, my name's Shu Yong Xia, but Sassy would be nicer. I'm from Taiwan," pakilala niya sa 'kin, napangiti naman ako roon.
"Sassy!" Tawag sa kaniya ng isa sa mga lalaki, alam ko isa ito sa mga mag dedebut in two years, F'in boys ba?
Nasa-star struck ako dahil nang mabasa ko ang F'in boys may isang Filipino raw, pero hindi rin naman pinakita.
"You'll be debuted quick, trust me!" Sabi niya tapos umalis na rin. Sana nga totoo ang sinabi niya.
Hindi sa nagmamadali ako pero sana nga ma-enjoy ko ang buhay na pinasok ko.
"Game, game," korean class naman ang pinasukan ko.
Required kasi kaming matuto ng korean kaya karamihan ng narito ay foreigner kagaya ko, foreign pala ako rito!
Ang dami, ang dami daming dapat umpisahan at matapos during training, napapagod ako, inaamin ko. Pero nag eenjoy naman ako sa bawat ginagawa ko rito.
"Hi," a guy approached me. Trainee siya rito, mukha siyang matapang.
"Hello!" Mabait akong sumagot.
One of the instructor said na maging mabait daw kami all he time dahil hindi kami tatagal kung mag susungit kami.
"I'm Quenzon, you are?" Tanong sa 'kin nitong lalaki.
Pogi siya, and also, malapit na siyang mag debut. As far as I know he's the main vocal of his group, marami na rin silang fan kahit hindi pa sila nag dedebut officially.
"Lee Sarang," sinabi ko na lang sa kaniya at ngumiti.
Mas prefer ko na ang Lee Sarang, pero pwede pa rin naman akong makilalang Lovely. Ayon iyan sa mga dinidiscuss during our training.
"Oh! How old are you?" Tanong niya sa 'kin.
"14," maikli kong sagot.
Malapit na raw dumating ang YIU, alam ko, it's been... A month, I guess. May na, June darating ang YIU, I don't know how should I feel.
"Oh! I'm 17, but oh, well," sabi nito nang tumatawa. Nabubuwang na yata. "Nice meeting you, I'll get going."
After nang pag alis ni Kuya Quenzon, wala na ulit akong kausap. Ano pa ang gagawin ko? Kaya naman nag cellphone na muna ako at patagong nag basa ng mga AU. Alternative Universe, karamihan ay fan fiction ng YIU ang binabasa ko.
"Wow you're reading AUs?" Si Sassy na biglang sumulpot sa tabi ko.
Since makapasok ako rito, siya ang pumapansin sa 'kin. I can't say na we're always together kasi lahat naman same niya tratuhin.
"I will recomend authors to you, piccifide. She's the best," sabi niya sa 'kin na pinapakita ang phone niya.
Nakakahiya, ang laki ng phone niya, sa 'kin malapit nang mamaalam sa mundo ng mga mortal, eh.
"Yah!" Biglang sigaw niya habang nag iisip ako, nakaka gulat naman 'to!
"Ano?" Sagot ko bigla pero nakalimutan kong wala ako sa Pinas. "Why?"
"What did you said? Ano? I remembered a word like that!" Sabi niya.
Nagtaka naman ako roon, kakaunti lang ang Pinoy dito, ang hirap pa mga mahanap kasi malaki ang training sa BE. 'Yung iba nasa ibang company pa.
"It's very familiar!"
Sinabi ko sa kaniya na baka nasabi ko na 'yon sa kaniya dati kaha 'wag niya na lang pansinin. Sinabi niyang baka pero may iba rin namang Pinoy dito, irereto niya pa raw ako.
"I'm too young for that," iyon lang ang sinagot ko at inexcuse na ang sarili ko. Nagugutom na 'ko, eh.
Nang kumakain ako, wala na 'kong kasama dahil bukod sa si Sassy pa lang naman ang kilala ko, ang daming tao para makipag sabayan pa.
"May I seat here?" Sabi ng lalaki na umupo naman, I don't mind so I did not answer. Tatayo naman sana siya pero nag salita ako.
"Okay," 'yon lang ang sinabi ko.
Kumain ako habang nag se-cellphone, sanay na 'ko sa mga strangers na co-trainee ko na nakiki tabi during lunch time. Pero mas intimidating itong lalaki na 'to, no'ng tignan ko siya, familiar. Pero hinayaan ko na lang, malamang nasa training kami, baka nag kita na kami dati pa.
"I think you look familiar," sabi noong lalaki. Wow, same pala kami.
"We're on the same entertainment," iyon na lang ang sinabi ko.
Napa iling naman siya na tila hindi kontento aa sinabi ko pero hinayaan ko na lang, saan niya ba gusto na nag kita kami?
"Grab your oppa now!" Si Jany na nang iinis, nasa dorm room na kasi ako dahil ni-call nila 'ko.
Nasa resort sila to chill, "Sana all!"
"May oppa ka na ba riya'n?!" Sabi ni Hyra naman, maharot din talaga 'to, eh.
Umiling naman ako sa kanila, akala mo naman kay tatanda na. 15 lang naman si Hyra at 14 din si Jany.
"Ay wala? Baka pangit ka," sabi naman ni Jany na nang iinis. 'Kala naman nito ang ganda niya!
"Excuse me, marami na ring nag ta-try sa 'kin dito! Reto pa kita kay Quenzon," pang iinis ko.
Si Quen kasi ang pinaka consistent na hindi talaga tumitigil kahit cold ang mga sagot ko.
"Omg, Quene Zon Huio?" Tanong ni Jany, chinese talaga si Quenzon, may lahibyata kaya Quenzon ang pangalan.
Tumango naman ako kaya gulat si Jany, bakit? Kilala niya ba si Quen?
"Kilala mo?" Tanong ko tuloy.
"Oo! Siya 'yung mag dedebut, 'di ba? Omg! Pa-reto!" Sabi ni Jany kaya natawa ako.
"Bawal yata," tatawa tawang sabi ko.
Namaalam na rin ako kaya naka-tulog na. Habang 'di pa nag iistart ang korean class.
Nagising na lang ako sa katok, shet! Anong oras na ba?!
Shocks! 10 minutes na lang pala, korean class na, kaya naman minabuti kong mag paper mint na kang muna at lumabas na.
"Mianhe," sabi ko sa lalaking kumakatok. Nag aayos pa 'ko ng damit.
Pag tingin ko, si Quen pala. Umaattend pa pala siya sa korean class? Mag dedebut na siya, ah!
"Giselle sent me here," sabi niya. Sino naman si Giselle.
Amp, eh, ang kilala ko lang si Sassy at siya!
"Who's Giselle, lol, sorry," natatawa ko kunwaring sabi. Pero late na talaga 'ko, putek!
Hinatid niya naman ako sa korean class, nang walang sinasabi kung sino si Giselle. Kaya si Sassy ang una kong nilapitan.
"Who's Giselle?" Prenteng tanong ko. Masasabi kong close naman na kami, close nga ba? Pero parang.
"Oh! The new girl," sabi ni Sassy na napa-irap pa.
"Why are you rolling your eyes against her?" Tanong ko naman, ano'ng problema nito?
"She likes Quen, and when Quen was looking for you, she's like... Okay, then, get her."
Nagulat naman ako sa kwento ni Sassy, akala ko ba si Giselle ang nagpatawag sa 'kin? Si Quen pa rin pala, pero valid naman, eh.
"Okay," sabi ko na lang. Sorry naman, Giselle. Maganda lang.
"YIU is here!" Sigaw noong isang babae na nasa labas, OMG talaga?
Umay! Bored na bored na rin ako sa korean class, maalam naman na 'ko sa korean, eh!
June na, I've been learning for 2 months at marunong naman na ako, hindi pa lang fluent and medyo palya pa pero nakaka intindi at nakakabasa na.
"Yah, Lee Sarang!" Sabi noong korean teacher ko. Omg?
(Hey, Lee Sarang!)
"Wae, Seon-Saeng Nim?" Napa-tayo ako sa gulat.
(Why, Teacher?)
"Do you want to be with YIU, you can go, then!" Maangas na sabi naman nito sa 'kin.
Honestly, kung teacher ko 'to sa Pinas, lalabas ako. Kaso korean teacher ko 'to, 'wag na lang.
"Ani, Seon-Saeng Nim," sabi ko at nag bow saka umupo uli.
(No, Teacher)
"Gosh, are you a fan of YIU?" Tanong sa 'kin ni Giselle.
"Ne," sabi ko na nagpakunot ng ulo niya. Ano'ng problema nito? "mwoga jalmos doeeoss ni?"
(yes, what's wrong with that)
"They're cheap, no wonder they have a lot of fans," sabi naman nito na ikina-taka ko. Cheap na nga marami pang fans? "Cheap items has more buyers."
Napa-irap naman ako, ang bulok kaya ng punch line niya. Magagaling lang talaga ang YIU boys at gwapo pa sila.
"geudeul-eun uliui seonbaeibnida," sabi ko na lang.
(They are our seniors)
Tama pa ba ang korean ko? Ewan ko, hindi kasi ako magaling mag english. Nape-pressure ako.
"Sang-wan eob-seo," sabi naman niya at inirapan ako. Ang pangit niya, 'kala niya maganda siya, eh.
(I don't care)
After korean class, 'di naman ako nakipag kagulo sa mga fans ng YIU na ‘Yours’ kung tawagin.
Nasa malayong sulok ako dahil ayoko makipag siksikan, marami pang chance makausap or malapitan sila. Ayos nang makita, ang pogi nga ni Jaehoon, shuta!
"yeogi anjge haejwo gomawo!" Sabi noong lalaki.
(Let me sit here thank you)
Nagulat naman ako kaya nang humarap ako sa kaniya ay pinatahimik niya 'ko using index finger. Na-gets ko anman iyon at nanahimik, ang pogi ni Haneul sa malapit.
"I- I'm a fan of your group. I'm yours." Nagulat naman ako nang matawa siya, bakit?
Omg! Na-realize ko na ang sagwa pala no'n pakinggan.
"Ah, mianhe," sabi ko na nahihiya na. "I didn't mean that."
Nahihiya ako dahil totoong hindi ko 'yon sinadya! Mas hindi siguro nakakahiya kung banat ko talaga 'yon, 'no?
"No, thank you!" Sabi pa nito na nakangiti, natutuwa ako na nakakausap ko siya.
"Can we like... Take a picture?" Napangiti naman siya sa sinabi ko na 'to, huh? Ano'ng nakakatawa ro'n, ha?
"Of course! Hand me the phone we'll use," offer pa niya kaya naman binigay ko rin ang cellphone ko at nag picture naman kami agad.
Umalis na rin naman siya maya maya pa niyon at naiwanan akong mag isa sa bench. Hindi man si Jaehoon ang nakasama ko sa picture, YIU boy pa rin! Napaka pogi kaya ni Haneul? Duh! Ni-wall paper ko na nga ang picture namin.
"I was just wondering..." A guy approached me.
I think he's familiar, but then again, lagi naman akong narito kaya hindi na imposible na nagkita na kami noon pa
Oh, right, siya 'yung nakatabi ko sa lunch kanina.
"You... Said to Haneul that you're his?"
Namula namana ako sa sinabi niya, kanina pa siya nandito? Hindi ko naman 'yon napansin, 'no! Saka... Hindi ko rin sadya 'yon
"YIU's fans are called yours. I didn't mean any harm at all." Iyon na lang ang sinabi ko at akmang aalis na nang hawakan niya 'ko.
Agad kong inalis ang kamay ko na naka-gulat sa kaniya, bakit? Ako nga ang nagulat dahil hinawakan niya 'ko!
"Ay, sorry!" Sabi niya at nag bow pa.
But that doesn't matter at all, nag-'ay' siya? Expression din ba 'yun sa country nila? Nevermind.
"Okay," sabi ko na lang at umalis na uli.
Naalala ko tuloy ang pag approach niya sa 'kin, ano nga pala ang wina-wonder niya? Nakalimutan ko na tuloy. 'Yon bang sinabi ko kay Haneul?
Imposible. Ano namang paki niya roon, 'di ba?
"Nandoon na talaga siya kanina?" Napa-tanong ako sa sarili ko.
Confused lang, ang chismoso naman pala niya.
"Wala, ah," sabi naman niya! Nagulat ako at nandito pa pala siya sa likod ko?
-----------------------------------------------------------------
2658