"Hoy, Lovely Jane," binato ako ng kuya ko sa ulo ng ballpen habang nandoon siya sa lamesa at ako naman ay nagcocomputer sa may desktop.
"Ano na naman, Dariel John!" Umirap ako, nakita namang may ginagawa!
"Ang lakas lakas ng tugtog mo, naiintindihan mo ba 'yan?!"
Nakakainis naman kasi 'tong si Kuya! Para nanonood lang ng music video ng paborito kong K-pop boy group!
"'Pag naging idol na 'ko, mag aaral ako ng hangul," sinabi ko habang tumatawa. Wala naman akong balak!
"Asa ka pa? Bawal pangit do'n," pang aasar niya pa habang lumalapit sa 'kin para kuhanin 'yung ballpen na pinang bato niya sa 'kin.
Hindi ko na lang siya pinansin, nanonood kasi ako ng music video.
Palagi naman akong nanonood lang ng mga videos, marami akong gustong groups pero nangingibabaw pa rin ang YIU boys. Ang cool nila, eh.
Buong bakasyon yata, nanood ako ng video ko. Pero halfway pa lang naman, hindi ko alam kung makakatapos ako ng bakasyon na puro K-pop.
"Kuyaa!" Sigaw ko dahil ayaw akong panoorin ni kuya sa TV, guest ang YIU sa isang channel, walang livestream.
Hindi naman nga nag tagal syempre pinag bigyan niya rin ako, nang iinis lang naman 'yan, pero mabait naman.
Pero nang patapos na ang show, ang ingay ni kuya, nakaka asar!
"Ang ingay naman, Mama!" Tinawag ko ang mama ko kasi ayaw talagang manahimik ni kuya.
"'Wag n'yo na 'ko idamay diyan! Baka patayan ko kayo parehas ng TV!" Sigaw ni mama habang nag lalaba kaya hindi na lang ako nag salita at sinamaan ng tingin si kuya.
Palagi na lang gano'n, buong bakasyon ko na! Confirmed, buong bakasyon akong nanood ng K-pop related, at buong bakasyon din akong ginulo ni kuya, sana nag review na lang siya, 'no?
"Hoy, Lovely Jane, may audition daw para sa mga K-idol," sinabi ni kuya.
Nag rereview ako ngayon dahil may quiz kami sa Monday, Thursday naman pero gusto kong mag enjoy sa weekend kaya mag rereview na 'ko, Friday bukas at iga-gala ko na lang ang last day of school days.
"So?" Tanong ko sa kaniya habang mag se-cellphone, nakita ko na 'yun kanina.
"Mag audition ka, magaling ka kumanta."
Napataas naman ang kilay ko, pinuri ako ni kuya? Ano'ng na-kain nito?
"Kung sinabi mong maganda 'ko, pwede pa," sinabi ko na lang. Hindi ako interesado, 'no!
Pangit ang pamamalakad sa Cartivida Entertainment, eh iyon ang bukas. Isa pa, ayoko maging idol.
Usual day naman ang araw na kinabukasan! Wala naman ako masyadong kaibigan, dalawa lang. Kaya mabilis talagang lumipas ang araw ko dahil puro aral lang, naglilinis ng bahay. Grade 9 kaya medyo hassle pero kaya ko naman, eh.
"Hoy, Lovely, puntahan natin si Hyra sa room nila!" Sigaw sa 'kin ng kaibigan ko, si Jany.
"Ang ingay ingay mo Janice."
Nandoon kasi siya huling upuan ng room namin, magkaklase kami at mas matanda naman sa 'min ng isang taon si Hyra.
"Hiranette!" Tawag naman nitong isa kay Hyra na naka earphones sa malayo pa, may tinitignan na lalaki.
"Ay malandi, sino 'yan?"
Nag aabang din ako ng sagot sa tanong ni Jany kay Hyra, outsider yata, eh. Iba ang uniform.
"Senior high school na 'yan, 'wag ka!" Sabi ni Hyra na sapilitan nang hinihila si Jany, nakatingin ako sa lalaki.
"Ano'ng pangalan no'n?" Tanong ko kay Hyra nang binalik ko ang baling ng paningin ko sa kanila.
"Hindi ko alam, Andoy ang tawag nila. Pero englishero naman!"
Napaisip naman ako, okay. Nagandahan lang ako sa mata n'ya, mukha nga talaga siyang foreigner.
"Saan nag aaral?" Si Jany naman ngayon.
"I don't know, sa kabilang campus o sa kasunod no'n," sabi ni Hyra. Magkamukha kasi ang uniform doon sa dalawang 'yon.
"Ano, lumalandi kayo, 'no? Ako naunang nagka-crush do'n," sinabi ni Hyra dahil nakatingin pa rin si Jany sa lalaki.
"Hindi ako," sabi ko na lang at nag lakad na palayo. Bahala sila diyaan.
"Saan ka?!" Sigaw ni Jany, sumenyas naman ako ng peace sign.
Ang peace sign ay nagsisimbolo ng two. Sa dos ako pupunta, may 4 shops kasi rito, 5 slots nga, hindi pa taken ang isa. Pupunta lang akong slot 2, dos kung tawagin. Bakery, bumili lang ako ng tinapay, tatlo. Para roon din sa dalawa. Malaki naman kaya busog kami rito.
Tinawagan ko na sila dahil ang tagal na nila, wala pa rin dito. Dadaanan naman 'to, kaya tumawag na 'ko para siguradong hindi sila umiba ng daan.
"Janice, nasaan kayo?"
[Wait lang, Lie, pupunta kami sa dos, k?] Sabi niya at binaba naman kaagad ang tawag.
Wala naman akong nagawa kung hindi mag hintay, ang tagal nila, actually.
Nasa dos ako, may mga upuan naman dahil medyo malaki ang bakery shop na 'to. Actually para siyang café pero puro bread at cakes lang talaga so bakery.
Nag cellphone na lang muna 'ko, kung ano anong walang kwentang bagay ang nakita ko sa feed ko. Wala naman akong load para mag pinterest, doon sana malilibang pa 'ko.
Tumayo ako nang makaramdam ng antok, makapag kape na nga! Ang tagal kasi ng mga 'yon.
Napatigil naman ako sa pag aayos ng blouse pamasok ko dahil may pumasok, teka, ito 'yung crush nila Hyra, ah?
Well, hindi ko naman masabing hindi siya pogi, hindi ko ugaling mag sinungaling. Pero ang pogi nga niya, halata ang dugong ibang bansa. Naka mask pa siya no'n, ah.
Nagulat naman ako nang umismid siya, nakataas ang kilay! Nasa counter na siya, nakatingin pa rin ako. Bakit gano'n, hobby ko na yata ang pag titig.
"Sorry, may iniisip lang," sabi ko at hindi na muna umorder.
Naupo na lang ako dahil nakakahiya, natitigan ko siya masyado.
Hayaan nang makatulog pero yumuko na lang nga muna 'ko!
"Gwapo ko, 'no?" Nagulat ako sa nag salita na hindi klaro ang boses dahil sa mask, kaya napatingin ako sa kaniya.
Kausap niya ang babae sa counter, pero nakatingin sa 'kin, nakakahiya!
"Kamukha niya pala talaga si..." Sinagot ko na lang, pa-parinig. Nakaka asar naman 'to, mayabang pala.
Lumabas na lang ako at pumuntang uno, ang grocery store. Mas malaki ito sa lahat dahil sakop nito ang ilang lot sa dos hanggang singko, kaya mag eenjoy ako lumibot.
Sa kalagitnaan ng pag libot, may tingin nang tingin sa 'kin na babae. Nakaka bother naman 'to, sana aware siya. Manners din kaya?
"Ate, kailangan mo?" Sabi ko.
Na realize ko naman na hindi siya tiga Pilipinas, ang school kasi namin ay isa sa pinaka sikat na school kaya ma-tao kahit hindi big university, liblib pa nga ito dahil nasa maliit na bayan!
"I mean, what do you want? It's a kind of intimidating for you to look at me like that, so I assume you need something from me."
Umiling naman ang babae, "do you know BE? Be a trainee, you.. You are qualified, you look so beautiful!" Nginitian ko naman siya pero binalik ang maliit na papel na binigay niya sa 'kin.
"Why not? You look beautiful, and I think you have a good talent right?"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya, hayaan na lang, mapapagod din 'yan.
"Do you know You, I, Us?"
Agad akong napalingon sa sinabi niya, YIU? Tumango ako, nag hihintay kung ba't niya sila nabanggit.
"They will be training new trainees, they will start few months from now."
At dahil sa kabaliwan ko sa YIU, napaisip ako hanggang gabi. Gusto ko ba?
Oo, gusto kong sumikat, matagal na. Ayoko lang sa Korea, masyadong mahirap doon.
"Mas maganda ang mga tao roon!" Sabi ni kuya habang kumakain kami.
"Puro ka babae!" Sabi ni mama sa tabi rin namin.
"Mali ka naman, Ma. Ibig sabihin, hindi kasing toxic ng tao, sinabi ko bang magandang babae?" Explain pa ni kuya at naubo, "pero pwede rin." Binato naman siya ni mama ng tinidor.
Ayoko nang isipin masyado, hayaan na. Hindi pa 'yon ang calling ko, 14 pa lang ako.
Masyado ko rin namang inisip iyon, ang gandang opportunity kasi, andaming nangangarap na iba.
"Sure ka na ba? Iiwan mo kami," sabi ni Jany habang nag kkwento ako.
Buo na kasi ang loob ko, pangarap ko na rin. Naisip kong 'dream' iyon tapos tatanggihan ko, baka nga para roon ako.
"Oo, pero tatawag pa rin tayo, akin ang load." Natawa naman sila sa sinabi ko, ang mahal kaya ng international call! "Pero mas okay kung mag messenger na lang."
"Ang layo layo pa, mag babago pa isip ni Lie diyaan."
Umirap naman ako, mahal na mahal ako? Jusko! Para iyon lang, uuwi naman ako kung pwede.
Payag naman si mama, in fact pinipilit niya rin ako parang si kuya lang.
Mag ta-travel naman kami ni kuya at mama pa-Korea para sa audition. 'Pag naka pasa, uuwi sila. 'Pag hindi, kami ang uuwi. Kasama na 'ko. Iyon ang plano.
Pero matagal pa nga 'yon, mag rerecognition pa 'ko sa March. Agosto pa lang.
"Marami pa namang time, 'di ba?" tanong sa 'kin ni Jany habang wala pa ang Science teacher namin.
Hindi na 'ko nakasagot dahil nakarating na ang teacher namin sa Science. Pero...
Nalulungkot lang ako dahil gusto ko na talaga maging idol, at lalayo ako sa mga kaibigan ko mula pa noon.
Pero alam ko namang willing silang sumuporta sa 'kin at hindi nila pipigilan ang kagustuhan kong 'to.
"Sure ka na ba talaga?" Si Hyra naman 'to ngayon.
September na pala, tanong pa rin sila nang tanong about doon. Talagang desidido na ako at hindi na mag babago ang isip ko, tinatanong pa rin nila. Kaya naman nilang mag adjust kahit wala ako, eh.
"Mag aaudition pa lang naman ako," sinabi ko na lang.
May chance pa rin naman kasi na hindi ako matanggap, hindi na rin naman ako uulit if ever. Sayang din kasi ang pag-scout sa 'kin, ganda ko, eh.
Nasa laundry shop kami ngayon, sa kwatro. Nasa malapit pa rin sa school, malalapit kasi rito ang bahay namin. Kaya tambay din talaga kami rito, mag papalaundry si Hyra dahil tinatamad daw siya mag laba.
"Ay Hiranette!" Biglang tawag ni Jany kay Hyra na kanina pa tulala.
"Ano, Janice?"
Ugali na talaga naming mag tawagan sa buong pangalan namin. Gumaganti lang naman ako minsan.
"Nasaan na nga pala 'yung crush mo na crush ko rin?"
Sinamaan kaagad ni Hyra ng tingin si Jany at tumawa naman si Jany roon, lakas talaga nito mag inisan.
"Joke lang!" Sabi naman nito ni Jany habang tawa nang tawa. "Pero nasaan nga?"
"Hindi pala 'yon dito nag aaral, sa ibang bansa," napalingon din ako sa pinag uusapan nila. Curious lang, so may lahi talaga siya?
Oo nga, Lie, obvious naman 'di ba!?
"Saan pala?" Ako na ang nag tanong dahil hindi mukhang interesado si Jany.
"Hindi ko sigurado pero ang alam ko umuwi lang 'yon dahil inasikaso ang mga kapatid niya saglit. Pero tiga ibang bansa talaga siya," sabi naman ni Hyra.
"Magaling ka pala sumagap ng balita," tinawanan ko siya para hindi masyadong seryoso.
Pero I wonder kung bakit siya tiga ibang bansa, I mean, mukhang dito talaga siya lumaki. Pero hindi ko naman na ugaling maki-sali, kung dapat kong malaman eh, aalamin ko. Pero kung hindi naman, hayaan na 'yon.
"Pero malandi ka rin, Lovely Jane, crush mo rin?"
Nagulat ako sa tanong ni Jany! Wala naman akong iniisip na gano'n, eh.
"Hindi, ah," umiiling iling pa na sabi ko.
Natapos kami sa pag iintay, nag hanap kami ng makakainan, pero ayaw pa rin pa lagpasin ni Jany na crush ko nga raw iyong lalaki.
"Hyra, ilayo mo sa 'kin si Jany, sasampalin ko na 'yan," inirapan ko naman si Jany.
Hindi naman ako naiinis pero ayoko lang nang pinipilit kahit dine-deny ko na. Tawa naman nang tawa 'to si Jany, nakaka asar tuloy.
Hindi naman kami pinansin ni Hyra, palagi naman talagang kami nag aaway ni Jany sa iba ibang dahilan.
Minsan, sila naman ang nag aaway. O madalas? Lagi naman kami nag aaway.
"Hyra, awit ka!" Biglang sinabi ni Jany, nanonood ako ngayon ng performance ng YIU.
"Ano na naman!" Narinig kong sambit ni Hyra, nakikinood kasi sa 'kin, K-pop fan na yata 'to, eh.
"Ano, sasama ka na rin kay Lie?"
Napakunot naman ng noo si Hyra, hininto ko rin ang panonood upang marinig ang sasabihin niya.
"Char! Nanonood ka na rin kasi ng Korean, ask lang," sabi naman nito at tumawa nang malakas. Sarap din nito batukan minsan, eh.
Puro na rin ako aral this school year, dahil baka ma-stop ako sa pag aaral 'pag nag training ako. Sino naman ang makakapag sabi, 'di ba? Pero hindi naman, baka mag home school ako, gano'n, mukha namang hindi papayagan ni mama na mag stop ako.
"Hatdog!" Sigaw ni Janice mula sa labas ng bahay namin.
Ang dami daming pwedeng sabihin, hatdog pa?!
"Nakakahiya ka, girl," sabi ko sa kaniya nang mapag buksan ko na siya sa baba.
"Maka Christmas vacation si Hyra, 'di ba?"
Nakakapag taka naman mag tanong ang isang 'to, alam niya naman 'yon.
"Oh?" Tanong ko dahil alam niya naman, obvious masyado, ah!
"Nakita grades nila, hindi niya pa yata alam by now!"
Napataas ang isa kong kilay, ano namang meron?
"1st honor siya for 3rd grading, sana maging valedictorian siya!" Napangiti naman ako.
Ganito na kami ka-solid, walang inggitan. We celebrate and cherish every good moments for each of us.
Masaya naman ako, kami. Lagi naming sinusulit ang oras, kahit nga siguro hindi ako aalis, ganito na kami. Normal state ba?
Palagi lang akong nanonood ng K-pop, minsan nga nakikinood na si Hyra. Si Jany ayaw pa rin, napaka bitter talaga!
"Hiranette!" Nagulat ako sa sigaw ni Jany, nakita niya pala si Hyra na dumaan sa labas ng room namin.
Natawa naman si Hyra nang lingunin kami, may kausap na lalaki. Baka kaklase lang, pero ewan ko pa rin.
"Lumalandi si Hyra," tatawa tawang sabi ni Jany. Ang assumera talaga nito!
"Baka kaklase lang," umirap ako sa kaniya.
Nanood na lang ulit ako ng choreographing video ng YIU, ang cool nila mag gawa ng steps.
"K-pop pa!" Sigaw na naman ni kuya, paka-epal naman nito.
Isang buwan na lang din pala ay aalis na 'ko, heart's day na, eh. Sa March 31 ako aalis.
Wala akong date! Syempre, 14 pa lang naman ako. Baka itakwil ako ni kuya 'pag nagkaroon ako ng boyfriend.
Si kuya Dariel, pogi rin naman. Syempre kapatid ko, kaya aaminin ko. Malakas mang inis 'yon, pero mabait. At, 17 na 'yon. College na nga, minsan nakikita ko sa labasan kahit medyo malayo ang college campus. Parang tanga!
"Wala akong ka-date," sinabi ni kuya bigla.
Papasok bigla sa kwarto para sabihin 'yon, as if may pake ako, 'no?
"Ako meron," sabi ko dahil nakabihis na rin lang ako, pag ttripan ko na si kuya.
Bigla namang nag bago ang itsura niya, hala joke lang naman!
Nagulat ako ng pa-dabog niyang sinarado ang pinto ng kwarto ko at umalis na.
"Hoy, kuya!"
Natawa naman ako dahil no'ng nilingon niya 'ko, ang sama ng talaga ng tingin!
"Hinde, makipag date ka," sagot nito at umupo sa sofa ng sala.
"Joke lang naman! Sina Jany at Hyra ang kasama ko," explain ko dahil baka hindi niya pa 'ko payagan.
"Hindi ako naniniwala, hindi mo ba alam ang date? February 14, Lovely."
"Alam ko ang date, Kuya, para kang tanga," inirapan ko siya matapos kong sabihin 'to dahil, duh?
"Sige na umalis ka na. Hindi ka nga lang makaka uwi," sabi ni kuya na tumatawa na.
Paka-epal talaga nito!
Nag jeep na lang ako papuntang meeting place namin, medyo may budget ako kaya pumayag akong sa SM. Dati kasi pa-sisig sisig lang kami.
"'Pag nag Korea si Lie, may manlilibre na sa 'tin, 'no?" Si Jany.
Natatawa ako dahil akala nila nakaka yaman ang pag a-idol, hindi rin, ah?
"Kung..." Sabi ko na lang.
Kumain naman kami at gumala, iyon lang. Pero halos taon taon naman ay sila ang kasama ko, eh.
"Pero ano ba 'yan! Ga-graduate si Hyra tapos aalis si Lie, trip n'yo 'kong iwan, 'no?"
"Oo," si Hyra ang sumagot para hindi mabigat sa mood.
Binatukan naman siya ni Jany, para kasing tanga ang sagot, naki-tawa na lang ako dahil wala akong masabi.
Nape-pressure din kasi ako, alam ko namang mahirap maging idol. Kayanin ko ba?
-----------------------------------------------------------------
2722