Chaoter Four

2338 Words
Padabog akong kumain dito sa 7elevem ng ramen. Paano! Hinila na lang ako rito bigla. "Oh, ba't ka galit? You're in front of foods, ha," he reminded me. Like I care! E, sa totoo lang, sa presensya niya lang naman ako naiinis. Kung ako ang nasa BE, ni-hindi ko 'to papayagan maging trainee. "I know right, mukha bang nakakalimutan ko?" Tanong ko sa kaniya na pa-taray. Paano, dinadabugan ko siya. P'wede naman akong mag luto sa dorm. May kutong lupa lang talaga na humila sa 'kin sa convenience store. "Masyado kang naka simangot, eh, are you mad to mundo ba?" Conyo niyang tanong. Ang trying hard naman kasing mag tagalog, alam na ngang hindi marunong. Nag mumukha lang siyang tanga niyan, eh. Pero I didn't mind him at nag tuloy sa pag kain para naman matapos na 'ko rito. Ano kayang kasalanan ko kay Lord at pinarurusahan niya 'ko nang ganito? "Anong iniisip mo?" He asked after a long silence. Siguro nag iisip na rin siya kung gaano ako naiinis sa kaniya, amputek kasi. Nakakainis ang pag mumukha, ang trying hard pa mag tagalog. Sarap sampalin, eh. "Ano na naman!?" Tanong niya nang makitang nakatingin ako ng masama sa kaniya. "Nevermind," I smirked kahit hindi niya nakikita. Ang sarap niyang pikunin dahil seryoso siya sa training o may kausap na iba-- pero ang daldal din naman. "Luh..." He whispered. I tried my best not to make a sound while laughing, sumubo pa nga ako ng ramen para lang mapigilan ang pag ngiti pero napansin kong napako na ang tingin niya sa 'kin. "Kinikilig ka, ha..." He teased. Agad naman akong lumingon sa kaniya at aksidenteng natawa. Eh, sa nakakatawa ang mukha niya, eh! "See? Kinikilig ka taraga," sabi niya pa na nabubulol. Bakit? Taga Korea ba siya't nabubulol siya sa L? I wondered pero wala akong pakialam. Inirapan ko na lang siya at hinayaang mag assume, mag mukha siyang tanga r'yan. Wala akong pakialam sa kaniya. Nag salita pa siya nang nag salita about non sense stuffs. Ano ba'ng problema nito? Ang dami daming tao r'yan, ako ang piniling kulitin. "Nag lilisten ka ba sa 'kin?" Tanong niya na nakapag-pop ng bubble sa isip ko. Ano raw? I honestly shooked my head, he then smiled a little at nag salita. "Come, tapos na 'ko, ikaw?" That's what he said. Sumunod naman ako sa pag labas niya ng convenience store at nang papunta na kami sa tabi ng CTW na dorm hall. Siya naman ay huminto at humalukipkip na kanina'y nakapamulsa. Hindi ba siya papasok? "I'll stay sa condo ko, alis ako if you're inside na. Lend me your number," sabi niya na simple at walang halong kakulitan kaya naman sumagot na 'ko nang maayos. "'Di ko maalala number ko, eh. sss ko na lang," sabi ko formally. Napangiti naman siya, teka, niloloko ba niya 'ko? Akala ko para roon lang talaga kung safe akong papasok? "Okay," he simply answered, still smirking. "Lovely Herrera," I said. Ayon lang ang pangalan ko sa f*******: pero hindi 'yon ang tunay kong apelyido. Hindi ko feel gamitin ang apelyido ko, ang apelyido ng papa ko... "I thought ang pangalan mo is Lovely Jane Fernandez?" Sabi niya na agad naman ding nagulat sa sinabi niya. How did he know that?! Stalker ko ba 'to? Grabe naman... "Creepy mo," napa-iling iling kong sabi at tumawid na rin sa daan para makapunta nang CTW dorm hall. "Oh, why are you here?" I asked when I saw Quen at the front of my door. Ngumiti lang siya at napa pagpag ng suot niyang polo, hindi nag salita. Napa-taas naman ako ng kilay at pumasok na sa dorm ko, sinubukan ko rin naman siyang yayain pero tinanggihan niya 'ko. "Just checked you out, really," sagot niya uli noong itanong ko for the nth time kung bakit siya narito. "Ah bakit pala..." Tanong ko uli nang makapasok kami, natawa naman siya. Eh, anong nakakatawa roon? Bakit niya kasi ako iche-check, 'di ba? Ta's tatawanan pa 'ko, seriously... Ang daming baliw sa entertainment na 'to. "Well, you just said your dialect... Seriously, I am not able to understand those," tatawa-tawa pa rin niyang sabi. Eh, kaya naman pala... Pero ano pa rin ang nakakatawa ro'n? "Why are you still confused?" Tanong pa rin niya. Napa-iling pa rin ako. Kasunod lang din no'n ay nag sabi na siyang aalis na at um-oo na rin ako, after that... Nag check ako ng phone at nagulat ako nang halos sumabog na ang message requests ko. Pero bago ko pa man din makita ang ay may kumakatok na sa pinto. Nagulat ako sa bigla na lang sumulpot na si Zildjian, "oh, 'di ka pa ba tapos mangulit? Quota na boi, gabi na," I said as I try to close the door back. "What quota? I was chatting you..." Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Agad naman akong tumingin sa cellphone ko at natagpuan ang message requests kong pinasabog niya lang naman! Zildjian Douglas Estrella hi naka uui ka na? lol are you still fine there mag reply ka naman? hindi ko alam if okay ka lahng i think not can you at least seen my chat for assurance... ill go there na? ill go Iyon ang huli niyang chat bago ko siya matagpuan dito, ang bilis niya naman?! "You can go home," I nodded. I literally don't want him here, ang lumalabas ay gusto niya 'ko. Lalo na't tsundere raw ito, bakit ganito siya ngayon? "Oh," sabi niya at ngumiti nang malaki saka umalis na rin. Nag add din siya sa 'kin that night kaya naman inaccept ko na rin siya para hindi naman rude, friends na rin siguro kami kahit naiirita ako sa pag mumukha niya. Nag myday ako bago matulog ng picture ko dahil habang nag sskin care, feeling ko ang ganda ng mukha ko, ayon, nag picture ako. Pagkagising, nag chat naman 'yong mukhang tanga. Zildjian replied to your story: sprry misclicked Na-angry niya pala 'yung story ko... But it's okay dahil misclicked lang, and two minutes ago lang pala 'yong chat niya. Zildjian Douglas Estrella: anyway how are you Parang kagabi lang ay nag kita kami... Mukha ba 'kong mawawala in any moment?! Zildjian Douglas Estrella: bagal ng reply mo right Ang kulit din, wala akong plano na replyan... Mas mangungulit 'yan, eh. Zildjian Douglas Estrella: question lang vitamin e ka ba Hindi ko pa rin siya nireplyan, question daw pero walang question mark? Zildjian: hi so imma act like u asked bakit ha Bwisit! Ang consistent, eh ayaw ko nga ng ka chat... I like being busy by physical stuffs more than doing it in the internet. Zildjian: kasi vitamin ka sa eyes ko wew that's they so called banat is it corny ba reply ka naman Well that's a nice one, though. But still, nakakatawa lang talaga siya. Ewan, mukha kasi siguro siyang tanga, nakakatawa tuloy, well... Ayos naman siguro makipag kaibigan sa kaniya. Lovely: Oh. Bituin ka ba? Zildjian: ano bituin Natawa na naman ako, amputek, wala kasi siyang idea kung ano ang bituin... Kaya naman syempre sinabi kong star, saka siya bumanat na naman. Zildjian: Kasi I'm shining HAHAHAH Natawa naman ako, mukha kasi talaga siyang tanga kausap... Bwisit! Ang taas ng confidence. Lovely: Oo. Kumikinang. Kumikinang ina? I was laughing before and after I sent that, natutuwa ako dahil hindi niya gets. Hindi ko rin naman sinabi kung ano, macurious siya r'yan. Zildjian: mura yon? ... Hindi ko na siya nireplyan after no'n, ma-curious na siya r'yan pero tinatamad akong makipag usap. After that day, I've been so busy due to training, lumipas ang ilang araw at ilang linggo. Pumapasok din ako sa school. Hindi ako pinayagan ni Mama mag stop at ayaw ko rin naman kaya handa akong pumasok sa special class na ang kaklase ko ay mga child star, 'yong mga mahirap ang oras. There in school I met my new friend, child star siya, and she has a lot of dramas that would make you adore her. May TV sa dorm ni Sassy at once ko na siyang napanood kaya nang nakita ko siya ay medyo nag fangirl pa 'ko. Hindi siya mayabang, swear... "Irish!" I called her. Agad naman siyang lumingon nang may ngiti sa kaniyang mga labi. Hmmm. Medyo malungkot kasi ako ngayon pero nagkataon na may pasok kaya ang swerte ko. Naka receive kasi ako ng chat sa mga dati kong kaklase noong mga nakaraan. Bry: Hi, lovely? Kaya pala hindi ka na namain nakikita ah. So your at korea na pala? Sana all. But to say this to you, your not even maganda to be qualified. You know Giselle? I know her because of internet. Shes more better. Naalala ko na naman, kapag naiisip kong mali ang grammar niya, at 'di alam ang usage ng 'your' at 'you're' ay natatawa na lang ako. Pero nakaka baba pa rin ng confidence... "Hi! You look so pale!" Sabi ni Irish na nakapagpabalik sa 'kin sa katinuan. Grabe, buti marunong siya mag english, para may makausap naman ako rito. "My friends from the Philippines are telling me I don't deserve to be debuted..." I sadly told her. Nalungkot naman ang mukha niya, she's as sweet as an angel. "Don't mind them bb, aww. You don't deserve those kind of hates!" Sabi niya na medyo naka pout. "No matter what other's would say, don't forget to strive harder to achieve what you started for." She never failed to boost my confidence, and I love her so much for being a such friend... Kahit kakakilala lang namin. "Anyway, you'll be hearing lots and lots more hate, but always remember one thing—-" huminto siya, "if you're not guilty, walk with your heads up." Napangiti ako. She may be a bragger, but she's a softie. Mayabang lang siya sa pananalita but she's such an angel. More days had passed, wala akong ginawa kung hindi ang training sa sayaw, korean class, pumasok sa klase, voice lessons. And more. About training. Naiiyak na 'ko sa sobrang dami kong ginagawa. Napapagod na 'ko. "Uuwi na lang ako," iyak ko kay Jany at Hyra sa video call. Lumalaklak ako ng yakult na malaki, ay iba, ano'ng tawag dito? Nakalimutan ko na, eh. Nakakailang ganito na 'ko... Ang mahal nga pero naka stock 'to sa ref ko. "Bobo! Nagpa-miss ka sa amin ng ilang buwan, tapos uuwi ka sa pagod? Walang uuwi hangga't hindi naaachieve ang dream!" Talak ng bungangerang si Jany. "Lovely Jane! Sore high! You can do it! Face your problems! Don'y give up! You're near to the success!" Pag rerecite ni Hyra ng mga encouraging lines. "Ano pa ba? Lakasan mo na nga lang ang loob mo, wala na 'kong alam na ibang ganiyan, eh!" Agad namang sumingit si Jany, "ako meron, Amen..." Sabi nito at pinag dikit pa ang palad sabay bow. "Philippinians 1:3—God didn't brought you this far just to leave you." Napangiti ako, "maka-Diyos naman pala this girl!" Natawa rin tuloy si Hyra at kinakantyawan siya. "Duh! Kompleto ang prayers ko everyday, lagi rin akong umaattend sa first Friday mass!" Napa-ngiti ako sa sinabi niyang 'yon. Totoong child of God si Jany, maaaring kwela at loko-loko, pero matindi ang pananalig nito. Naaalala ko pa nga noon, nakipag sabunutan siya dahil may Atheist na sinabing walang kwenta ang Diyos niya. "Wasak ba utak mo't hindi nag pa-function?" Sinubukan naming pigilan si Jany pero halatang galit siya. "Nirerespeto ko 'yang opinion mo, Atheist na kung Atheist! Pero 'wag kang mag salita against sa 'ming naniniwala sa Diyos. We can believe who we want to, we have the rights to! Pero 'wag kang bobo, respeto! Respeto! Tang—-" mag mumura na sana siya pero hinila na ni Hyra ang buhok niya palayo. Gano'n siya ka-fighter para sa panginoon. She won't let others to disrespect her opinion or who she believe. Totoo naman, kung magka-iba kayo ng paniniwala—- respetuhin n'yo ang isa't isa. "Pero hoy, seryoso, h'wag ka munang susuko... Tapusin mo na ang naumpisahan mo—- sayang ang pinagod mo kung wala kang patutunguhan!" Si Hyra naman ang nagsalita. Gets ko naman ang point nila, kaso 'yung ganitong pagod ko... Mararamdaman din nila 'to, for sure, kung naeexperience nila. "'Wag ka lang magkakasakit dahil sa pagpapabaya, ako mismo ang susundo sa'yo r'yan," si Jany naman 'yon. "So over protective! Ikaw 'yong sakitin, eh!" I fought back. "Tang-inumin! Englisher siya, sis," lumingon pa si Hyra kay Jany para tumawag ng kakampi sa pag puna sa 'kin. Natawa rin naman si Jany roon. "Masaya naman 'yan?" Ngumiti ako ng sarcastic, sana happy sila. Ilang araw din ang lumipas, wala naman na 'kong naging problema. Besides, gumaang ang pakiramdam ko sa sinabi nila. They may be a foolish friend but that fools can help me a lot at always when I'm going through hard times. Habang nag sskin care ako, tumunog ang cellphone ko kaya naman naihagis ko ito, shet! Nag babasa kasi ako ng creepy postings tapos may tumunog na notification, ang bastos! Agad naman akong lumabas ng banyo dahil nai-kabit ko na naman ang mask, nag open ako ng tablet at tinignan kung sino 'yon. Nagulat ako nang notification pala 'yon from f*******:! Hala, this photo was two years ago, profile photo ko nung grade eight! Yuck! Ni-like ni Zildjian! Lovely: Pakyu stalker Naiinis ako! Magsstalk na lang, tatanga tanga pa! Nabasa 'yong cellphone ko. Mabuti't bago lang 'yan kaya kaunti pa lang ang files, pero lagot ako kay mama! Zildjian: huh mama mo stalker i dont stalk haha bakla Iniscreenshot ko 'yong notification at sinend sa kaniya, ang yabang. Bakla pa nga. Sineen niya lang ako after that! Hindi niya ba alam ang sasabihin? Ang yabang kasi, stalker naman! Lovely: Bakla. Zildjian: fuck, thats not me sige bakla ako ----------------------------------------------------------- 2311 [Note]: Hi sa kaibigan kong si Irish Dave na hingi nang hingi ng spoilers at scene from draft. Happy ka naman niyan? ? Char labyu :—-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD