Maayos naman ako na nakakapag training. Araw araw, as usual. Mag aagahan ako sa labas, sabay deretso sa CTW. Mag la-lunch with Sassy. Minsan with Irish kung may school. Sa gabi naman ay magluluto ako or bibili sa labas. I'm everyday exhausted.
Minsan akong nananahimik sa dorm para mag tanghalian na wala sila Sassy, biglang may kumatok sa dorm room ko at iyon pala ang secretary ng BE.
"Ms. Jisoo?" I called her name.
"Ne, it's me, Sarang," sagot nito sa pa-tanong kong tawag sa 'ngalan niya.
(Yes, it's me, Love)
"dangsin-eul yeogilo gajyeoon iyu?" tanong ko sa kaniya.
(What brought you here)
"Manager wants you to be in his office in five minutes. We'll wait," sabi niya at naka-ngiting umexit.
Kinabahan ako. Bakit naman ako ipapatawag ni Manager?
"Annyeong, Hwejang-nim!" I bowed my head to him. And smiled to him.
He immediately smiled like what I did, sumenyas naman siyang maupo ako kaya gano'n nga ang ginawa ko.
"This is final decision," he smiled after saying that before continuing the sentence. "Remember Sassy tried to manage the group she wanted to be debuted with?" Tanong niya sa'kin kaya naman nginitian ko siya.
"You, Sassy, Giselle will be debutted. With four other girls, they already know this."
Huminto ang mundo ko sa sinabi ni Manager, final na raw! Ibig sabihin, sure na 'yon!
"You'll continue training because you need to grind more years training, but once you guys are complete, you'll be announced in public." dugtong pa niya at ngumiti.
Hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin ako tungkol doon, magkakaroon na nga raw ako ng manager na makaka meeting ko bukas. Hindi na raw kasi basta training ang aattend-an ko. Alam na rin daw ng karamihan ang tungkol dito kaya kailangan kong mag doble ingat at mag sanay.
"So you heard the news already, right?" Tanong sa'kin ni Sassy na natagpuan kong tumatawag pala sa phone ko.
"Yes, and I can't believe it," seryoso ngunit tuwang tuwa na sinabi ko.
Kahit matagal pa naman 'yon ay hindi maiwasan ang excitement na nararamdaman ko. Alam ko kasing makakapag debut talaga ako.
"Let's say it's three years from now, I'm gonna be an idol!" Halata sa boses niya na nag didiwang siya kaya nakipag saya rin ako sa kaniya.
Nang matapos ang call namin ni Sassy ay agad ko namang vinideo call ang group chat namin nila Jany at Hyra.
"Gagi, alas dose na ng umaga, Lovely Jane!" Agad na pag alma ni Hyra.
Inirapan ko lang siya at nag salita, "Mag dedebut na 'ko."
Agad namang nadilat ang naka pikit na si Jany, timabi niya lang ang cellphone niya, eh.
"Seryoso ba?!" tanong noong tulog na obviously gising na.
"Joke lang 'yon," inirapan ko siya.
"Sentido kumon!" Sabi ni Hyra at umirap din. Tumawa naman ng sarcastic si Jany dahil doon.
Tuluyan nang nakatulog si Jany kaya tinanggal na namin ni Hyra ang call.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa meeting namin noong magiging personal manager ko. Nag suot na lang ako ng red na dress at headband na pula rin.
"Wow, I've got nothing to say. You're beautiful just like what they said," pinaka una niyang nasabi nang makita ako. "Anyway, good morning! We'll just discuss on how to not disclose information once you entered the media."
Ganoon nga ang ginawa namin pero napahinto ako sa sinabi niyang, "no one should see your personal social media accounts. You can make another one for public, though."
Napa-kunot ang noo ko nang maalala. Agad ko namang chinat si Zildjian.
Lovely:
Hoy
Agad naman itong nag reply na parang walang pinagkakaabalahan sa buhay. Napa irap na lang ako sa hangin, kaya ang sipag sipag niyang mang abala, eh!
Zildjian:
didn't expect that
miss mo ko
likewise
Nairita naman ako sa nireply niya kaya medyo nagbago ang isip ko about telling what made me chat him.
Pero kailangan, kaya naman agad ko 'yong sinabi at wala rin naman siyang pakialam.
Zildjian:
sabihin mo man o hindi i wont disclose your information
'Yon na yata ang pinaka matino niyang nasabi mula noong nakilala ko siya, kaya nagpasalamat ako para hindi naman ako mukhang nag mamaldita.
Pero hindi pa man din nag tatagal ay nag chat na siya ulit. Na ikinagulat ko, what the fudgee barr?!
Zildjian:
may kapalit
Nag reply naman agad ako ro'n:
Disclose mo na lang, magdedelete ako photos and statuses.
That was a joke, though. Paano ko naman magagawang burahin ang 3,476 mobile uploads at shared post na napaka rami? Baka idol na 'ko't naba-bash na, hindi ko pa rin nadedelete lahat.
Agad din naman siyang nag reply pabalik:
hahaha
heck no
lunch lang tomorrow ill see you at your dorm
Hindi ko na lang din siya nireplyan after that. Lunch lamg naman daw, walang naka indicate na kailangan ko siyang ilibre.
Another day after the day yesterday is today. And, I like nothing on this day. Mag lulunch lang naman ako kasama 'yong weird guy na mukhang tanga. Nakakatuwa ba 'yon? Dapat akong mainform kung oo, dahil hindi ako natutuwa.
Nag damit lang ako na simple, yelow crop top, high waisted black leggings and rubber shoes na may halong itim at dilaw.
Narinig ko na may kumatok sa dorm kaya kinuha ko ang cellphone at wallet ko. Natawa naman siya nang mahina kaya agad ko siyang nilingon na nakataas ang isang kilay.
"Problema mo?" Tanong ko dahil kahit tinignan ko siya ay 'di siya umimik.
Natawa pa siya uli imbis na sagutin ako. Tinaas niya naman ang isa niyang kamay bilang pagpapahintay sa 'kin. "Nagpaganda ka pa talaga," iyon ang sinabi niya.
Jusko, para 'yon lang, tuwang tuwa. E, ano naman? Kinikilig lang 'to, eh.
"Maganda talaga 'ko," sinabi ko na lang at nagyaya nang umalis, kanina ko pa kasi iniisip kung saan kami kakain kaya naeexcite ako.
Pero hindi naman ako natuwa nang makita kong para itong isang fancy restaurant, jusko, e, wala akong pera. Amp. Manlilibre ba 'to?!
"'Wag dito, ayaw ko rito," tanggi ko at sinenyasan siyang ituloy na ang sasakyan. Dahil 16 pa lang siya, may dala siyang driver.
"Why?" Tanong niya na hindi lumilingon.
Itinuloy pa rin niya dahil ang sabi niya sa driver ay doon mag park, traydor! Sinabing ayaw ko nga.
"Uuwi na lang ako," sabi ko at hinintay ang pag hinto ng kotse. Agad din naman akong bumaba nang huminto.
"Bakit? Let's go na." Hinigit niya 'ko palabas ng parking space pero hinila ko ang kamay ko.
Wala talaga 'kong cash, sorry ka na lang. Kumain kang mag isa mo. Ayan ang sinasabi ng isipan ko pero nakakahiya naman kung iyon talaga ang sasabihin ko sa kaniya.
"H'wag na... Ikaw na lang," ngumiti ako to give him an assurance and he let me go.
He let me go... Dapat yata akong matuwa roon. Oo, tama, natutuwa ako.
Pumasok na lang ako sa isang hindi kilalang kainan at umupo sa isang table. Hihintayin kong may mag tanong sa'kin bago umorder.
"Waiter!" Nagulat ako sa biglaang pag sasalita ng boses na malapit sa'kin, natagpuan ko naman si Zildjian sa harap ko na nag tatawag ng waiter.
"Oh, ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya na naka taas ang kilay.
"Kakain?" Sagot na tanong niya pabalik at hinila ang cellphone na hawak ko.
"Akin na 'yan," I said as I tried to reach for my phone.
"Pag ka-kain, 'wag mag cellphone..." Sabi niya kaya napairap na lang ako at hinayaan siya. May point naman siya, eh.
Dumating na ang pagkain at hindi ko na siya kinausap para kumain na nga nang kumain. Siya naman, nakatingin sa'kin. Pati ba naman pag kain ko trip niyang panoorin?!
"Bibigyan na lang kita ng picture ko mamaya," pasaring kong sabi at sarcastic na ngumiti.
"Bakit naman?" Tanong niya. Obvious naman sigurong slow siya't di niya gets 'yon.
"Para naman maka-kain ka na't tigilan akong titigan. Sige na," explain ko sa kaniya.
Natawa naman siya nang mahina dahil doon at napa iling. Nag simula naman siyang kumain ulit sa pagkain niyang napaka kaunti pa lang ng bawas, napa iling na lang ako at kumain ng akin. Pero nang matatapos na 'ko, hindi pa rin siya kumakalahati. E, wala nga siyang kanin! Hindi rin noodles, parang tinapay na maliliit lang, kaunti lang din!
Kumuha ako ng isa at sinundan pa ng tatlo ko pang kinuha, tinignan niya naman ako at inalok ko siya ng isusubo ko na sana, siya naman, umiling at natawa. Ano'ng nakakatawa roon? Tinulungan ko na nga siyang kumain.
"Bakit kumuha ka? Are you still hungry? Pwede order pa tayo..." Sabi niya nang nasa labas na kami. Inirapan ko naman siya pero hindi siya kumibo roon at nag salita, "habit mo ang pag roll eye."
Iirap sana ako ulit ngunit binati niya na 'yon kaya nag 'tss' na lang ako. After non tinanong niya uli kung bakit ako kumuha ro'n sa tinapay niyang maliliit.
"Para matapos ka na, distracted ka masyado sa maganda." Simple kong sagot at nagpauna nang lumakad para naman umabante kami dahil talagang dinadaldal niya 'ko nang dinadaldal.
Naihatid niya naman ako sa dorm nang matiwasay, sa dorm talaga. Kasi ang sabi niya akala niya raw manananagot pa siya noong nakaraan dahil sa building niya lang ako hinatid.
Naalala kong may korean class pala ako no'n kaya naman pumunta na 'ko, maayos naman at normal na pumasok ako ngunit nang mag uwian ay kinausap ako ni Giselle.
"Hi Lovely! We'll debut together!" Masayang sabi niya sa'kin.
Hindi ko alam kung plastic siya o talagang masaya lang, o baka naman may good spirit na sumapi sa kaniya. Ngumiti na lang ako at nilagpasan na siya. Wala naman siyang naging reaksyon do'n—- o baka mayroon? Naka talikod ako.
Nagulat ako nang makita ko si Zildjian, nakita niya rin ako at akmang lalapitan kaya naman naki-halo ako sa crowd. Naaalala ko ang sinabi ng manager ko, "Try hardest to be not linked with a guy." Pag salita ko uli, kaya naman naalala ko 'yon.
Sa pag mamadali ko naman ay naligaw ako, hindi na 'ko pamilyar sa lugar na 'to kaya napa-bulong ako. "Nasaan ako?"
"What?"
Nagulat naman ako at tumagal ang body shock ko nang ilang minuto dahil sa may nag salita. Agad akong napa-upo at nag takip ng tenga.
Nahimasmasan naman ako nang makitang si Sassy lang pala 'yon, grabe ang gulat ko. Magugulatin talaga ako pero kakaiba ang reaction ko kanina.
"Were you okay?" tanong niya sa'kin habang inaabutan ako ng lalagyanan ng tubig.
Agad ko naman 'yong tinanggap at hingal na hingal na ininom. Nag taka yata siya kaya sinagot ko na agad, "I just accidentally got here."
"I didn't know where I was so I was so shocked when someone talked," explain ko. Totoong magugulatin talaga ako kaya gano'n na lang din ang body shock ko, matagal naka recover.
"Let's go, let's eat," pag yayaya niya sa'kin.
Pero gusto ko man na tanggapin ang offer niya, sadiyang busog ako dahil sa kinain ko kanina kaya umiling ako at nag sabing, "I'm sorry I'm so full as of the moment."
Tumango naman siya at iniwanan ako, pero habang nag lalakad, naalala kong hawak ko ang tumbler niya kaya naman sinubukan ko siyang habulin. Pero, hindi ko siya naabutan. Iyon at sinubukan kong abutin ang cellphone ko, pero wala.
Agad ko namang naalala habang pabalik ako ng dorm, "manderekwat!" Naalala ko kasing hindi sinauli ni Zildjian ang cellphone ko na kinuha niya. "May nalalaman ka pang bawal mag cellphone sa hapag kainan..."
Agad akong pumasok sa kwarto at kinuha ang laptop, hindi ako makapag type dahil hindi siya online kaya agad ko siyang vinideo call.
"Cell—-" hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sinenyasan niya 'kong wala siyang naririnig.
"Hi, uhm, I'm in class. Meet mo 'ko mamaya, sa labas ng K-class, let's say... 30 minutes from now," sabi niya at binaba ang tawag. Siguro gets niya na rin na may kailangan ako kaya cinall ko siya.
Naghanap na lang ako ng pagkain sa ref dahil nakaramdam ako ng gutom. Sorry agad, Sassy, ngayon ko lang naramdaman.
Nang makita ang maliit na tinapay agad ko 'yong nilabas at napangiti nang simulan kong kainin.
Tsk, nababaliw na 'ko.
-----------------------------------------------------------
2036