bc

HOT NIGHT WITH MY ARROGANT BLIND BOSS

book_age18+
107
FOLLOW
1K
READ
HE
pregnant
drama
city
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

"Have s*x with my husband, I'll pay you. But don't you dare falling inlove with him. Because if you do, papatayin kita. Naiintindihan mo, Ellaine?"

Dahil sa ama na nasa ospital, nagawa ni Ella na sungaban ang trabaho sa pag-aakala na tagapag alaga lang ng bata ang magiging trabaho niya. Nasilaw siya sa pera, kaya naman tinanggap niya ang contract, ngunit hindi pala bata ang aalagaan niya. kun di ang arogante at bulag na asawa ng madam niya. Malaki ang sweldo, pero hindi lang pala ang pag-aalaga niya ang ibibigay niya sa kanyang amo na aalagaan, dahil kasama pati ang kanyang p********e na pinakaiingatan. Pikit mata na kumapit siya sa patalim dahil sa labis na pangangaipangan sa pera. Ngunit paano kung isang gabi ay humiling sa kanya ang arroganteng boss na bigyan niya ito ng anak.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tagatak ang pawis na pinindot ni Ellaine ang doorbel ng gate sa malaking mansyon. Hawak niya ang folder ng kanyang resume. Ang sabi sa kanya ng nakausap niyang hr sa agency na in-apply-an niya ay tagapag-alaga ang hanap ng employer. At dahil tagapag-alaga ang naging previous job niya ay pasok siya sa credentials na hinahanap ng magiging amo niya. Malaki ang salary per month. Which is ‘yon ang kailangan niya ngayon dahil sa kanyang ama na nasa ospital. Umalis na kasi pa-ibang bansa ang pamilya ng pinasukan niya kaya naman nawala siya ng trabaho. At kung kailan naman nawalan siya ng trabaho. Saka naman nagsabay-sabay ang dagok sa kanilang buhay. Naiinis siya. Bakit ba ganito ang tadhana sa kanya. Gusto niyang magtampo kay God dahil pakiramdam niya ay kinalimutan na sila nito. Pinapalayas na sila sa apartment na tinutuluyan nila. Said na ang laman ang lagayan nila ng bigas. Ubos na rin ang gas. Bayaran ng tubig at kuryente. At tulad ng lagayan nila ng bigas ay said na rin ang wallet niya. Sa totoo lang ay 500 pesos na lang ang pera na meron sila. Ang nanay naman niya ay um-extra sa paglalabada ngayon araw upang may madalang pera mamaya kapag nagpunta sila sa ospital. Baon pa ng kaniyang dalawang kapatid. Parehong elementary pa lang ang mga ito. Naawa siya dahil pumapasok ang mga kapatid niya sa school na tanging pamasahe lang ang perang dala. Tapos ngayon ay wala na silang bigas. Kulang na nga ang dalang pera. Wala pang makakain pag-uwi ng bahay. Nanikip ang dibdib niya kasabay ng panunuyo ng lalamunan. Kailangan ay matangap siya sa trabaho ngayon din araw na ito. Kaya naman gagawin niya ang lahat mamaya kapag ininterview siya ng employer niya. I-sho-showcase talaga niya na kaya niyang magpalit ng diaper at maghugas ng pwet ng bata para lang i-hired siya nito at nang sa ganun ay maka cash advance siya sa magiging amo niya. Sa ganitong scenario ng buhay niya ay wala ng hiya hiya. Actually ay nilunok na nyang lahat ng pride na meron siya sa katawan. Lubog na sila sa utang sa tindahan. At sa tuwing dumadaan siya ay palagi siyang pinapahiya ng may ari ng tindahan dahil hindi sila makabayad ng utang. Sabi pa nito ay naitae na nila’t lahat ang inutang sa tindahan tapos hindi pa rin sila nakakabayad. Idagdag pa ang may ari ng apartment na panay panggigipit sa kanila. Gusto na silang lock-an ng pinto dahil tatlong buwan na silang hindi makabayad. Langhiya talaga, oh! 1500 na nga lang monthly rental nila sa apartment. Natambakan pa sila at hindi mabayaran. Inaalala pa niya na baka mamaya pag-uwi niya sa bahay ay pinutulan na sila ng kuryente. Inakit lang niya ang namumutol ng kuryente kahapon. Nabola niya ito kaya naman hindi sila tinuloy putulan ng kuryente. Pero ang sabi nito ay babalik ngayong araw dahil kapag hindi pinutol ng lalaki na namumutol ay ito naman daw ang puputukan at baka mawalan ng kuryente. Langhiya talaga naman, oh! Paano na lang gagawa ng homework ang dalawang kapatid niya kung madilim sa loob ng maliit nilang apartment. Nawawalan siya ng pag-asa. Kaunte na lang ay gusto na niyang magpasagasa sa daan para matapos na ang problema. Pero sa tuwing naiisip niya ang dalawang kapatid. Tumatapang siya para lumaban pa sa hamon ng buhay. Pinahid niya ang mga nalaglag na luha sa mga mata. At muling nag-doorbell sa gate dahil walang lumabas na tao ng mag doorbell siya kanina. “Please Lord, sana matanggap ako sa trabaho. Sa laki ng mansyon na ‘to, panigurado na mapera ang nakatira dito.” sambit niya sa sarili habang nakasilip sa gate. Nanghihina na sumandal siya sa gate habang hinihintay na may tao na magbukas sa kanya. “Ay palaka!” gulat na sabi niya nang dumausdos siya paupo sa lapag dahil bukas ang gate. Sa wakas! May tao na rin lumabas! Pinagpag niya ang puwetang bahagi ng katawan niya dahil naalikabukan ang suot niyang pantalon. “Ikaw ba si Ellaine Magdangal?” bungad na tanong kay Ella ng may edad na babaeng nagbukas ng gate. Mabilis siyang tumango rito. “O-opo!” Binaba ng may edad na babae ang suot nito na eyeglasses. Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. “Ikaw ba ang applicant na pinadala ng agency?” tanong nito sa kanya. Tumango siyang muli. “Opo, ako nga po.” magalang na sagot niya. “Parang ang bata mo naman yata, sigurado ka bang 20 years old ka na?” paniniguro ng kaharap niya dahil mukha siyang menor de-edad sa height niya at sa katawan niya na umimpis na dala ng sunod-sunod na problema. “Um… hindi na po ako menor de edad. 20 years old na po ako.” “Segurado ka r’yan, ah.” patuloy an usisa nito. Upang matigil na ang pang-uusisa sa kaniya ng kaharap. Binuksan niya ang hawak na brown envelope at inilabas ang birth certificate niya. “Ito po ang PSA birth certificate ko.” sabi niya at inabot iyon sa kaharap. Agad naman na kinuha nito ang birth certificate niya. “2o years old ka na nga,” anito matapos busisiin ang nakasulat sa hawak na PSA niya. Binalik nito sa kanya ang certificate niya. “Sige, pasok sa loob. Kanina ka pa hinihintay ni Madam,” “Salamat po,” agad siyang pumasok sa gate at sumunod sa may edad na babae sa loob ng mansyon. Hindi niya mapigilan ang manlaki ang mga mata dahil ang gara at ang ganda ng mansyon. Nasa may bukana pa lang sila ng pinto ay sobrang namamangha na siya. “Ayon si Madam,” turo ng kasama niya sa babaeng elegante ang itsura. Nakaupo ito sa malaki at expensive na sofa. “Anak po ba niya ang aalagaan ko?” tanong niya habang naka sunod lang rito na lumalakad at nakapako ang mga mata sa madam na sinabi ng may edad na babae. “Hindi, wala pang anak si Madam.” tugon nito. Napatango siya. “Eh sino po ang aalagaan ko?” hindi na siya nagawa pang sagutin ng kausap dahil nasa harap na sila ng tinutukoy nito na madam. “Madam, narito na po siya.” anito sa babae. Tumayo ang babae at binaba ang hawak na magazine sa ibabaw ng small round table doon sa sala. “Sige na po Manang, pwede niyo na po kaming iwan.” “Okay po Madam,” agad na umalis ang may edad na babae at iniwan sila doon sa sala. Tumikhim siya. Sa itsura palang ng kaharap niya ay sure siyang mayaman nga ito. Sana matanggap siya para makapag cash advance siya. “Sino po ba ang aalagaan ko?” hindi niya alam kung ano ang itatanong sa kaharap niya. Kaya iyon na lang ang nasabi niya. “Nasabi na ba sa ‘yo sa agency kung magkano ang magiging monthly salary mo?” panimula ng babae na kaharap niya. Tumango siya. “Opo, 30 thousand daw po.” aniya. Ngumiti ang babae. “Yes, ‘yan nga ang magiging monthly salary mo if ever ma-hired ka today.” kinabahan siya sa sinabi nito. Hindi pwede na hindi siya matanggap sa trabaho. Sobrang laking halaga ng 30 thousand sa kanya na buwanang sahod. Kaya naman dapat ay i-hired siya nito. “Ma’am, marunong po ako magluto, maglaba, at maglinis ng bahay. At kung pagdating naman po sa pag-aalaga ng bata. Marunong din po akong mag-alaga ng bata at magpalit ng diaper.” sinabi na niyang lahat ang alam niya para lang i-hired siya nito. “Are you a virgin?” napatigalgal siya sa narinig na sinabi ng babae. Sa dami ng interview na naranasan niya sa pag-aapply ng trabaho. Ngayon lang siya naka-encounter ‘Are you a virgin’ ang itatanong sa kanya. Napakurap siya. “P-po?” aniya kasi baka namali lang siya ng rinig sa sinabi nito. “Virginity ang pinaka number one credential sa work na ina-apply-an mo.” Mas lalo siyang natigalgal sa narinig. Tama nga ang pandinig niya. ‘Virginity’ ang number one credential sa work na gusto niyang apply-an. Sure ba ang kaharap niya? Anong koneksyon ng virginity niya sa pagiging katulong or tagapag-alaga ng bata. Wala naman atang koneksyon ang pagiging virgin niya sa pagpapalit ng diaper at pagtitimpla ng gatas ng bata. Muli ay napakurap siya. “V-virgin po?” hindi pa rin makapaniwala na sambit niya. “Kung hindi ka na virgin, then there’s no reason for me to talk to you. Makakaalis ka na.” sabi nito at muling naupo sa sofa at kinuha ng binabasang magazine. Kinain siya ng takot. Hindi siya maaaring hindi ma-hired sa trabaho. 30 thousand iyon ay kailangan niya. “Virgin pa po ako!” napalakas na sabi niya. Agad naman umangat ang mukha sa kanya ng babae. Binitawan nito ang magazine na hawak at hinarap siya. “Well, good. Kung ganun. You’re hired.” nakangiti na sabi nito. “Talaga po? Tanggap na po ako sa trabaho?” hindi makapaniwala na sabi niya. “Yes, sumunod ka sa akin.” utos nito sa kanya. Sumunod naman siya rito sa paglalakad papunta sa opisina doon sa second floor ng mansyon. Habang naglalakad sila ay mangha niyang pinagagala ang mga mata sa buong mansyon. Ang mamahal ng mga kasangkapan sa loob ng mansyon na iyon. “Get in,” utos ng babae sa kanya. “Salamat po,” sagot niya at humakbang rin ka agad papasok sa loob. “Sit,” turo nito sa silya sa harap ng table. Tahimik na naupo siya sa silya. May kinuha sa loob ng drawer ang babae. “Marunong ka naman sigurong bumasa ‘di ba?” sabi nito at may nilapag na dokumento sa ibabaw ng table. Tumango siya. “Opo,” tipid niyang sagot. “Good. Read the contract carefully,” Contract? Kinabahan siya. Tagapag-alaga lang ng bata ang trabaho na ina-apply-an niya. Bakit may pa contract pa. Mabilis na bumaba ang paningin niya sa dokumentong nasa ibabaw ng lamesa. Binitawan niya ang hawak na brown envelope. Kinuha niya ang dokumento na pinapabasa sa kanya ng kaharap. Habang binabasa niya ang nakasulat sa hawak niyang kontrata. Hindi niya maiwasang mapa-luha dahil solve na ang problema nila pagdating sa pera. Nabasa kasi niya na 100 thousand ang magiging sweldo niya sa oras na maregular na siya sa trabaho. Para na siyang nag-abroad niyon. Nanlaki ang mga mata niya at sandaling tumigil ang t***k ng puso niya. Totoo ba ang nababasa niya na nakasulat sa kontrata? May additional 2M milyon siyang makukuha kapag naka-one year siya sa trabaho. Napaka laking halaga sa kanya ng 2M milyon. Makakabili na sila ng bahay at lupa sa subdivision. Tumingala siya sa kaharap. “M-may makukuha po akong additional 2 Million kapag tumagal po ako sa inyo?” hindi pa rin siya makahuma sa pagkamangha at pagkalula sa 2 M. Sa 100k na sweldo a month. Jackpot na siya roon. Tapos. May 2 M. Pa. “Continue reading the contract, Ms. Magdangal,” utos nito sa kanya. Muli ay hinarap niya ang kontrata na hawak niya. Nilipat niya iyon sa ikalawang pahina. Terms and specific job description: Assist with his activities of daily living, including bathing, dressing, grooming, toileting, transferring and getting to and from activities and meals according to the individual service plan. Allows and encourages him to do as much of their own care as possible. Kaya naman niyang gawin lahat ang mga nakasaad sa terms and job description sa kontrata na hawak niya. Maliban nga lang sa huling nabasa niya sa ibaba ng contract. Having s*x with him 3 times a week! Muli ay napatigalgal siya. s*x? As in makikipag s*x siya sa magiging alaga niya 3 times a week? Binalot siya ng takot. Anong klaseng tao ba ang aalagaan niya? Hindi naman pala tagapag-alaga ang trabaho na papasukin niya. Para na siyang bayarang babae! "H-having s*x po madam sa aalagaan ko?” nangangatal ang labi na tanong niya. “Yes, 3 times a week ang schedule mo para makipag s*x sa asawa ko.” Mas lalong nangatal ang bibig niya. “3 times a week makikipag s*x sa asawa niyo po, Madam?” ulit niya sa mga sinabi nito. Tumango ito. “Yes, my husband was temporarily blind to due to an accident. It's a long story. But what's more important now is… are you still interested working here?” Napatitig siya rito. Interesado siya sa malaking sweldo. Pero ang hindi niya yata kayang sikmurain ay ang huling nakasulat sa job description sa contract. Ang makipag s*x ng 3 times a week sa asawa ng kaharap niya. So technically ay sa amo niya siya makikipag- s*x ng 3 times a week!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook