3

1076 Words
"Now give me three more! Aha, one, two, come on guys! One more, and three! Good job. Good job." Pumalakpak pa si Brent, ang fitness instructor ni Althea. Kinuha ni Jozel sa kanya ang dalawang 10-pound dumbbells at ibinaba iyon sa rubberized floor. Tinulungan siya nitong bumangon mula sa bench. "Thanks, Brent!" Chorus na wika nila sa instructor.  "Mabuti na lang nandiyan ka Brent para tulungan kami na i-pursue ang pagiging fit namin, lalo tuloy nainlove sakin ang asawa ko!" Wika ni Kate, asawa ng isang Korean national. Sinundan ito ng tawanan ng iba pang naroon. "No problem. That's part of my job. To help you maintain a smoking body para naman hindi kayo ipagpalit ng mga asawa ninyo sa mga mas bata sa inyo. At least diba may laban kayo?" Tumawa pa na wika nito. "Oh, nandito kumpleto na pala ang third set. See you next week second set! Oh mga ginang, nakapag-warm up na ba kayo?" Tumayo si Althea sa bench at sabay silang naglakad ni Jozel papunta sa locker room. Kasunod nila ang iba pang member ng second set. Nakita niya si Rebecca na kausap si Antonietta, isa pang member ng second set. Nagtatawanan ang dalawa. Nang makalapit sila sa mga locker ay kinuha niya ang Nike gym bag at nagsimulang kunin ang mga personal effects nya. Kumaway pa siya kay Jozel na ibinabalik ang bag sa loob ng locker bago binaybay ang pasilyo papunta sa changing room. Mabilis siyang naghubad ng pawisang gym attire, nagtapis ng towel at pumasok sa shower room. Humanap siya ng bakanteng cubicle at pumasok doon. Matapos maligo ay lumabas si Althea ng shower room. Naabutan niya si Rebecca sa na nagbibihis. Wala pang ibang tao sa changing room maliban sa kanilang dalawa. "Hi Althea!" Bati sa kanya nito. "Wala pa din si Nikki?" Tanong niya kay Rebecca. It has been two weeks simula ng mailibing si Arnold. "Dinaanan ko siya kanina before ako pumunta dito. I told her na bakit hindi niya subukang sumama dito sa center para kahit sandali eh mawala sa isip niya si Arnold but she declined." Umupo ito at mapait na ngumiti. "Kung sabagay, it's so hard to accept na mamatayan ng asawa. Kung sakin man mangyari yun eh I'm sure na hindi ko kakayanin. But we know na strong naman si Nikki. Nakaya nya ngang malampasan nung mamatay ang first husband niya diba?" Huli na bago ma-realize ni Althea na nadulas siyang banggitin ang pangalan ng unang asawa ni Nikki. Napatingin siya kay Rebecca kaya kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha nito. "H-how did you know about that?" Tanong nito. Biglang kumabog ang dibdib ni Althea. Hindi niya malaman ang sasabihin kaya ipinasya na lang niyang sabihin ang totoo. "Ah, ano... nabanggit sa akin ni Mrs. Aguiluz last weekend." "Si Mrs Aguiluz? Nasa US siya diba?" Nakatitig pa din sa kanya si Rebecca. Bakas sa mukha nito na pinag-aaralan ang katotohanan sa sinabi niya. "She arrived last week. Nagkita kami sa Starbucks yesterday and bigla niyang nabanggit sa akin. But it's nothing. It's not like pinag-uusapan namin siya. Naitanong lang sakin ni Mrs. Aguiluz si Nikki and naikwento ko sa kanya ang nangyari kay Arnold." Sagot niya. "But don't worry Rebecca. Wala namang ibang nakakaalam nun. Wala akong ibang pagsasabihan. I promise." Ilang minuto pang tumitig sa kanya si Rebecca bago nagbaba ng tingin. She exhaled. "It's okay. Baka lang kasi may ibang makaalam sa nakaraan ni Nikki. Baka kasi may magbigay ng masamang kahulugan. Alam mo naman na bestfriend ko si Nikki kaya ayokong masasaktan ang kaibigan ko. It will destroy her kung pag-uusapan siya ng mga tao." "I promise. I will not tell it to another soul." Umupo siya sa bench at hinawakan ang kamay ni Rebecca. Tumingin ulit sa kanya si Rebecca bago muling nagsalita. "Well, kung tayo man ang nasa katayuan ni Nikki, we don't want everybody to know na namatayan tayo ng mga asawa. Ayoko lang talaga na makitang nahihirapan ng ganito si Nikki. She's been through enough already ng mamatay sina Barry at Jonas." "Jonas?" Nagtatakang tanong niya kay Rebecca. Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. "Oo, si Jonas. Second husband ni Nikki." Nanunuring tanong ni Rebecca. "Bakit? Hindi ba nabanggit sayo ni Mrs Aguiluz?" "Ah, ano, nabanggit niya sakin. Nakalimutan ko lang kasi hindi ko masyadong narinig when she told me na Jonas ang name ng second husband ni Nikki. Barry lang ang natandaan ko eh." Palusot niya. She applied her make up consciously dahil ramdam niyang nakatingin sa kanya si Rebecca. Gusto pa sana niyang itanong kung ano ang ikinamatay ni Jonas ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Rebecca. "Hello, Nikki? Yeah, I'm dressing lang. Alright. I'll be there." Pinatay nito ang tawag at saka isinukbit nito ang Adidas gym bag at saka tumayo. "Oh, mauuna na ako Althea. Hinihintay na ako ni Nikki. Alam mo naman na she needs company at times like this." "Sure. Sure." Tumayo si Althea at bumeso dito. "Bye!" Nang makalabas si Rebecca ay tinapos ni Althea ang pagme-make-up. Hindi na din niya nahintay si Jozel. Kaagad siyang lumabas ng fitness center at sumakay ng taxi. Nakarating na siya sa kanilang bahay ay naglalaro pa din sa isip niya ang sinabi ni Rebecca. Si Barry. Ang unang asawa ni Nikki. Si Jonas. Ang ikalawang asawa ni Nikki. A certain feeling crept up to her. Hindi niya mapangalanan kung ano iyon pero sigurado siyang connected iyon sa nalaman mula kay Mrs. Aguiluz at kay Rebecca na hindi lang isa o dalawa ang naging asawa ni Nikki kundi tatlo.  At ang tatlong iyon ay namatay.  Althea kept imagining how Nikki's husbands kept dying, falling like swatted mosquitoes. # Kinuha ni Althea ang kamatis sa ibabaw ng kitchen counter at sinimulang hiwain iyon. Abala naman si Jozel sa pagbabantay ng kumukulong tubig sa kaserola. Sabado noon at inaatake siya ng pagkainip kaya naman naisipan ni Althea na imbitahan si Jozel na tumambay sa bahay niya dahil day-off ni Bebeng, ang kanilang kasamabahay. Si Nathan naman ay umalis upang maglaro ng golf kasama ang mga officemates at siguradong dinnertime na uuwi. Una niyang tinawagan si Mrs. Aguiluz pero mayroon na itong prior commitment. Hindi lang daw nito matanggihan ang amiga na may problema sa sixty years old na asawa. "Maybe next time hija. Miss ko na din ang carrot cake mo. They don't do it in the States like you do. Kailangan ko lang talagang puntahan si Kumareng Betchay, tiyak na parang Maalaala Mo Kaya na naman ang drama namin. Alam mo naman ako, sumbungan ng bayan!" Tinawagan niya si Jozel at sinabi ang pakay. Swerte naman dahil out of town ang parents nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD