"I was planning to waste the day watching movies. Kailangan ko na din ng same-age conversation eh kasi parang nahahawa na ako sa pagsasalita ng mga students ko. Mabuti na lang tumawag ka. I'll be there in ten. Magpapalit lang ako ng damit." Wika nito sa kabilang linya. Kaagad inayos ni Althea ang mga ingredients at after five minutes ay dumating si Jozel na may bitbit na red velvet cake.
"As I've said, approved na ang two-week leave ni Nathan kaya next month eh tuloy na tuloy na ang Hawaii trip namin." Kwento ni Althea kay Jozel. She touched her belly. "I hope makabuo na kami doon."
"Oo nga. Dapat makabuo na kayo doon kasi you guys have been trying like what, three years?" Tanong nito. Kumuha ito ng asin at nagbudbod sa nakasalang na kaserola.
"Sana. Alam mo naman na gustong-gusto ko na talagang magkaanak kasi hindi na naman ako bumabata. Baka two or three years from now eh lalo kaming mahirapan ni Nathan." She took a deep breath at mabilis na hiniwa ang iba pang kamatis. "At saka alam mo ba? Napapansin ko si Nathan na everytime na bumibisita dito sa bahay sina Ate Rosalyn lalo na kapag kasama yung tatlong anak nila. Alam mo yun? Napapansin ko na palagi niyang kinakalong si Matthew, yung one year old na anak nila ate and then tumitingin sakin si Nathan and ngumingiti. I think parang naiinggit siya?"
"Mabuti kung ganoon. It means na pareho na kayong ready to have a bigger family." Naglagay ito ng mantika sa kumukulong tubig kasunod ang pasta sticks. Lumapit si Althea sa kaserola at nagsimulang maghalo. "Pareho na kayong malapit mawala sa kalendaryo!"
Tumawa si Althea. "Sinabi mo pa! Anyways, ikaw naman? Kumusta naman ang lovelife mo? Hindi ka na din bumabata remember?"
Umupo si Jozel sa stool at mapait na ngumiti. Althea could see the glint in her eyes.
Napatigil si Althea sa paghahalo ng pasta at napangiti. "Oh my gosh! What? Sino si guy? Malihim ka na talagang babae ka. Ikaw ha! Bakit hindi mo man lang ipinakilala sa akin?"
""Actually, akala ko din meron na. Akala ko din I was having something." Biglang bumakas sa mukha nito ang lungkot. Her eyes started welling-up. "Pero naisip ko na hindi kami magiging masaya because of so many factors so we decided to cut the relationship."
Natahimik si Althea. "I'm so sorry, Jozel. Kaya pala napapansin ko na medyo malungkot ka these past few days."
"It's okay. Kinakaya ko naman although sobrang sakit," Pinahid nito ang mata at huminga ng malalim. "It just felt so real lang kapag magkasama kami so I thought na totoo ang lahat."
Pinatay ni Althea ang stove at niyakap si Jozel. "Tahan na. Alam kong makakaya mo iyan. Isipin mo lang na we are blessed dahil hindi natin na-experience ang na-experience ni Nikki. I can't imagine what will happen to me if mamatayan ako ng tatlong asawa."
Kumalas sa kanya si Jozel at namimilog ang mata na nagtanong. "What?"
Bigla siyang napahawak sa bibig ng marealize ang sinabi. "Ha? Ah, eh wala. Forget what I said. Wala iyon."
Tumayo si Althea at muling binuhay ang kalan at atubiling hinalo ang laman ng kaserola. Nagulat siya ng biglang magsalita si Jozel na nasa tabi niya. "Namatayan si Nikki ng tatlong asawa? C'mon Althea! Saan mo nalaman ang chismis na iyan?"
"s**t! I am so dead!" Humarap siya kay Jozel. "I promised Rebecca na walang ibang makaka-alam nito! Lagot ako pag nagkataon!"
"Rebecca? Kelan sinabi sa iyo ni Rebecca? C'mon, tell me. Hindi naman malalaman ni Rebecca na sinabi mo sakin!"
Muli niyang pinatay ang stove at umupo sa stool. Nakasunod sa kanya si Jozel. "Alright, but before I tell you, promise me na walang ibang makakaalam nito. Walang ibang may alam nito maliban sa akin because Rebecca said na no one knew about this except her and Nikki dahil nga BFF sila ever since. And I think half of the story lang ang alam ni Mrs. Aguiluz."
"What? Si Mrs. Aguiluz? Alam din niya? I thought nasa States siya?"
"Dumating na sya. I met her last week sa Starbucks." Althea took a deep breath and told Jozel what Mrs. Aguiluz told her.
"No way!" Shocked na wika nito. Nawala na ang lungkot na kanina lang ay bakas na bakas sa mukha nito.
"Yes way! At hindi lang iyon. Last week, nakausap ko si Rebecca sa center nung magkasabay kami sa changing room, well actually, kinukumusta ko si Nikki and nadulas ako, just like now," Ikinuwento niya dito ang nalaman kay Rebecca. "Hindi ko kaagad nabanggit na iyong about kay Barry lang ang naikwento sa akin ni Mrs. Aguiluz kaya sobrang nagulat ako ng malaman na bukod sa Barry na iyon, mayroon pa palang nauna kay Arnold, which is si Jonas nga."
Humihingal pa si Althea ng matapos magkwento kay Jozel. Nakokonsyensya siya dahil nangako siya kay Rebecca na hindi ipagsasabi ang nalaman dito pero hindi niya mapigilan ang thrill na sabihin kay Jozel ang mga nalaman about sa past ni Nikki. Si Jozel naman ay nakatulala pa sa kanya at sa tingin ni Althea ay inaabsorb ang mga rebelasyon niya.
"Oh my gosh! This is big! Hindi ako makapaniwala!" Wika nito. Obvious pa din na hindi makapaniwala sa nalaman.
Umiling siya. "Believe me, I was as shocked as you are right now."
"Oh my..." Parang kinakapos sa hininga na wika ni Jozel. Umupo ito sa isang stool at uminom ng mango juice. "Oh my... Paano na lang kung malaman ito ng mga tao dito sa village? Sa center?"
"Oh no, no, no, no, no! Walang ibang dapat makaalam nito Jozel. Rebecca will know na sa akin nagmula kapag kumalat ang chismis na ito dito sa village or sa fitness center."
"Yeah... Tama ka... Don't worry, Althea. I will keep my mouth shut." Kunwari ay nag-zipper pa ito ng bibig. "But still... this is big."
"Yes and it will ruin her. Kawawa ang kambal kapag nagkataon!"
"Pero bakit wala siyang nabanggit sa atin? We've known her for two years diba?" Tanong ni Jozel.
"Iyan din ang tanong ko. Pero siguro, ayaw ni Nikki ng maraming nakakaalam and it's not a subject na ipangangalandakan mo diba? At saka we are not that close to her like Rebecca."
Tumango si Jozel. "Sabagay. We would've definitely do the same. Pero three husbands? That's kinda weird if you ask me."
"Yes. Pero that's not what shocked me most." Wika ni Althea. Uminom siya ng mango juice. Nanlalaki naman ang mata na bumaling sa kanya si Jozel. Naghihintay ng babagsak na bomba.
"Lahat ng tatlong naging asawa ni Nikki, they have one thing in common."
"Ano?" Tanong ni Jozel.
"Lahat sila ay namatay while being married to Nikki."
Jozel reached for the glass of mango juice and absent-mindedly drank from it. They looked at each other and not said a word. Tumayo si Althea at nagsuot ng pot holder. Kinuha ang kaserola at ibinuhos ang laman sa nakaabang na strainer.