"Babe, kailangan ko palang mag-grocery." "Do you want me to go with you? Or isasama mo si Bebeng?" Tanong sa kanya ni Nathan. Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa habang nanunuod ng Silver Linings Playbook kung saan kasalukuyang nagsisisigaw si Jennifer Lawrence kay Bradley Cooper sa gitna ng kalsada. "May ipinapagawa kasi ako kay Bebeng eh baka hindi pa siya tapos. Dadaan muna kasi ako sa spa bago ako pumunta sa supermarket. Baka abutin ako doon ng two or three hours." Nakangiting sagot ni Althea. "Sigurado ka na gusto mong sumama?" Napakamot ito at ngumit kaya lalong na-emphasize ang dimple nito. "Ganito na lang, instead na makatulog ako sa lobby habang nagpapa-spa ka, ihahatid na lang kita doon then susunduin kita sa supermarket after mong mag-grocery para hindi ka mapagod sa pagbubuha

