Tumingin muna si Althea sa magkabilang side ng kalsada bago tumawid papunta sa kabilang panig kung saan nakatayo ang dalawang palapag na bahay ng mga Combalicer. Habang nasa daan matapos siyang sunduin ni Nathan ay maraming posibilidad ang naglalaro sa isip niya matapos siyang tawagan ni Jozel at sabihing may nalaman ito tungkol sa pagkamatay ng second husband ni Nikki na si Jonas. Idagdag pa ang mga nalaman niya kay Nikki na nangangaliwa ang recently deceased nitong asawa na si Arnold ay hindi maiwasan ni Althea na lalong maintriga. Alam niyang mali ang ginagawa nila ni Jozel na pag-ungkat sa nakaraan ni Nikki pero hindi niya mapigilang hindi ma-curious. She anticipate kung ano ang impormasyon na nalaman ni Jozel kaya naman ng makarating sila sa bahay ay iniutos niya agad kay Bebeng ang

