Chapter 57 Sobrang awkward nang naging reaksyon ng Itadori Family. Kung wala lang dumating para pagitnaan kami'y baka kung ano pa ang masabi nila tungkol sa akin. "Thank you so much for making it on my birthday party, Itadori-dono!" si Tohru, kasama si Kyouko. Nag-usap pa sila sandali bago bumaling sa akin si Tohru. Pasekreto kong inalis ang pagkakahawak ni Kasei sa kamay ko at nginitian sila. Mabuti at hindi nila napansin. "They prepared an after party for me. Invited ang lahat so it's good to assume that you will be there too, Kitora-chan?" Kung kanina'y may multo ng ngiti sa mukha ni Tohru, ngayon makikita mo talagang natutuwa siya na excited na ano. Ewan ko kung bakit. "I would love to but…" Hindi ako mahilig makisalamuha o makiparty. Pero hindi ko itinuloy ang nasa isip ko. Sinab

