Chapter 56 Hindi na ako inusisa ulit nina Neji nang nagsilapitan ang mga kakilala nila. Tahimik lang akong nakikinig sa gilid nila at paminsan-minsan sinesenyasan ni Neji na makihalubelo kina Kasei. Umiiling na lamang ako dahil mukhang lahat ng kasama niya'y puro close sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas ay mas dumami ang nakikipag-usap sa mag-asawang Kanguro. They flock to their group that I had to step on the side to give ways to them. "I believe your youngest daughter will also have her debut this month?" Napatingin ang babaeng kausap ni Mrs. Kanguro sa akin. Napakurap-kurap din ako. Oh no! Birthday ni Luna?! Hindi ko man lang natandaan iyon. Napalunok ako at napangiti ng hilaw. Napasulyap ako kay Neji na hindi naman nakikinig dahil abala na sa kanyang cellphone. "Yes. But we have

