Chapter 55 Hanggang sa nagsimula ulit ang klase ay hindi napapanatag ang isip ko. Sa gabing iyon tinawagan ko si Kazuki pero wala siyang sinabi sa akin. Mukhang ayaw niya kaming manghimasok sa problema nila ni Kasei. "Aito, susubukan mo pa rin ba ang Paranormal Club?" tanong ni Tetsu, ang president ng Paranormal Club. Kakasimula pa lang ng klase ay busy na ang lahat sa pagpapatayo at pagsali sa school clubs. Pero karamihan ay nasa sports club., lalo na sa volleyball dahil may mga bagong estudyanteng magagaling na players. Speaking of sports club, mas sumikat ang Basketball Team ng Kaitou High pagkatapos ng Summer Tournament. Nanalo naman sa Nationals ang Sedou Academy pero mas nagpokus ang karamihan sa Kaitou High marahil ay nakitaan nila ng potentials ang aming mga players. Hindi nga

