Nang makalma na ni Rona ang sarili ay tinatagan niya ang loob niya at inayos ang sarili saka lumabas sa banyo. Dali-dali na rin siyang lumabas sa mall at sa kagustuhang makauwi agad ay pinara niya ang taxi na paparating. Ang sakit-sakit lang!! Akala niya, may espesyal na siyang puwang sa puso ni Axell dahil nasabi nga nito ang buhay nito sa kanya... Naramdaman din niyang mahalaga siya rito bukod sa pagiging mag-s*x buddy nila kaya parang hindi matanggap ng puso niya ang mga sinabi nito kanina. Pero hanggang kanina pala ay strangers with benefits lang sila... Nagpapainit lang pala sa kama ang tingin ni Axell sa kanya. Bakit?? Ano ba ang kulang sa kanya? Isinubo naman niya! Nakipagtalik siya ng paulit-ulit kay Axell sa pag-aakalang may espesyal nang namamagitan sa kanila! Pero mali pala

