"Bruce, pare! We're glad you're here to join us tonight!" Nakangising salubong agad sa kanya ni William nang pumunta siya sa bar ni Clinton para makipag-jamming sa mga kaibigan niya. Matagal-tagal na rin kasi noong huling naki-jam siya sa mga ito, at iyon nga ay noong huling beses rin silang nagkita ni Rona. It's been almost two weeks since it happened, but the pain is still so fresh. f**k. Tumango lang siya kay William at sunod ay kina Gerard at Luke bago siya umupo at kumuha ng sarili niyang baso. "You've become silent these past few days, pare. Hindi ka na rin matawagan agad. what the hell, bro? What happened to you and to Clinton?" asked Luke. Si William ay nakangisi pa rin at patagilid na nakatingin sa kanya habang si Gerard ay tila inoobserbahan lang siya. Pero naagaw ang pansin n

