Napatitig si Axell kay Rona dahil parang may importanteng sasabihin sa kanya ang dalaga nang bigla namang umalingawngaw ang maingay na tunog ng pagdoorbell sa unit niya. Kung sinuman ang nasa labas ng condo niya ay tila hindi na ito makakapaghintay ng matagal para pagbuksan niya ito ng pinto. Imposible namang food delivery iyon dahil ilang minuto pa lang mula nang umorder siya ng pagkain and for sure na hindi naman magiging rude ng ganoon ang magdedeliver ng pagkain. "Baby, you can take a bath first while I check who's outside." Aniya kay Rona. Mukhang ayaw pa sana nitong sundin amg sinabi niya pero napilitan na lang din itong pumasok sa banyo. Mabuti nang doon muna si Rona sa banyo niya. Baka kasi isa na naman sa mga kaibigan niya ang nagtungo sa condo niya ng ganoon kaaga. Tsk! It's

