"Ano'ng problema Rona, bakit malalim na naman ang iniisip mo?" Napalingon siya kay Becka. Saka lang niya na-realize na natutulala na naman pala siya kakaisip kay Axell at sa damdamin niya, kung paano at kailan niya sasabihin dito na inlove na siya rito nang hindi niya sinasadya. "Naku, wala, may naisip lang ako." Umiiwas ang tinging sagot niya kay Becka. Humigop muna siya ng kape bago muling sumubo ng kanin at longganisa. Sabay sila ni Becka na nagbi-breakfast ng maaga at maya-maya ay may pasok na naman siya sa trabaho. Si Becka naman ay halos kakauwi lang ng boarding house nila. Nginitian pa niya si Becka para tigilan na nito ang pagpuna sa kanya pero tinaasan lang siya nito ng kilay. Malakas talaga ang pakiramdam ng babaita! "Tungkol kay Axell?" Lumingon siya kay Becka at napaisip

