Maliwanag na nang muling dumilat ng mga mata niya si Rona. Shit! Nananakit na naman ang buong katawan niya! Mahapdi rin ang p********e niya at parang bugbog-sarado ang katawan niya mula ulo hanggang paa! "Umhh..." dumadaing niyang ungol nang kumawala siya mula sa pagkakayakap ni Axell. Tulog na tulog pa rin ang binata at humihilik pa nga ng mahina. Tsk! Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod sa apat na beses na pagniniig nilang ginawa kagabi?! May kakaibigang rahas at pagkasabik din kasi ang paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ni Axell kagabi. Masyado itong agresibo at tila sabik na sabik! Nag-inat siya ng kaunti pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumaba sa kama. Nilingon niya ulit si Axell at napailing na lang siya nang makitang tulug na tulog pa rin ito. Pero saglit lang ay nangingiti

