"I'll fetch you baby but I'll be a bit late. May dadaanan lang ako saglit." Napangiti si Rona nang maka-receive siya ng text message mula kay Axell. Medyo nagtaka pa siya dahil text message ang kumunikasyong ginamit nito ngayon at hindi tawag na nakasanayan nito. Kanina ay hinatid siya nito sa boarding house at hinintay para ihatid sa trabaho. Nagmamadali na nga lang siyang kumain habang biyahe dahil malapit na talaga siyang ma-late kanina! Sinubuan rin nga niya si Axell kaya kinilig pa siya ng lihim! Buti na lang talaga at may Axell na naghatid sa kanya kaya umabot naman siya sa tamang oras nang pagtime-in niya. Tapos ngayon ay susunduin na naman siya ni Axell. Lalo tuloy siyang na-excite sa pagkikita nilang dalawa mamaya! Halos hindi na nga maalis-alis ang mga ngiti sa mga labi niya

