Chapter 12: Amusement Park

2396 Words
"Hi, Akki!" bati nila pagpasok ko pa lang sa van. "Hello!" ganti ko sa kanila. "Akki, dito ka na, tabi tayo." Pinagpag ni Eli ang bakanteng upuan katabi ng sa kaniya. Napansin ko ang paglingon ni Shaun sa amin mula sa front seat. Matapos ko siyang ngitian ay saka niya iniwas ang tingin niya at binalik ang atensyon sa harap. Napanguso ako. "Sige." Tumabi na ako kay Eli at nagsimula na ring umandar ang sinasakyan naming van. "Bakit niyo pala naisipang pumunta ng amusement park?" tanong ko kay Eli. "Nag-aya kasi si Aixiel na pumunta roon. Balita ko kabubukas lang din ng amusement park na 'yon last week," sagot niya. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Si Bjorn ang nagmamaneho sa van na sinasakyan namin ngayon at katabi niya si Shaun na tahimik lang na nagmamasid sa dinadaanan namin. Sa likuran nila Bjorn, na siyang nasa harapan namin, ay nakaupo sina Callen at Dendrick na nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko na inalam pa kung ano ang pinag-uusapan nila. Katabi ko naman sa kaliwa si Kairen at sa kanan ko naman si Eli, bale pinaggigitnaan nila ako ngayon. Sa pinakalikuran naman sina Louie at Quirro na payapang natutulog. Nakasandal pa ang kanilang ulo sa isa't-isa. Nagpatugtog ng mga kanta si Bjorn para hindi masyadong tahimik ang buong van. Maganda rin ang taste of music ni Bjorn dahil hinaluan ito ng K-pop at Western songs. Tiningnan ko si Kairen na busy sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. Napaangat ang tingin niya at ngumiti sa akin bago binalik ang atensyon sa ginagawa. Bigla ko tuloy naalala si Humphrey. Tatanungin ko pa pala siya tungkol sa kung paano niya ako kilala. Agad kong kinuha ang cellphone ko at pinunta ang messenger app, nagbabakasakaling nagchat siya sa akin. Pagtingin ko sa app ay agad din bumagsak ang balikat ko nang wala akong makitang bagong mensahe galing kay Humphrey. Mamaya ko na siya tatanungin pagkauwi ko sa bahay. Sa ngayon, dapat mag-enjoy muna ako sa lakad namin. Agad ko nang pinatay ang cellphone ko at binalik sa bag. "May inaabangan kang mensahe 'no?" pag-usisa ni Eli. Nakita niya pala ang ginawa ko kanina. "Wala 'no," pagsisinungaling ko. "Sus, ayaw pang aminin eh," panunuya niya. "Wala nga, kulit nito." "Sabi mo eh," pagsusuko niya pero halatang hindi pa rin siya kumbinsido sa sinagot ko. Ilang sandali lang ay namalayan ko na lang na nakapark na pala ang sasakyan sa parking lot ng amusement part. Nagsimula na silang bumaba sa sasakyan. "Hoy Louie! Quirro! Gising na, nandito na tayo!" panggigising sa kanila ni Kairen. Nakababa na ako kaya hindi ko nakita ang reaksiyon nilang dalawa. Panigurado naalimpungatan pa 'yon. Nang makompleto na kami ay sabay na kaming papunta sa entrance ng park. I saw Aixiel waiting for us in front of the big tree past the entrance. He waved his both hands the moment he saw us. "Ang tagal niyo naman," pambubungad ni Aixiel pagkapasok namin sa park. Hindi na siya pinansin ng mga kaibigan niya at nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Nang tumama ang paningin niya sa akin ay agad ko siyang ningitian na agad naman niyang sinuklian. Biglang huminto si Bjorn sa paglalakad kaya naman napahinto rin kami at tiningnan siya. "Bakit, Bjorn?" tanong ni Callen. "May nakalimutan ka ba?" tanong naman ni Louie. "Wala naman," sagot ni Bjorn. "Gusto ko lang tanungin kung anong gusto niyong rides ang unang sasakyan natin?" tanong niya sa amin. "Ferris Wheel!" sagot agad ni Quirro. Agad din naman sinang-ayunan ng lahat ang suhestiyon ni Quirro. Ferris Wheel is not that bad, nakasakay na rin kasi ako n'yan dati. Nagtungo kami sa Ferris Wheel booth at habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao rito. Some of them are gossiping and some of them are staring at us like we are celebrities doing a runway show. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ang lalakas din naman kasi ng dating itong mga kasama ko. Matatangkad na nga, gwapo pa. "Pinagtitinginan tayo ng mga tao oh," sambit ni Kairen. "Nagtataka ata kung bakit tayo nandito eh ang malaki naman na tayo para pumunta pa sa amusement park," dagdag niya. Kung alam niya lang ang dahilan kung bakit sila pinagtitinginan ng mga tao, naku. "Hayaan mo na, Kairen. Amusement park is for all ages naman eh," I uttered. "You're right," sang-ayon naman ni Eli. Hindi na namin pinansin iyon at tinuloy na lamang ang paglalakad. Nang makarating kami sa Ferris Wheel booth ay pumila na kami sa ticket booth. Binuksan ko ang bag ko at kukuha na sana ng pera pambayad sa ticket nang pinigilan ako ni Shaun na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. "You don't need to pay, sagot na ni Aixiel ang tickets natin," he said. Himala at kinausap niya ako. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya, "Kaya itago mo na 'yang wallet mo baka magbago pa ang isip no'n." He gave me a small smile na nakapagpatigil sa akin. He just smiled at me! First time! Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami after mabayaran ni Aixiel ang mga ticket namin. Gosh, iba ang epekto ng simpleng ngiti ni Shaun sa akin. Like, first time niya akong ningitian. Sinong hindi magugulat doon 'di ba? It just a smile, Akki. Nagsimula na silang kumuha ng partner para sumakay sa Ferris Wheel. Dahil sampu kaming nandito ay tig dadalawa ang sasakay sa isang cabin. Si Callen at Dendrick sa isang cabin, si Louie at Quirro naman doon sa isa, si Bjorn at Shaun rin, si Aixiel at Kairen, at kami naman ni Eli ang magkapares. Kanya-kanya na kaming sakay sa cabin at inalalayan pa ako ni Eli papasok. Nagsimulang umandar ang Ferris Wheel at umikot na ito. Magkaharap kami ni Eli at tumitingin din siya sa paligid kaya gumaya ako sa ginagawa niya. Pagtingin ko ay kitang-kita ko rito ang kabuuan ng amusement park. Malawak pala ito at marami ring rides. Excited na tuloy akong sakyan ang mga 'yan. Mabilis kaming natapos at nagtungo na sa Roller Coaster dahil iyon ang napagdesisyunan nilang susunod na sasakayin namin. Katulad pa rin ng kanina ay si Aixiel pa rin ang nagbayad ng tickets namin. Ngayon ay pinaggigitnaan ako nina Bjorn at Shaun. Nasa likuran naman namin ang iba. May mga kasama rin kaming ibang pasahero. Pami-pamilya ang karamihan sa kanila at may mga teenagers din. Nang umandar na ito ay nagsimula na silang mag-ingay. Natatawa na lamang ako. "Whoo!" sigaw ko at itinaas ang dalawang kamay. Damang-dama ko ang sariwang hangin at humahampas ito sa mukha ko. Napangiti ako. Parang binaliktad ang sikmura ko dahil sa rami ng inikot namin pero nakayanan ko naman. Kung lahat kami ay sumisigaw na, hindi rin magpapakabog sina Callen at Aixiel dahil sila ang may pinakamalakas na sigaw sa aming lahat. Nakikisigaw rin si Shaun at paminsan-minsan ko rin siyang nakikita ngumiti at tumatawa dahil sa mga kasama niya. Ganyan dapat, Shaun, ngumiti ka dapat. Nang matapos ay nagsitakbuhan ang ilang naming kasama sa cr para sumuka, kasama na roon si Eli. Kami lang ni Shaun at Dendrick ang natira sa labas at hinihintay silang matapos. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasusuka?" biglang tanong sa akin ni Shaun. Napalingon ako sa kaniya. "Ayos lang ako. Sanay naman kasi ako sa ganito. Bata pa lang ako pumupunta na kami sa amusement park," sagot ko. "Okay," sambit niya. Nilagay niya ang isang niyang kamay sa bulsa niya at hinihintay ang mga kasama namin. Wala naman siyang ginagawa pero ang lakas talaga ng dating niya sa itsura niya ngayon. Isa-isa nang lumalabas ang mga kasama namin mula sa cr at lahat sila nakahawak pa sa tiyan nila. Ang cute nilang tingnan. "Hindi na ako sasakay sa roller coaster," mangiyak-iyak na komento ni Louie. Tinawanan na lamang namin siya. "Buti pa 'tong si Akki, ang tibay," sabi ni Callen. "Naku, maliit na bagay," natatawang sambit ko. Naupo kaming lahat sa malaking bench malapit sa fountain at kumakain ng mixed chocolate and vanilla flavored ice cream at churros. Kung si Aixiel ang nanlilibre ng tickets namin, si Bjorn naman ang nanlilibre ng pagkain namin. Maganda pala silang kasama kasi lahat nanlilibre. Pinaggigitnaan ako ng magpipinsan na sina Eli at Shaun. Tahimik lang kaming kumakain habang pinagmamasdan ang mga dumadaang tao sa harap namin. May nakita pa akong isang batang lalaki na nadapa habang tumatakbo papunta sa kaniyang ama na naghihintay sa kaniya. Nawala ang ngiti ng kaniyang ama nang makita niyang nadapa ang bata at umiiyak na. Agad niya itong nilapitan at dinaluhan. Hindi ko man narinig ang sinasabi ng lalaki sa anak niya pero ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya para sa anak. Biglang tumahan sa pag-iyak ang bata kaya naman umalis na ito at nagtungo sa tindahan ng ice cream. What a good scenery. My dad used to be like that when I was a kid. Everytime na nadadapa ako ay agad niya akong inaalo at pinapatigil sa pag-iyak. Kaya sa tuwing nakakakita ako ng ganoong senaryo at palagi kong naalala ang pagkabata ko. Gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata para maranasan ko ulit ang pag-aalaga na binibigay sa akin ng mga magulang ko dati. Pero imposible nang mangyari iyon. I smiled bitterly. "Gusto mo dagdagan ko pa ng chocolate sauce 'yang churros mo?" Nabalik ako sa reyalidad nang alukin ako ni Eli. Bigla ring napalingon sa amin si Shaun nang magsalita si Eli. "Huwag na, ayos na 'to. Salamat," tugon ko. I gave him a small smile. Mabilis din kaming natapos sa pagkain at nagpahinga muna. "Saan ka pupunta, Akki?" tanong nila sa akin nang bigla akong tumayo. "Pasok tayo sa Horror House," pag-aayaya ko sa kanila. "Hayun oh." Tinuro ko ang Horror House 'di kalayuan mula sa kinauupuan namin. "Mabuti pa nga!" "Magandang idea 'yan!" "Gusto ko 'yan!" Isa-isa nilang komento sa suhestiyon ko. Ang iba pa ay nasasabik nang pumunta roon. Napangiti ako. "Ano? Tara?" pag-aayaya ko. "Tara na!" sigaw nila. Pagkarating namin doon ay mga sigawan agad ang bumungad sa amin. Mas lalo tuloy kaming na-excite. Sampu lang ang pwedeng pumasok sa Horror House at sakto lang dahil sampu kami rito. Magkakasama kaming papasok doon. Hinintay muna naming matapos ang naunang batch bago kami pumasok sa loob. Pagkapasok pa lang ay bigla na akong kinilabutan dahil sa lamig at dilim ng loob. May mga mumunting ilaw naman na siyang nagbibigay daan sa amin. Magkakasama kaming lahat habang binabaybay namin ang madilim na daan. "Oh s**t!" bulalas ni Louie nang may humawak sa kaniyang braso. Agad naman niya itong pinalis. Nasa gitna ako ng lahat kaya naman kampante ako dahil nakapaligid ako sa kanila. Hindi nagtagal ay isa-isa nang nawawala ang mga kasama ko. Tanging sigaw na lang nila ang naririnig ko. Hindi ko na rin maramdaman na may kasama pa ako rito. Natatakot man ay dahan-dahan akong naglakad. "Oh s**t! Pangit ka! Bitawan mo 'ko!" sigaw ko nang may humablot sa paa ko na naging dahilan ng pagkadapa ko. Nakaramdam ako ng hapdi sa bandang tuhod ko. Agad kong pinagpapalo gamit ng isang kamay ko ang taong humablot sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil binitawan niya rin ako. Narinig ko pa ang pag-aray nung lalaki. "Akki!" sigaw nila. "Nasaan kayo?" pasigaw kong tanong. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na paika-ika. Wala na akong narinig na tugon mula sa kanila. Hindi ko alam kung nakalabas na ba sila o ano. Hindi ko alam kung nasa tamang daan pa ba ako pero sinusundan ko na lang yung mga ilaw, nagbabasakaling magsilbing daan iyon para makalabas ako rito. May mga humaharang sa akin pero iniiwasan ko lang sila at nilagpasan. Hindi pa man ako nakakalayo ay may humablot na naman sa akin at dinala ako sa kung saan. "Aray!" sigaw ko. Ang lakas ng pagkakahablot niya sa akin. "s**t! I'm sorry!" sambit ng kung sino. "Sino ka?" tanong ko. Pamilyar ang boses niya. "Si Shaun 'to," sagot niya. Tumama ang mukha niya sa mumunting ilaw kaya namukhaan ko rin siya agad. "Shaun! Buti na lang nandito ka," sambit ko. "I was looking for you, bigla ka na lang nawala," nag-aalalang sambit niya. Ngumuso ako. "Kayo kaya 'yong biglang nawala," pangatwiran ko. "Nevermind, let's go out. Hinihintay na nila tayo sa labas." He grab my hand and he maneuvered the way for us to go out. May bigla akong na-realize. "Binalikan mo 'ko rito 'no?" pilyang tanong ko. Sumilay pa ang pilyang ngiti ko. "As if naman. I-Inutusan lang nila ako," he answered. "Okay." Ngumuso na lang ako. Mabilis lang din kami nakalabas at naabutan nga namin sila sa labas. Agad namin silang nilapitan. Napansin kong dahan-dahan na niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Mabuti naman at nakita ka ni Shaun," sambit ni Bjorn. "Okay ka lang ba?" tanong niya. "Oo naman." Ngumiti ako sa kanila. "Teka, dumudugo ang tuhod mo!" nag-aalalang sambit ni Dendrick nang makita niya ang tuhod ko. Tiningnan ko iyon at hindi nga siya nagkakamali dahil dumudugo nga ito. Kitang-kita ang tuhod ko dahil nakasuot ako ng palda, naka-school uniform kasi ako ngayon. Ito pala 'yong naramdaman kong hapdi no'ng bigla akong nadapa sa loob kanina. Panirang lalaki 'yon, bigla-bigla na lang nanghahablot. "Anong nangyari d'yan?" tanong ni Eli. "Nadapa lang ako kanina," sagot ko. "'Wag kayong mag-alala, malayo 'to sa bituka," dagdag ko. "Mabuti pa magpahinga muna tayo," sambit ni Bjorn. Sinang-ayunan namin iyon at naghanap ng pahingahan. Mabuti na lang at may dala akong extra band aid sa bag ko at agad ko ring nilagay iyon sa sugat ko. Hindi naman kalakihan ang sugat ko. "Ano, okay ka na?" Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Shaun sa harap ko. Napalingon ako sa paligid at napansin kong busy ang mga kasama namin sa ginagawa nila. "Oo, okay lang ako," sagot ko. "Ayan kasi hindi nag-iingat," komento niya. "May humablot naman kasi sa akin kaya ako nadapa. Hmp!" Napanguso na lang ako. Kumain ulit kami at tumambay muna roon. Sabi ni Aixiel na may fireworks raw mamaya kaya na-excite ako lalo. Napansin kong dumidilim na at pasado alas sais na pala ng gabi. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Hindi nagtagal ay biglang tumunog ang cellphone ko at napukaw ang atensyon nila roon. Agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag. Tumatawag sa akin si Aling Beth. "Hello po?" "Akki, pinapauwi ka na ng Mama mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD