"Ang tagal ka naming hindi nakita a. Kumusta ka na?"
Kinusmusta nila agad ako pagkaupo ko pa lang sa upuan. Sampu kaming nasa hapag at ako lang ang nag-iisang babae sa aming lahat. Pinaggigitnaan ako nina Quirro, Kairen, at Dendrick. Nasa harapan ko naman sina Eli, Aixiel, Callen, at Louie. Nasa magkabilang dulo naman sina Bjorn at ang may-ari ng bahay na inuukupa namin.
"Ayos lang ako. Kayo ba? Mukhang busy kayo nitong nakaraan a? Si Aixiel lang kasi ang palagi kong nakikita sa school." Binigyan ko ng isang mapang-asar na tingin si Aixiel na nasa harapan ko lang. Bigla niyang iniwas ang tingin sa akin kaya mahina akong natawa.
Shaun made a fake cough kaya nalipat sa kaniya ang atensyon ko. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain ng beef steak na dala ko.
"May nakalimutan ka ata?" makahulugang tanong sa akin ni Bjorn. I gave him a questioning look. Ano ba ang nakalimutan ko? Ngumuso siya at tumapat iyon kay Shaun na tahimik lang na kumakain sa harap niya.
Wait, don't tell me na si Shaun ang tinutukoy niya? Dapat ko pa ba siyang isama? And hello? Magkapitbahay lang naman kami kaya malamang palagi ko siyang nakikita!
Lahat sila ay nakatingin na sa akin at parang naghihintay sa sagot ko. Anong isasagot ko?
"Aside from Shaun, ofcourse." I made a fake laugh. What a lame answer! Ugh whatever!
Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain ng beef steak habang nakabusangot ang mukha.
"Akki, balita ko nagsisimula na kayo sa thesis niyo? May title ka na ba?" Napaangat ako ng tingin nang tinanong ako ni Aixiel.
"Bakit alam mo?"
"Hindi ba't sinabi mo sa akin kanina na nagthe-thesis na kayo?"
Natigilan ako saglit. Oo nga pala, nagkita pala kami kanina sa school.
"Nagkita kayo?" tanong ni Eli sa katabi niya.
"Hindi ko pa pala nasabi sa inyo?" gulat na tanong ni Aixiel sa mga kasama namin. Sabay-sabay silang umiling maliban lang kay Shaun na tahimik lang na nagmamasid sa amin. "Oo, nagkita kami sa school library nila."
"Kaya madalas ang pagkikita namin dahil madalas ko siyang nakikita sa school," pagsisingit ko.
"Mabalik tayo sa tanong ko, may title ka na?" tanong ulit ni Aixiel sa akin.
"Oo kaso kaunti pa lang ang nauumpisahan ko."
"Maybe I can help?" Lumipat ang tingin ko kay Bjorn.
"Hindi sa pagmamayabang," pagsasabat ni Kairen. Napatingin na rin ako sa kaniya. "Magaling si Bjorn sa thesis. Siya na nga halos gumagawa ng thesis namin noon e."
"Talaga?" namamanghang tanong ko sa kaniya. Nakangiting tumango si Bjorn.
"Kapag kailangan mo ng tulong, huwag kang mag-hesitate na lumapit sa akin. I'll help you."
"Kahit tulong pinansyal pa 'yan, kaya ka niyang tulungan."
Napuno ng tawanan ang buong silid sa ginawang pagsingit ni Quirro. As usual, hindi nakitawa si Shaun. Tahimik lang ito at parang may sariling mundo.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit palaging tahimik si Shaun. Isang malaking himala na lang talaga kapag kinausap ka niya.
Nang matapos kaming kumain ay nagyaya silang mag-movie marathon sa sala. Tiningnan ko ang oras at hindi pa naman masyadong lumalalim ang gabi kaya naman sumama ako sa kanila.
"Ano ba ang panonoorin natin?" tanong ni Kairen.
"Ano ba ang gusto niyo? Romance? Horror o comedy?" tanong naman ni Bjorn sa kanila.
Nanatili lang akong tahimik habang pinagmamasdan sila. Kung ako ang tatanungin ay kahit anong movie ang gusto kong panoorin dahil hindi naman ako mapili. Napanood ko na rin naman 'yong mga gusto nilang panoorin.
"Masyadong cheesy ang romance. Baka mainggit lang kami sa bida," sambit ni Aixiel.
"Palibhasa walang lovelife," sabi ni Dendrick.
"Ikaw rin naman! Pare-parehas lang tayo rito ano!" bulalas ni Aixiel. Natawa na lamang ako.
Dumako ang paningin ko kay Shaun na ngayon ay nakikipag-usap kay Eli. Ngayon ko lang siya nakitang nakikipag-usap sa iba at napapansin kong mas close si Shaun kay Eli. Parang hindi na kaibigan ang turing niya kay Eli at mas higit pa roon.
"Mas close talaga sina Shaun at Eli 'no?" tanong ko kay Quirro na nasa tabi ko ngayon.
"Oo, magpinsan kasi sila," sagot niya. Bahagya akong nagulat dahil sa nalaman. Magpinsan sila? How come? "Parang gulat na gulat ka pa," natatawang dagdag niya.
"Hindi kasi ako makapaniwala," I shrugged. Ngumiti lang sa akin si Quirron at saka binalik ang atensyon sa pinapanood.
Napagdesisyunan nilang manood na lang ng comedy movie. Napanood ko na ang movie na ito at masasabi kong nakakatawa talaga siya. Habang kagat-kagat ko ang tortilla chips ay napansin kong tinitingnan ako ni Shaun kaya naman binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at bahagyang kinawayan. Aalokin ko sana siya ng chips kaso bigla niya ring iniwas ang tingin niya at nanood na lamang.
"Suplado talaga nito," mahinang bulong ko.
Pinagpatuloy namin ang panonood ng movie at tutok na tutok talaga sila sa pinapanood. Paminsan-minsan silang tumatawa kapag may nakakatawa na scene at nahahawa naman ako. Hindi mahirap pakisamahan ang mga ito dahil sumasabay talaga sila.
Nang matapos ang movie ay saka sila nagsiligpitan ng mga gamit. Tutulungan ko na sana sila kaso pinagbawalan ako kasi kaya naman daw nila kaya hinayaan ko na lang sila. Napatingin ako sa wall clock at pasado alas diyes na ng gabi. Hindi ko man lang namalayan ang paglipas ng oras.
Lumapit ako sa kanila at tumikhim para kunin ang atensyon nila.
"Ano 'yon, Akki?" tanong ni Kairen. Inaabangan nila ang sasabihin ko.
"Uuwi na ako. Lumalalim na kasi ang gabi," pagpapaalam ko.
"Ay oo nga. Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" pag-aalok ni Eli.
"Huwag na 'no! Kaya ko naman," pagtanggi ko. "Mauna na ako."
"Bye, Akki!" bati nila. Ngumiti ako sa kanila at kumaway, sinyales ng pagpapaalam.
Pagkauwi ko ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Wala lang, ang saya ko lang ngayon.
Nang nasa kwarto na ako ay biglang dumako ang mga mata ko sa cellphone ko. Bigla kong naalala si Humphrey. Nagchat kaya iyon?
Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang messenger app. Hindi nga ako nagkakamali dahil nagchat pala siya kanina!
Humphrey:
Have you eaten?
"Oh s**t!" mahinang bulalas ko. Agad akong nagtype ng irereply ko sa kaniya.
Akki:
Yes, kanina lang. Ikaw?
Sorry late reply hehe
Pagkasend ko no'n ay saka naman siya nag-online.
Humphrey:
Tapos na rin. I was with my friends earlier.
And it's okay, it's not your obligation to reply though
Akki:
I feel sorry tuloy
Humphrey:
Bakit naman?
Akki:
Kasi nga late akong nagreply sayo
Anyways, you were with your friends earlier right?
Ako rin! Remember nung last chat ko sayo kanina? Na may ihahatid lang akong ulam sa kapitbahay naming pinaglihi sa yelo?
Humphrey:
Uhm, yes
Akki:
Ayon yun! Hindi ko alam na bibisita pala yung mga kaibigan niya, technically kaibigan ko na rin, kaya inaya nila akong magdinner doon
Humphrey:
That's good to hear.
Akki:
Sinabi mo pa! Nanood pa kami ng movie nila Dendrick after namin kumain
Humphrey:
So lalaki ang mga kaibigan mo?
Akki:
Oo
Actually, siyam sila
Humphrey:
Naks binayaan ka ng maraming kaibigan
Akki:
Totoo yan
Hindi ko naman aakalain na bibiyaan ako ng ganito karaming kaibigan
And aside from them, may kaibigan din ako sa school
Humphrey:
You seems to be friendly
Akki:
Hindi naman pero parang ganon na nga
Humphrey:
But you should be careful lalo na't mga lalaki ang mga kaibigan mo
Akki:
Ay grabe ka sa kanila
Mababait naman sila tsaka harmless din sila no
Humphrey:
I was just saying
Akki:
Oo na
Pero mababait talaga sila
Marami pa kaming napag-usapan kaya humaba pa ang pag-uusap namin. Inabot na kami ng alas dose sa pag-uusap. Kung hindi pa ako nagpaalam na matutulog na, baka hindi pa hihinto ang pag-uusap namin.
Mabilis lumipas ang mga araw at sa loob ng mga araw na iyon ay nagsisimula na rin akong maging abala sa school works ko lalo na sa ginagawa kong thesis paper.
Magkasama kami ni Mika sa cafeteria dahil breaktime namin. Kakatapos lang ng aming long quiz kanina sa isang major subject. Nang matapos na kaming umorder ay agad kaming nakahanap ng table.
Nitong mga nakaraang araw din ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang pagka-curious ko sa lalaking palaging kong nakakachat ngayon, si Humphrey. Sino ba talaga siya?
"Hey," pagtawag pansin ko kay Mika na kasalukuyang ngumunguya ng kanin.
"Bakit?" tanong niya.
"May kilala ka bang Humphrey dito sa school?" tanong ko.
Mukhang nag-iisip pa siya dahil natagalan siya bago makasagot sa akin. "Sa pagkakaalam ko, wala naman. Bakit?
"I was just curious kasi," pambibitin ko.
"Curious about what? Ikaw ha 'wag mo 'kong binibitin."
"There's this guy kasi na nakakachat ko lately. His name is Humphrey and nagsimula lang 'yung pagchachat namin last last week. He's a nice guy. I tried to stalk his account but I saw nothing. Ni pictures at friends ay wala at parang kagagawa lang ng account niya. So I was just curious about his identity, that's all," pagkwento ko.
"Hmm." Humalukipkip siya at tinitigan ako. "Baka stalker mo?" dagdag niya.
"Kilabutan ka nga riyan! He's a nice guy kaya at saka harmless naman siya so I don't think he's my stalker," pangatwiran ko. "And look." Pinakita ko sa kaniya 'yong conversations namin ni Humphrey simula umpisa hanggang sa last chat namin kagabi. After niyang mabasa ang convo ay tiningnan ko siya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"Tama ka nga, harmless naman siya. I didn't see any wrong intentions but hindi natin masasabi na baka in real life masamang tao pala 'tong kachat mo."
"You're right. Curious lang talaga ako sa identity niya. Kung tatanungin ko naman na kung sino siya 'di ba parang rude naman 'yon? Matagal na kayong nagchachat at saka mo pa lang tatanungin kung sino siya? At saka naka-indicate naman na Humphrey ang pangalan niya pero may kulang lang talaga. Sinong Humphrey, gano'n," mahabang sambit ko.
"Let me ask you, natanong mo na ba kung paano ka niya nakilala?" she asked that made me stop for a second. "See? Hindi ka makasagot kasi hindi mo pa 'yan natatanong sa kaniya," dagdag niya.
"I'll try to ask him later."
"You should, baka 'yan na 'yung makakapagbigay sa 'yo ng clue tungkol sa identity niya."
"Thank you, Mika," pagpapasalamat ko.
She gave me a smile, "Anything for you, Akki. Balitaan mo 'ko kapag may sagot na ah?"
"Sure." I smiled back.
Dinaluhan ko ang natitirang mga klase namin at mabilis naman iyon natapos. At dahil friday ngayon, half day lang ang klase namin. Mabilis na nagpaalam sa akin si Mika dahil pupunta daw sila ng mom niya sa mall to buy some stuffs. Naiinggit tuloy ako dahil nakakasama niya ang mom niya.
I'm on my way to the school gate para pumara ng taxi. Hindi ko na nasabihan si kuya Alex na sunduin ako rito dahil nakalimutan kong sabihin sa kaniya kanina. Kapag kasi sinabi ko ngayong pauwi na ako baka matagalan pa ang pagdating niya dahil malayo-layo rin ang subdivision namin sa university. Hindi rin naman ako mahihirapang magcommute.
Nang makarating ako sa school gate ay naghanap na ako ng taxi'ng masasakyan pauwi. Hindi pa man ako nakakahanap ng taxi ay may huminto na malaking punting van sa harap ko mismo. Bahagya pa akong nagulat dahil bigla-bigla na lang may pumarada na van sa harap ko. Bigla akong kinutuban at aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pintuan ng van at iniluwa iyon ng pagmumukha ni Eli at Kairen.
"Akki!" sambit nila sa pangalan ko.
Biglang lumiwanag ang mukha ko nang makita sila. Tiningnan ko ang loob ng van at nakita ko silang lahat, ang siyam kong kaibigan. Napangiti ako.
"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa dalawa.
"Aayain ka sana naming pumunta sa amusement park," pag-aaya ni Eli.
"Wala ka na bang klase ngayon?" tanong naman ni Kairen.
"Wala na, half day lang kami ngayon eh," sagot ko.
"Good! Sama ka na sa amin!"
Nag-alinlangan akong sumagot sa kanila. Baka kasi hindi ako payagan nila Aling Beth kapag sumama ako. Baka isumbong pa nila ako sa parents ko.
"Don't worry, nagpaalam na kami sa inyo at pumayag silang sumama ka sa amin," nakangiting sambit ni Eli sa akin.
Mas lalong lumaki ang ngiti ko.
"Tara na!"