Chapter 10: Dinner

1723 Words
Dinner Humphrey: Good morning. Getting ready for school, huh? Akki: Good morning! Paano mo nalaman na nag-aaral ako ha? Stalker kita 'no? Humphrey: Nakita ko lang ang mga pictures mo sa newsfeed ko. Akki: Edi stalker nga kita. Huli ka pero di ka kulong Aminin na kasi. Hindi naman ako magagalit Humphrey: Psh! Akki: Ay gagalet siya? Opo, naghahanda na po ako para pumasok Nagchat ka pa kasi ayan tuloy Humphrey: Oh, sorry. I didn't mean to. Ingat. Akki: Ito naman di na mabiro Nagbibiro lang ako oy! "Hindi na nagreply?" Tanong ko sa sarili. "Bahala siya d'yan." Muntik na akong na-late sa unang klase ko. Hindi sa kasalanan ni Humphrey a. Kasalanan ni EDSA! Traffic ba naman kasi kaya ayan tuloy muntik na akong na-late. "Buti naman at nakarating ka. Alam mo naman kung gaano kahigpit itong prof natin pagdating sa mga late," pambubungad sa akin ni Mika nang makaupo na ako. "Traffic kasi e." "Sinabi mo pa." Nang dumating ang prof namin ay agad na nagsimula ang klase namin. Oral recitations, discussions, quizes, on the spot reporting at iba pa. Sobrang babad kami sa klase dahil nagsimula na ang thesis namin. Kailangan naming mag-double time para matapos ang lahat. Alam niyo na, graduating student. "Uy, lunch muna tayo." Pag-aayaya ni Mika sa akin. "Tapusin ko lang muna 'to. Susunod ako sa 'yo." Kasalukuyan akong nagsusulat sa notes ko. I need to finish this bago pa mahuli ang lahat. Alam niyo naman ang pagka-grade-concious ko at ng parents ko. You have to take the responsibility as a student kasi may pamilyang nag-eexpect sa 'yo. Mahirap nung una pero nasasanay rin naman ako. Para rin naman 'to sa future ko kaya lubos-lubusin ko na. "Sige. Basta susunod ka a?" paninigurado ni Mika. I laughed, "Oo, susunod ako." Nang matapos ako ay tinupad ko ang pangako ko kay Mika. Hinanap ko siya sa buong cafeteria at nang makita ko siya ay nilapitan ko na siya kaagad. Hindi na rin gaano karami ang estudyante rito dahil lagpas lunch time na at ang iba ay nasa kanya-kanya na nilang klase. Buti na lang at may dalawang oras pa kaming break. "What you took so long?" "Kinopya ko lahat e," sagot ko. "Iba ka rin ano?" Natatawang sambit niya. "Ako na oorder ng pagkain mo. Ano ba sa 'yo?" Sinabi ko sa kaniya ang order ko at umalis na siya para bilhin iyon. After naming kumain ay nag-aya akong pumunta sa library. Agad namang pumayag si Mika. May hihiramin kasi akong libro para makahanap ako ng resources sa thesis ko. Gano'n rin ang gagawin ni Mika ngayon kaya sumama siya sa akin. Magkaibang daan ang tinahak namin nang makarating kami sa library. Nakakalimang libro na ako nang may biglang tumawag sa akin. "Akki?" Agad akong lumingon pakaliwa para hanapin ang may-ari ng boses na iyon at nakita ko si Aixiel na papalapit sa akin. Nakasuot ito ng puting long sleeves at tinernuhan ng brown slacks. Prente itong naglalakad papalapit sa akin habang nakasilid ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng slacks nito. Simple lang pero ang lakas ng dating. "Oh Aixiel," bati ko. "Napapadalas ka na rito a? May binibisita ka ba rito?" Pabirong tanong ko. Alam kong may sadya talaga siya rito hindi niya lang masabi. "Binisita ko lang ulit si tita at inutusan pa ako rito sa library. Hindi ko alam na magkikita ulit tayo rito. How are you?" "I'm fine." "Ano 'yang hawak mo? Napakarami naman n'yan," sambit niya nang dumako ang mga mata niya sa mga hawak ko. Tinawanan ko siya, "Libro para sa thesis ko. Alam mo na, graduating student." "Hindi maganda ang nakaraan ko sa thesis na 'yan." "Kwen—" Pinutol niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay niya. "'Wag mo nang tanungin ang buong kwento. Nai-stress lang ako," walang emosyong sambit niya. Natawa na lang ako. "Nga pala, magdi-dinner kami mamayang gabi sa bahay ni Shaun. Mabuti na lang at nakita kita rito. Ano, sama ka?" "Susubukan ko," sagot ko. Hindi kasi ako sure kung makakasama ako sa kanila mamaya kasi aasikasuhin ko pa itong thesis ko kaya iyon na lang ang naisagot ko sa kaniya. Tsaka baka makakaistorbo lang ako sa dinner nila. "Sino 'yang kausap mo, Akki?" Napalingon naman ako kay Mika na kakarating lang mula sa kung saan. "Si—" Kusang huminto ang mga labi ko nang makita ko ang reaksyon ni Mika sa kaharap niya ngayon. Bahagyang nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin kay Aixiel. Anong problema nito? "M-Magkakilala kayo?" sambit niya sabay dahan-dahang tinuro si Aixiel. "Oo, magkaibigan kami. Bakit?" "Ha!" Mapakla siyang natawa. "Hindi ko alam na may kaibigan ka palang pakialamero, Akki." Huh? Anong sinasabi nito? "Excuse me, tinulungan ka lang namin noon," sabat ni Aixiel. "Aba sumasabat ka pa a. Pareho kayong pakialamero ng kaibigan mo!" Kaibigan? Ako ba ang tinutukoy niya? "Keep quite!" Natigilan kaming lahat nang biglang sumigaw ang librarian. "Teka lang ha. Nalilito ako sa inyong dalawa e. Anong pinagsasabi ninyo? Hindi ko maka-relate e," sabat ko. "Akki, that was just a misunderstanding." Aixiel answered. "Misunderstanding mo mukha mo," naiiritang sambit ni Mika sabay irap. "Magkakilala kayo?" Tanong ko. "Hindi!" Sabay na sagot nila. Nagkatinginan sila at mabilis ring naglihis ng tingin. "Akki, alis muna ako. Maghahanap lang ako table natin. Tsaka ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking 'yan dito." Paalam niya bago siya umalis habang dala-dala ang mabibigat na libro. Tatanungin ko pa sana siya e, bigla ba namang umalis. "I'm sorry for what you have witnessed. Trust me, it was just a misunderstanding," Aixiel spoke when Mika left. "Naku, okay lang. Wala naman akong naintindihan sa mga sinasabi niyo." Natatawang sambit ko. Natawa rin siya. "Ako na magbubuhat nito. Mabibigat iyang mga dala mo e," presinta niya. "Okay lang. Kaya ko naman e." "Okay. Basta kita tayo mamaya a?" "Sige. Una na ako. Ingat ka!" Paalam ko at nang matapos niya akong bigyan ng isang ngiti ay naglakad na siya palayo. Mabilis lumipas ang oras at kakauwi ko lang sa bahay galing sa school. As usual, napaka-busy ang buong araw ko kaya parang bibigay na ang katawan ko sa pagod. Agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis. While doing my skin care routine, my phone suddenly beep. Pagtingin ko ay nakita kong may chat si Humphrey sa akin. Sandali kong itinigil ang ginagawa at binasa ang chat niya. Humphrey: Hi! Akki: Hello! Humphrey: Sorry pala sa ginawa ko kaninang umaga. Naistorbo tuloy kita. Akki: Ano ka! Parang sira to! Nagbibiro lang ako kanina hahaha Humphrey: Does my apology is accepted? Akki: Apology accepted ka dyan? Nagbibiro nga lang ako Kulit nito Humphrey: Hahaha okay How's school, by the way? Akki: Ayon sobrang busy Ang daming pinapagawa samin jusko Humphrey: Parte na 'yan ng pagiging estudyante hahaha Akki: Sinabi mo pa "Akki, maghahapunan na tayo." Nalipat ang tingin ko kay Aling Beth na nasa may pintuan ng kwarto ko. "Tsaka ibigay mo na rin 'yong pagkain kay Shaun sa bahay nila," dagdag niya. "Sige po." Pagkatapos nun ay sinara na niya ang pinto at saka umalis. Akki: Magdi-dinner muna ako Maghahatid rin ako ng pagkain dun sa kapitbahay naming pinaglihi ata sa yelo sa sobrang lamig Humphrey: Hahaha go ahead. Akki: Brb. "Ano pong ulam natin?" Tanong ko nang makarating ako sa kusina. "Beef steak," ani ng isa naming kasambahay. Bigla tuloy akong natakam sa pagkain na nakahain sa mesa. Amoy pa lang ay alam mong masarap na. Ginutom tuloy ako. "Hatid mo muna ito kay Shaun." Inabot na sa akin ni Aling Beth ang pagkain. "Balik ka agad bago pa maubos ang ulam," pabiro niyang dagdag. Natawa na lang ako. Kakalabas ko lang ng gate nang bigla akong natigilan sa paglalakad. May nakita kasi akong anim na kotse ang nakaparada sa harap ng bahay ni Shaun. Bakit may mga kotse sa harap ng bahay niya? "Oh s**t!" bulalas ko. Ngayon ko lang naalala na may magaganap palang dinner sa loob ng bahay ni Shaun kasama ang mga kaibigan niya. Anong gagawin ko ngayon? Napahigpit ang hawak ko sa pinaglagyan ng ulam at nanatiling nakatayo sa daan. Itutuloy ko ba? Baka makakaistorbo lang ako sa kanila. Ayoko namang sirain ang bonding ng magkakaibigan. Matagal rin silang hindi nagkita. Huhuhu paano na 'to? "Oh bakit nakatayo ka pa rin d'yan?" Muntik na akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang boses ni Kuya Alex. "Baka lumamig ang pagkain, ihatid mo na," dagdag niya. E kung si Kuya Alex na lang kaya ang maghatid nito sa bahay ni Shaun? Magsasalita na sana ako nang makita ko siyang sumakay ng kotse at maingat na pinasok ito sa garahe namin. Bumagsak ang mga balikat ko. Wala na akong choice kundi ihatid 'to. "Bahala na nga," sambit ko. Nang makarating ako sa gate nila ay hinanda ko na ang sarili ko. Nakailang buntong-hininga na rin ko. Ihatid mo lang 'to at uuwi ka na agad. Tapos. Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa malaking pintuan. Kumatok ako ng isang beses pero walang nagbubukas ng pinto. Sa pangalawang beses na katok ko ay may sumigaw mula sa loob ng bahay. "Parating na!" Boses ni Quirro ang narinig ko. Nang binuksan niya ang pinto ay nagulat siya. Binigyan ko siya ng ngiti. "Hi!" bati ko. "Akki!" masayang sigaw niya. Nacu-cute-an talaga ako sa kaniya. Hindi halata na siya ang pinakamatanda sa kanilang siyam. Parang hindi tumatanda sa pagiging baby face nito. "May dala akong beef steak para sa inyo," sambit ko. "Halika, pasok ka." Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ako sa loob. Sinamahan niya ako patungo sa dining room at naririnig ko na ang mga boses nila. "Sino 'yong kumatok, Qui— Akki!" sambit ni Bjorn nang makita ako. Kompleto silang siyam. Kumaway ang ilan sa akin at ginantihan ko naman sila ng ngiti. Nakita ko rin na nagluluto si Dendrick sa kusina. "May dala siyang beef steak para sa atin," anunsiyo ni Quirro. "Akki, come on join us," pag-aalok ni Kairen sa akin. I guess, wala na akong choice. Well, hindi ko naman sila naiistorbo hindi ba? Masaya rin naman silang kasama kaya ayos lang. Tsaka sila na 'yong nag-alok na sumama ako sa kanila. "Sure." — End of Chapter 10 —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD