Chapter 9: Unang Chat

1510 Words
Unang Chat "Hindi ko alam na may tao pa lang gano'n. Pambihira, anong klaseng nilalang 'yon?" Habang naglalakad ako pauwi sa bahay ay hindi ko mapigilang hindi magsalita nang mag-isa. "Pinagsarhan pa ako ng pinto. Ha!" Mapait akong natawa. Nang makapasok ako sa bahay ay agad na akong dumiretso sa kusina para kumain. Padabog akong umupo sa upuan at nilantakan ang mga pagkain sa mesa. "Oh anong nangyari at bakit busangot iyang mukha mo?" usisa ni Aling Beth. I looked at her, "E kasi naiinis ako sa kapitbahay natin." "At bakit naman?" Pati rin sina Kuya Alex ay nakiusisa na rin. "Siya na nga itong binigyan ng pagkain, siya pa ang may ganang pagsarhan ako ng pinto." "Malamang siya ang may-ari ng bahay kaya nagawa niya 'yon," ani Kuya Alex. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hay, manahimik ka nga, Alex. Iniinis mo 'yong bata," sita sa kaniya ni Aling Beth. "Hindi kasi gano'n 'yon e. Alam niyo 'yung feeling na nagmamagandang loob ka nga sa tao, iba pa 'yung sinukli niya sa 'yo," giit ko. "Nagpasalamat naman siya sa 'yo?" "Oo pero nakakainis pa rin siya." Nagkibit-balikat na lamang ako. "Hayaan mo na, Akki. Hindi lang siguro sanay iyong batang 'yon." Matapos naming mag-agahan ay sinamahan ko sina Kuya Alex at Aling Beth na mag-grocery. Wala akong magawa sa bahay kaya sumama na lang ako. At least may maitutulong ako. While we were picking some veggies, may nahagip ang aking mga mata. He seemed so familiar. Namimili rin siya ng mga gulay at nakatalikod ito sa akin. Mula sa height at pananamit ay pamilyar ito sa akin. I think I've seen him before. "Akki, kumuha ka nga ng patatas." Nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Aling Beth. "Huh?" "Kumuha ka ng patatas tapos ilagay mo na lang sa cart." After kong nilagay ang patatas sa cart ay bumalik ang tingin ko sa pwesto ng lalaki kanina pero wala na ito. Naglaho siya. Sino kaya 'yon? Dala ng curiousity ay hinanap ko ang lalaking iyon. "Akki, saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Alex nang makita niya akong papaalis. "May pupuntahan lang po ako sandali. Babalik din po ako agad." Todo linga ako sa paligid at nang makita ko na 'yong lalaki ay sinundan ko siya. Dahan-dahan akong naglakad at maigi siyang sinundan. Nagmumukha na akong stalker dito. Nakarating ako sa junk foods area at kaming dalawa lang ang tao doon. I stopped from walking. Hindi tama ito. Siguro nagkamali lang ako ng tingin. Tatalikod na sana ako para bumalik doon kina Aling Beth pero nagsalita ang lalaki. "Sino ka at bakit mo 'ko sinusundan?" Pati boses niya ay pamilyar sa akin. Hindi ko lang makilala kung sino. Magsasalita na sana ako nang lumingon ito sa akin. Pareho kaming nagulat nang makita namin ang isa't-isa. "Bjorn?" "Ikaw lang pala, Akki. Akala ko kung sino." Natatawang sambit niya. Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya ako. "Sorry. Pamilyar ka kasi kaya sinundan kita. Dala na rin curiousity, you know?" I smiled awkwardly. "No, it's okay. You don't have to say sorry." Nag-usap kami at nabanggit niya rin sa akin na kaya siya nandito kasi namimili siya para sa dinner nila. Hindi ko alam kung anong klaseng dinner iyon at minabuti kong hindi na magtanong. Baka sabihing pakialamera ako. Joke lang! "Kumusta ka na? Matagal na kitang hindi nakikita a?" I asked. "Busy lang sa trabaho," he smiled. "I see." I nodded. "Kumusta pala si Shaun?" "Si Shaun ba kamo?" He nodded. "As usual, gano'n pa rin. Hindi pa rin nagbabago. Ewan ko ba sa kaniya. Ang hirap espelingin." He just laughed. Anong nakakatawa sa sinabi ko? I'm just stating the fact for Pete's sake! "Bakit ka natatawa?" Tinanong ko siya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya. "Inaasahan ko na ang sasabihin mo." Natatawang sambit niya. "Well, Shaun is being Shaun. Tsaka naikwento niya sa akin na hindi pa siya sanay sa bagong environment. Siguro sa mga susunod na araw magiging normal na 'yon." "Sana nga. Ang hirap niyang pakisamahan a!" We stayed for a couple of minutes. We talked about other stuffs. Hanggang sa naalala kong iniwan ko nga pala sina Aling Beth. Kailangan ko nang bumalik dahil baka hinahanap na nila ako. "Bjorn, I need to go." "I see. Uhm, gusto mo ihatid na kita?" "Oh, no need na. May kasama naman ako e. Thank you sa time," sambit ko. "Thank you rin," he smiled. "Uhm, pakikumusta mo na lang ako kay Shaun," habol niya. "Sure! Bye!" I waved at him and we parted ways. Agad kong nakita sina Aling Beth sa counter at binabayaran ang mga pinimili namin. "Oh, saan ka naman nanggaling?" pambubungad niya sa akin nang makarating ako sa pwesto niya. "D'yan lang po, may kinausap lang." "Osiya, tulungan niyo na lang akong magbuhat nito," sambit niya sa amin ni Kuya Alex. Nang makarating kami sa parking lot ay nakita ko pa si Bjorn doon at sa huling pagkakataon ay kinawayan ko siya. Gumanti rin naman siya at may kasama pang ngiti. Habang nilalabas namin ang mga pinamili namin mula sa kotse ay nakita ko si Shaun na palabas ng bahay nila. Nakasuot ito ng itim na hoodie jacket at maong pants. Mukhang hindi niya kami napansin dahil nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Baka magkikita sila ng mga kaibigan niya sa labas. Hindi ko na lang 'yon pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. On the next day, maaga akong nagising para pumasok sa school. I just finished my daily routine at handa nang pumasok. The whole morning class was so busy. Nagsimula na rin kami sa aming thesis na mas lalong nagpa-busy sa akin. Nasa library kami ni Mika at kasalukuyan kaming nagre-review para sa quiz namin mamayang hapon. Kakatapos lang namin kumain ng lunch kanina sa cafeteria at agad nang dumiretso sa library para mag-review. Habang nagbabasa ako ay biglang umilaw ang cellphone ko. Isang notification galing sa Messenger. Nakatanggap ako ng chat mula sa nagngangalang Humphrey. Pinindot ko iyon at saka binasa. Humphrey: Hi! Matagal kong tinitigan ang cellphone ko. Isang simpleng pagbati lang naman ito pero iba ang pakiramdam ko sa taong 'to. Hindi ko sana papansinin ang mensahe niya kasi magre-review pa ako pero may naisip ako. Pagtripan ko kaya 'to? Hindi sa pagmamayabang pero may mga natatanggap din akong chat mula sa iba't-ibang tao. Mostly ay mga schoolmates ko lang. Hindi ko lang ito pinapansin dahil hindi naman ako interesado pero ngayon lang ako naging interesado sa taong 'to. Ewan, gusto ko lang talagang pagtripan 'to. Ngumisi ako ng nakakaloko saka nag-type ng irereply ko sa kaniya. Akki: Hello, babe! Miss me? Hindi mawala-wala ang ngisi ko nang maisend ko sa kaniya ang mensahang iyon. "Anong ningiti-ngiti mo d'yan? May dumi ba ako sa mukha?" Biglang tanong ni Mika sa akin nang lumingon siya akin. "Wala," I answered. Naghintay ako ng ilang minuto at inaabangan ang reply niya pero wala naman akong natanggap mula sa kaniya. Gano'n na lang ba 'yon? Inis kong nilapag ang cellphone ko at tinuloy na lang ang pagre-review. Nakakainis siya. Mabilis lumipas ang oras at nag-uwian na. On our way to our house, muli kong tinignan ang inbox ko at may reply si Humphrey. Teka lalaki ba 'to? Humphrey: Nice endearment huh? Biglang sumigla ang diwa ko at pangiti-ngiting nireplyan siya. Kumagat din pala. Akki: Do you like it? Btw, I like your name. Mga isang minuto siguro nang makatanggap ulit ako ng reply mula sa kaniya. Nakakainis, ang bagal niyang magreply. Humphrey: Thank you. What are you doin'? Akki: Iniisip ka. Yieee kikiligin na yan! Humphrey: Hahaha you're funny. Akki: Magte-thank you na ba ako? Infairness napakalinis niyang mag-reply. Mula sa apostrophe hanggang sa period ay tama ang pagkakagamit. Akki: Ikaw? Anong ginagawa mo bukod sa iniisip ako? Humphrey: Nag-iisip kung anong irereply ko sa 'yo? Akki: Pag-iisipan pa ba yan? Kung ako sayo, kung anong gusto mong sabihin yon ang ireply mo. Wag mo lang akong hingian ng nudes kasi wala ako nun Humphrey: Why would I? Kapag ba may nagcha-chat sa 'yo ay hinihingian ka ng nudes? Akki: Hindi 'no! Tsaka minsan kasi may mga ganyang tao lalo na kapag bumbay Humphrey: Bumbay? Ano 'yon? Akki: Hindi mo alam yon? Humphrey: Hindi. Akki: Kawawa ka naman Ang bumbay tawag yan sa mga arabo. Like pang asar sa kanila ganon Humphrey: I see. And to make this things clear, hindi ako bumbay. Akki: Wala naman akong sinabing bumbay ka hahaha Hanggang sa sumapit ang gabi ay patuloy pa rin kaming nagcha-chat sa isa't-isa. Puro kalokohan ang mga binabato ko sa kaniya. Natanong ko rin sa kaniya kung lalaki ba siya at lalaki nga siya. Nakakatuwa lang kasi may nakakausap ako. Sinasabayan niya rin ang mga kalokohan ko. At kahit na hindi ko siya kilala ay parang kaibigan na ang turing ko sa kaniya. I found a new friend. Akki: Good night! Humphrey: Good night. — End of Chapter 9 —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD