Ulam
“Oh ang aga mo yata ngayon?”
“Magjo-jogging lang po.”
“Ano ka ba! Parang hindi ka na nasanay dyan sa batang iyan,” pangatwiran ni Kuya Alex. Natawa tuloy ako.
Sabado na naman at dahil sabado ngayon ay nagmamadali akong lumabas ng bahay para mag-jogging.
Sa mga nagdaang araw ay naging abala ako sa pag-aaral. Kailangan kong ma-meet ang expectations ng parents ko at siyempre ayoko silang ma-disappoint.
Sa mga nagdaang araw din ay palagi kong kinukulit ang kapitbahay namin. Ewan ko ba, natutuwa lang ako sa reaksiyon niya kapag binabati ko siya. Isipin niyo, sa tuwing bumabati ako sa kanya ay magsasalubong na agad ang mga kilay niya. Parang nagtatanong ‘yong kilay mga niya. At saka hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko siya binabati. E kasi naman, kahit simpleng "Hello" man lang parang wala siyang natatanggap. Maswerte nga siya e kasi nakakatanggap siya ng ganoon araw-araw. Ang choosy.
Isa lang ang napapansin ko. Simula noong nagkaroon ako ng mga kaibigan, nakapa-aktibo ko. Kung dati ay napakatahimik ko, ngayon iba na. Iba talaga ang nagagawa kapag may kaibigan ka.
Sa kalagitnaan ng pagtakbo ko ay nahagilap ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki. Si Shaun ba 'yon?
Binilisan ko ang aking takbo para maabutan 'yong lalaki. Nang maabutan ang lalaki ay si Shaun nga ang nakita ko. Nagjo-jogging siya at nakasuot ito ng earphones at parang walang pakialam sa paligid.
Mahina lang ang kanyang takbo at parang hindi niya napapansin na sumusunod ako sa kanya dahil diretso lang ang tingin nito sa daan.
"Hello, Neighbor!" bati ko.
Huminto siya sa pagtakbo at lumilinga sa paligid tila hinahanap ako pero agad din siyang tumakbo.
"Ang taray. Hindi man lang ako nilingon dito sa likod. Psh!" Padabog akong tumakbo para masundan ulit siya.
"Ang bilis naman niyang tumakbo! Wala ba siyang balak na huminto? Nakakaloka!"
Nakahinga lang ako ng maluwag nang huminto siya sa playground at naupo roon sa bench kaya naman lumapit ako roon at tumabi sa kanya.
Mukhang nagulat pa siya sa presensya ko nang makaupo ako sa tabi niya. Parang first time niyang makakita ng tao a.
One seat apart lang distansya namin dahil baka isipin niya na sinasamantala ko 'yung pagkakataon para makalapit sa kanya. Hell no! At saka wala ng upuan dito alangan namang uupo ako sa damuhan ano?
"Uy, alam mo nagkita kami ni Aixiel sa school noong nakaraang araw," pagkukwento ko. Parang hindi siya interesado sa kwento ko kasi nakatingin lang siya sa paligid pero itutuloy ko pa rin ang kwento ko. Isang malaking sayang kapag hindi niya 'to sineryoso.
"Nakita ko siya sa Registrar's Office at nalaman kong tita niya pala 'yung Registrar namin. Ang astig 'di ba?" napalakpak ako ng isang beses at tumingin sa kanya. As usual, ganoon pa rin ang reaksiyon niya. "Bahala ka dyan," sinamaan ko siya ng tingin.
"Nagpunta kami sa cafeteria at alam mo 'yong mas nakaka-interesado? Parang bet ni Aixiel 'yong cheerleader ng school namin, si Sofia. Iyong mata ng lalaking 'yon hindi maalis-alis doon kay Sofia. Pero hindi ko naman ugaling makialam kaya hinayaan ko na lang siya. Buhay niya iyon, bakit makikialam pa ako hindi ba?"
"At alam mo ba—"
"Takpan mo nga 'yang suot mo. Nakakairita," putol niya at saka umalis sa playground.
"Anong problema niya sa suot ko?" tanong ko sa sarili at saka tinignan ang sarili. Nakasuot lang naman ako ng itim na brallete at itim na track pants. May mali ba rito?
Nauna siyang umuwi kesa sa akin. Nakukulitan ata siya. Kasalanan ko ba 'yon?
Nang mag-aagahan na kami ay susubo na sana ako ng kanin nang inutusan ako ni Aling Beth.
"Akki, pakibigay nga ito kay Shaun," sabay abot sa akin ng isang tupperware na naglalaman ng adobo. Naguguluhan man ay tinanggap ko iyon. Mainit pa siya at halatang kakaluto pa lang.
"Po? Bakit po?"
"Naaala ko kasi iyong kwento ng mga kaibigan niya na hindi marunong magluto itong kapitbahay natin kaya sinadya kong damihan itong luto ko para naman maibigay ito sa kanya at maiulam niya."
Literal akong napanganga sa sinabi niya. Nakakagulat at the same time nakakapanghina. Kaya pala palagi ko siyang nakikita na may dala-dalang supot kapag umuuwi siya sa bahay niya kasi bumibili pala siya ng ulam. Bakit ngayon ko lang napansin?
Kahit nagugutom na ako ay ginawa ko pa rin ang utos ni Aling Beth. Kawawa naman kung hindi siya makakakain.
Mabilis lang naman itong ibigay sa kanya kaya makakakain na rin ako pagkatapos nito.
Nang nasa tapat na ako ng gate nila ay agad na akong nagdoorbell. Nakailang doorbell na ako pero hindi pa rin siya lumalabas.
Wala ba siya sa loob? May nangyari kayang masama sa kanya?
Hindi na ako nagdoorbell at kusa na lang pumasok sa gate kasi nakabukas naman ito. Bakit kaya palaging nakabukas itong gate nila?
Kumatok ako sa kulay kape nitong pintuan at nakailang ulit na ako sa pagkatok pero wala pa ring Shaun na nagpakita sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kasi baka napaano na siya.
"Huling katok. Kapag ito hindi pa rin bumukas, sisirain ko na talaga itong pintuan niya. Bahala na siya kung magalit."
Kakatok na sana ulit ako nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang pagmumukha ni Shaun na kakatapos pa lang maligo.
"Hay salamat naman at binuksan mo na rin. Akala ko may nangyari nang masama sa'yo. Oh heto adobo, pinabibigay ni Aling Beth." Inabot ko sa kanya ang tupperware.
"May ulam na ako." Tinulak niya ito bahagya pabalik sa akin. Kumunot ang noo ko.
Paano nangyari 'yon e hindi nga siya marunong magluto? Huwag niyang sabihin na bumili na naman siya sa labas? Nagsasayang lang siya ng pera.
"Huwag ka nang mahiya, tanggapin mo na ito. Mainit-init pa oh." Pagpupumilit ko.
"May ulam na nga ako."
"Sige na! Nahihiya ka lang e."
"Ayoko nga. Salamat na lang."
Matibay talaga ang isang 'to. Bahala siya sa buhay niya.
"Sige, iuuwi ko na lang 'to. Ayaw mo e. Sayang. Bye, Neighbor!" Matapos kong magpaalam sa kanya ay tumalikod na ako at naghahanda nang umalis ng bahay pero hindi pa man ako nakaka-isang hakbang ay tinawag niya ako.
"Hey, wait a minute," sambit niya.
Lihim ako napangiti habang nakatalikod sa kanya. Bibigay rin naman pala e. Pinatagal pa.
"Bakit?" Maang-maangan na tanong ko.
"Kukunin ko na lang ito. Sayang naman ang niluto ni Aling Beth kung hindi kakainin. Salamat," malamig na sambit niya. Magpapasalamat na nga lang, wala pang emosyon. Kinuha niya mula sa kamay ko ang tupperware at saka ako ngumiti sa kanya. After that, he closed the door and left me dumbfounded.
Hindi naman malakas ang pagkakasarado niya ng pinto pero muntik na akong mapatalon sa gulat. Nagulat ako sa reaksiyon niya kanina. Akalain mo 'yon, nagawa niyang magpasalamat gamit ang malamig nitong boses at hindi man lang tinapunan ng emosyon. Nakakaloka!
Umalis na ako sa bahay nila at habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang hindi magsalita ng mag-isa.
"Ramdam ko 'yong pasasalamat niya. Grabe ramdam ko talaga! Psh!"
— End of Chapter 7 —