Hello, Neighbor!
5 am in the morning I woke up with a wide smile on my lips. Lunes na lunes pero sobrang aga pa para maging masaya. I did my morning rituals at lumabas na ng kwarto para mag-agahan.
I kept on smiling kahit na naglalakad lang ako. Nagmumukha na akong tanga sa ginagawa ko pero hindi ko mapigilang hindi ngumiti. I am happy. I really do.
"Mukhang masaya ang gising ng prinsesa namin ngayon a? May napanaginipan ka?" tanong sa akin ni kuya Alex nang dumating ako sa dining room.
"Wala naman po," I replied.
"Siguro may boyprend na itong prinsesa natin."
"What? Wala po!"
"E bakit ka nakangiti? Tinalo mo pa ang sikat ng araw sa sobrang tingkad ng ngiti mo."
"Bawal po ba maging masaya?" biro ko. Nagkibit-balikat na lamang sila.
"Hayaan na natin ang bata. Minsan lang 'yan naging masaya," ani Aling Rosa. And then it hit me. Tama si Aling Rosa, all throughout the years ngayon lang ako naging ganito. I've never been happy back then because of my parents. And I guess this is the right time to be more happier because of my newly found friends.
Masaya ako dahil sa wakas mayroon na akong kaibigan, aside from Mika of course. Ang hinihiling ko lang noon ay isa hanggang tatlong kaibigan pero ang binigay sa akin ay siyam. Hindi ako makapaniwala.
Habang naghihintay ako sa sundo ko ay lumabas ako ng bahay nang makita ko si Shaun. Pinuputol niya ang mga ligaw na dahon mula sa mga malalaki nilang halaman. Dahan-dahan akong lumapit sa gate nila sabay bati sa kanya.
"Hello, Neighbor!"
Nagulat si Shaun sa sigaw ko na naging dahilan kung bakit nabitawan niya ang hawak niyang garden scissor. Napalakas ata ang sigaw ko. Agad siyang napangiwi pagkatapos nun.
"Kumusta ang tulog ng new neighbor ko?" tanong ko.
"Maayos naman. Bakit mo naitanong?"
"Bawal bang magtanong?"
"Hindi naman."
Hah! Ang tipid niyang sumagot. Ganito na ba talaga siya sa simula't sapul?
"Anong ginagawa mo?" Isang malapad na ngiti ang ipinukol ko sa kanya. Samantalang siya ay isang malamig na tingin ang binigay sa akin. Cold.
"Hindi mo ba nakikita?" Ipinakita niya sa akin ang tambak na dahon sa gilid niya at nagkibit-balikat.
"Psh! Nevermind!" I hissed. "Kailan umuwi sina Eli?" tanong ko na lang.
"Nung sabado ng gabi."
"Bakit ang tipid mong sumagot ha?"
Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko kaya naitanong ko 'yon sa kanya. E kasi naman, ang tipid-tipid sumagot. Pero kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi pa rin mapapatanyan ang saya ko.
"Akki! Halika na!"
"Ito na po!" Tumakbo ako papalapit sa sasakyan pero bago pa man ako makasakay ay lumingon muna ako kay Shaun na kasakuluyang nakatingin sa akin.
"Bye, Neighbor!" I waved at him and then I gave him a wink. Nagulat siya sa ginawa ko at pati na rin ako. Bakit ko ba ginawa 'yon? Kakaway lang sana ako e pero bakit may kasama pang kindat? Oh my god, Akki! Nakakahiya ka!
Pati sa school ay nakangiti pa rin ako. I aced all of my short quizes and recitations. Active na active ako sa klase. I guess this is the reason why I am so active because I am happy.
"Iba ka na. Hindi ka ganyan dati e." komento ni Mika matapos kong sumagot sa isang recitation.
"I'm just happy." I smiled. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkagulat. "What?" natatawang tanong ko.
She gave me a wide smile, "I'm happy for you."
Ningitian ko na lang siya pagkatapos nun.
"Altomea."
I was called by my prof at sinabi niyang kailangan kong pumunta sa admin office para ibigay itong folder na hawak ko ngayon. Nang makarating ako doon ay ginawa ko na ang pakay ko.
"Send me a regards to your mom." ani ng admin. I nodded at saka na ako umalis.
Nang makalabas ako ay may nahagip na pamilyar na tao ang mga mata ko. Nakatalikod ito sa akin at naglalakad na ito palayo. Mukhang kakagaling niya lang sa registrar's office.
Mula sa tinding, pananamit, kulay ng buhok, at height nito ay alam ko na kung sino ito.
"Aixiel?"
The guy stopped from walking. It took seconds before he faced me. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makompirma kong siya nga ang taong tinawag ko.
"Akki?" He asked as if he was trying to confirm who is in his front right now. I nodded. "Totoo ba itong nakikita ko ngayon? Ikaw ba talaga 'yan?"
"Oo nga," I laughed.
"Bakit ka nandito?"
"Kasi dito ako nag-aaral?" patanong kong sagot. Hindi ko alam kung ang tinatanong niya ba ay kung bakit ako nandito sa school or what?
"Oh really?! Glad to hear that."
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi may trabaho na siya kaya imposibleng nag-aaral siya dito. Hindi kaya, dito siya nagtatrabaho?
"I just visit my aunt. She's the school registrar here."
"Oh I see."
"Wala ka bang class ngayon? Tambay muna tayo sa cafeteria."
Absent si prof ngayon kaya walang klase. Napagandang timing nga naman.
"Yeah, absent si prof e."
"Nice! Tara na!"
Pagkarating pa lang namin sa cafeteria ay pinagtitinginan na kami ng mga tao. Kami ba talaga o itong kasama ko? His presence is strong due to his charisma. A head turner guy.
"May gusto ka bang kainin? My treat," tanong niya nang makahanap na kami ng table.
"Iced tea will do."
"Are you sure? 'Wag kang mag-alala libre ko naman e."
"Yeah, hindi naman ako gutom."
"Okay. I'll order na a?" I gave him a nod.
Habang naglalakad siya ay nasa kanya lang ang mga mata ng karamihan dito. Sinong hindi mapapatingin sa kanya e ang lakas ng dating niya kahit naglalakad lang siya. Actually lahat ng mga kaibigan niya ay ang lalakas ng dating. Paano na lang kaya kung nasa iisang lugar sila katulad nito? Sigurado akong pagkakaguluhan sila ng mga babae. Hindi ko sila masisi. They are freaking handsome for Pete's sake!
"So wazzup?" he asked.
"I'm good. Ikaw?"
"Likewise hahaha!"
I sipped my iced tea while he was eating his burger. Tahimik lang siyang kumakain at ganoon rin ako. Medyo awkward ang atmosphere dito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para maging topic namin.
"Anong year mo na?" Napaangat ako ng tingin nang magsalita siya. Nakakaramdam na ata 'to ng awkwardness.
"4th year. Graduating na."
"Business course ang kinuha mo 'no?" I nod. "Sabi ko na nga ba e."
"Ikaw? Ang alam ko may trabaho ka na hindi ba?"
"Yep." Kumagat ulit siya sa kanyang burger habang may sinisilip sa likuran ko. Kanina pa siya ganyan. Kanina ko pa siya napapansin na may sinisilip siya sa likuran ko habang nag-uusap kami. Nung nag-oorder siya kanina ay palinga-linga siya sa paligid. Ano ba ang tinitignan nito?
"Anong tinitignan mo sa likuran ko?" I curiously asked.
"W-Wala."
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Sophia, ang cheerleader sa school namin.
"Si Sophia ba ang tinitignan mo?"
"S-Sophia?"
"Oo."
Napalingon sa amin si Sophia and I gave her a small smile. Tumango siya at saka naglakad na paalis sa cafeteria. Nakita ko kung paano sinundan ng tingin ni Aixiel ang nilalakaran ni Sophia. What was that?
"Ah hindi." He was lying. I can see through his eyes that he's lying. Hindi ko na siya kinulit pa at nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ng iced tea. 'Wag pakialaman ang buhay ng may buhay. That's the rule.
Hindi rin kami nagtagal doon dahil may klase pa ako sa susunod kong subject. We bid our goodbye's as we part ways. Naging mabilis ang oras at ngayon ay pauwi na ako sa bahay. Sinundo ulit ako ni kuya Alex pauwi.
"Hello, Neighbor!" Binati ko si Shaun nang makita ko siyang nagme-meryenda sa terrace habang may katawag ito sa telepono. Sinulyapan niya lang ako at saka siya itinuon ang pansin sa katawag. Baka isa sa mga kaibigan niya ang katawag niya ngayon kaya hinayaan ko na lang siya.
Sa mga sumunod na mga araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ko. Binabati ko pa rin si Shaun sa tuwing nakikita ko siya. Araw-araw kong ginagawa 'yon at hindi ako magsasawang batiin siya araw-araw para naman maging close ko siya. Nakukulitan kaya siya sa akin?
Gabi na nang dinismiss kami sa klase dahil nag-overtime ang isa naming prof kanina at mabuti na lang at hinintay pa ako ni kuya Alex sa school para sunduin ako.
Hindi pa man kami nakakarating sa tapat ng bahay namin ay pinahinto ko na ang sasakyan dahil nakita ko si Shaun na papasok sa gate nila. Lumabas agad ako ng sasakyan para maabutan siya.
"Hello, Neighbor!" I greeted.
Tinignan niya lang ako na parang isang bagay na hindi mahalaga sa kanya. Ang lamig ng tingin siya. Walang emosyon ang mga mata.
Tinignan ko ang hawak niya at may dala siyang isang itim na supot na hindi ko alam kung ano ang laman. Napadako ang tingin ko sa kanyang paanan at napansin ko ang benda sa kanang paa niya. Bakit may ganyan siya?
"Anong nangyari sa paa mo?" tanong ko.
Matagal bago siya nakasagot. I was waiting for an answer and yet he just stared at me. Biglang bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.
"Wala ka na doon."
— End of Chapter 7 —