Welcome to the club!
Mabilis sumapit ang araw ng sabado at pagkagising ko pa lang sa umaga ay ginawa ko na agad ang daily routine ko, ang mag-jogging.
Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagtakbo ay napahinto na ako sa basketball court dahil sa ingay na naririnig ko mula rito sa kinatatayuan ko. Ayaw ko sanang tignan pero traydor ang mga mata ko kaya sa huli ay sumuko na ako. Nakita ko ang mga lalaking kinaiinisan ko na naglalaro ng basketball. Masaya silang naglalaro at nag-aasaran pa.
Naupo ako sa isa sa mga benches dito na malapit lang sa mismong court dahil sa pagod. Kahit dito sa kinauupuan ko ay rinig na rinig ko ang mga boses nila. Ang lalakas kasi ng mga boses.
Pinanood ko sila at nung may nagjoke sa kanila ay pati ako nakitawa rin. Napansin ko na kasama nila 'yong bago naming kapitbahay at napakaseryoso ng mukha nito kahit nag-aasaran sila. Mga kaibigan niya siguro ito.
Habang umiinom ako ng tubig ay nagulat ako nang bigla nilang hinubad ang kanilang mga suot na t-shirt at naging dahilan 'yon kung bakit ako nasamid at inuubo.
Mga matipunong katawan ang nasasaksihan ko ngayon! Oh My God! My virgin eyes!
Ubo ako ng ubo at sa lakas ng pagkakaubo ko ay napalingon silang lahat sa gawi ko. Huli na para umalis ako sa lugar na iyon dahil nakita at pinag-uusapan na nila ako. Ano na naman kaya ang sasabihin nila tungkol sa akin?
"Bakit siya nandito?"
"Siya ba 'yong babaeng masama kung makatingin sa atin noong nakaraang araw?"
"Anong ginagawa niya d'yan?"
"Pinapanood niya ba tayo?"
"O 'di kaya... pinamamasdan niya ang mga abs natin!"
"What the?" bulong ko at saka ulit ako nasamid at inubo.
Ako?
Pinagmamasdan ang mga abs nila?
The hell no!
Hindi naman kagandahan ang mga katawan nila para pagmasdan ko pa!
Mas maganda pa ang katawan ng EXO kaysa sa kanila ano!
Kulang na lang talaga at masasaktan ko na sila. Hindi ganoon ang mga iniisip nila! The heck!
Inirapan ko na lang sila at saka ako umalis doon.
Sumapit ang alas kuwatro ng hapon at dahil bored na bored ako ay naisipan kong magtungo sa convenience store para bumili ng snacks. Nauumay na ako sa mga pagkain sa bahay at gusto kong kumain ng chips.
On my way to the store, bigla na lang humarurot ang sasakyan sa tabi ko at muntik na sana akong masagasaan kung hindi lang ako hinila ng isang nilalang. Sa lakas ng pagkakahila niya ay napayakap siya sa akin. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Hindi ko inaasahan 'yon. Muntik na akong matuluyan.
Ngayon ko lang napansin na isang matangkad at matipunong lalaki pala ang nakayakap sa akin. I can smell his manly scent. Hindi matapang ang pabango niya at ang sarap singhutin nang paulit-ulit.
Thanks to this man because he saved my life.
"Ayos ka lang ba?" he asked. Napaka-manly rin ng boses niya.
Umalis ako sa pagkakayap niya at inayos ang sarili.
"Oo, a-ayos lang ako." sagot ko.
Tumingin ako sa kanya at nang magtama ang tingin namin ay saka ko lang nalaman na kaibigan ito ng bago naming kapitbahay.
"You!" I shouted while pointing at him. He didn't move and he seemed so suprised. "Isa ka sa mga may atraso sa akin!"
I heard him chuckled kaya nainis ako.
"Hindi ka man lang ba magte-thank you sa akin? I just saved you a while ago. Muntik ka nang masagasaan kanina."
I froze. Yeah, he saved me and I should give him a thanks pero may atraso rin sila sa akin. Dapat hindi ko siya pagbibigyan. Well, I guess it's a tie?
"Paano kita pasasalamatan kung may atraso kayo sa akin?"
"Ano ba'ng ginawa namin sa'yo?"
Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. 'Wag niyang sabihing, nakalimutan na niya ang ginawa nila sa akin noong gabing 'yon?
"Lunes, alas otso ng gabi, sa tahimik na subdivision may isang grupo ng mga lalaking nag-iinuman, nag-aasaran, nagkakantahan at binulabog ang napakatahimik kong gabi." sagot ko at nakita ko siyang napalunok.
"Ano naman ngayon?"
"Dahil sa inyo kaya ako nakakuha ng mababang marka sa quiz namin. Nag-aaral ako noong gabing 'yon tapos binulabog niyo pa ako."
"Quiz lang pala e. Gaano ba kaimportante ang quiz na 'yon para magalit ka sa amin?"
"Quiz lang? Nakasalalay doon ang kinabukasan ko tapos nila-lang mo lang? I can't believe you."
"OA mo naman masyado. Simpleng quiz lang e magagalit ka na."
"Hindi mo ako kilala." I gave him a serious look. "Nevertheless, thank you for saving me. Pero may atraso pa kayo sa akin." sambit ko at saka ko siya tinalikuran.
"Hindi man lang sincere," pagpaparinig niya. I stopped from walking and I gave him a sharp look. "Ayan na naman 'yang masamang tingin mo."
"What?"
"Ang sabi ko, hindi sincere ang pasasalamat mo."
Sa kulit ng lalaking 'to napahilot tuloy ako sa sintido ko. Inuubos niya ang pasensya ko. Gusto ko ng matapos ito kaya ginawa ko na lang ang gusto niya.
"Thank you for sparing my life." sinserong sambit ko. Napangiti siya sa sinabi ko. "Happy?" sarkastikong tanong ko.
"Happy!"
Nang makarating ako sa store ay agad na akong namili ng mga bibilhin ko. Nararamdaman ko na naman ang presensya ng lalaking 'yon sa tabi ko. Hanggang kailan niya ba ako lulubayan?
I look at him, "sinusundan mo ba ako?" I asked.
"Hindi ah!"
"Bakit ka nandito?"
"Dito talaga ang sadya ko," sambit niya at kumuha ng mga chichirya. Mauubos kaya niya ang mga 'yan?
"Tss." I hissed.
"Alam mo nababagay ka sa squad namin." Napalingon ako nang magsalita na naman siya. "Isipin mo, may isang babaeng mainitin ang ulo, may isang lalaking napakaseryoso at may walong napakakulit na lalaking katulad ko sa iisang squad. Ang ganda 'di ba?"
"Ewan ko sa'yo." Iniwan ko na siya at nagtungo na sa kahera.
"Nababagay ka talaga sa squad namin." sambit niya nang makalabas na kami sa store.
Ewan ko ba sa lalaking 'to. Nakapadaldal na nga, sunod pa ng sunod sa akin.
"Ano ba'ng meron sa squad niyo?"
"Aba marami! Bukod sa maiingay kami, masaya pa ang squad namin."
"Bakit ang daldal niyo?" tanong ko.
"Immune na e."
Habang naglalakad kami pauwi sa bahay ay kinwento niya sa akin ang tungkol sa squad nila. Naging interesado lang ako nang sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit nababagay ako squad nila.
"Gusto naming magkaroon ng kaibigan 'yong utol namin sa subdivision na ito para hindi na siya palaging mag-isa sa bahay. Wala kami parati sa bahay niya dahil may kanya-kanya rin kaming ginagawa lalo na't may trabaho na kaming walo."
Nalungkot ako noong narinig ko ang mga salitang 'yon galing sa kanya dahil ganoon rin ako. Alam ko ang pakiramdam na iyon lalo na't mag-isa rin ako.
Inaya niya akong sumama sa kanya dahil ipapakilala niya raw sa akin ang mga kaibigan niya. Sa huli ay sumama na ako dahil katabi lang naman ng bahay namin ang distinasyon e.
Nang makarating kami ay nagdoorbell muna siya at may narinig kaming nagsalita sa loob.
"Eli, ikaw na ba 'yan?"
"Oo!"
Eli siguro ang pangalan nitong kasama ko. Nice name.
"Oh, Eli, bakit ngayon...ka...lang?" Bumungad sa amin ang isang blonde na lalaki at mas maliit siya kompara kay Eli. Gulat ako napatingin sa kanila.
"Sino 'yang kasama mo?"
"Siya 'yong babaeng nakatira sa kabilang bahay!"
"'Yong may nakakatakot na mata!"
"Bakit siya nandito? Jowa niya si Eli?"
What the? Anong jowa ang sinasabi niya?
"No." sagot niya rito. "Pasok ka muna," pinapasok niya ako sa loob ng bahay.
Ngayon ko lang nakita sa malapitan ang mga mukha nila at masasabi kong ang gwa-gwapo talaga nila. Ang lakas ng dating kahit wala naman silang ginagawa.
At dahil nakapasok na ulit ako sa bahay na ito ay nakita ko na rin sa wakas ang loob nito. Tama nga ako dahil napakaganda ng mga kagamitan sa loob ng bahay. Tinalo pa 'yong bahay namin sa sobrang ganda.
Kahit hindi pa nila sinasabi ay naupo na ako sa malambot nilang sofa. Oo, malambot kasi ito 'yong inupuan ko noong pumasok ako rito.
"Nakalimutan kong magpakilala sa'yo kanina. Ako nga pala si Eli. Ikaw?" pagpapakilala ni Eli sa sarili.
"I'm Aquilon Phioena Altomea."
"Ano raw?"
"Altomea lang ang alam ko eh."
"A-aqlon?"
"Ang hirap namang sambitin ng pangalan niya."
"Just call me Akki for short," dagdag ko nang marinig ang mga sinasabi nila tungkol sa pangalan ko.
"I'm Bjorn," pagpapakilala ng isang lalaking kulay pula ang buhok.
"Kairen," sambit nung lalaking kulay green ang buhok.
"Callen," sambit nung lalaking mukhang mature ang itsura at 'yong lalaking bumirit noong nakaraan. Kulot ang kanyang buhok.
"Aixiel," sambit naman nung lalaking may blonde na buhok, 'yong lalaking bumungad sa amin kanina. Siya rin 'yong kasama ni Callen noong bumirit sila noon.
"Ako si Dendrick," sumulpot sa harap ko ang isang lalaking may army cut na buhok. Siya 'yong nagsara ng bintana noong nakaraan.
"Louigie but you can call me Louie for short." pagpapakilala naman ng isang lalaking mukhang Chinese.
"Quirro," sambit ng isang napakacute na lalaki. Siya lang ata ang pinakacute sa kanila.
"At siya naman si Shaun Hernaez, ang may-ari ng bahay na kinatatayuan natin ngayon." Tinuro ni Eli 'yong lalaking nagngangalang Shaun.
Pamilyar ang apelyido niya. Parang narinig ko na ito noon pero hindi ko lang matandaan.
Nakipagtitigan ako sa kanya at parang naging yelo na ako sa sobrang lamig ng tingin niya sa akin. Sobrang lamig na nga ng tingin niya, wala pang emosyon ang mga mata nito. Iniwas ko na lamang ang tingin ko dahil baka tuluyan na akong maging yelo.
Pilit kong kinakabisado ang mga pangalan at mukha nila. Hindi naman sila mahirap kabisaduhin e, sa buhok at mukha pa lang nila ay makikilala ko na sila agad.
"Bakit ang sama ng tingin mo sa amin noong nakaraang araw?" tanong ni Aixiel. Sinagot ko naman siya at katulad ng sinabi sa akin ni Eli kanina ay ganoon rin ang sinabi nila sa akin ngayon. Napakaimportante kaya ng quiz sa isang estudyanteng katulad ko.
Nagkwentuhan kami at kinwento rin nila ang tungkol sa sarili nila. Lahat sila ay graduate na sa college at may trabaho na sa mga kilalang kompanya sa bansa. Hindi halata sa itsura nila na may trabaho na sila. Akala ko nga college students pa lang sila e. Hindi nagsasalita si Shaun simula noong dumating ako rito at tahimik lang itong nakikinig sa amin. Ako lang ata ang nakakapansin sa pagiging tahimik niya o baka hinahayaan lang siya ng mga kaibigan niya.
Habang tumatagal ang usapan namin ay napapansin ko na ang gaan ng loob ko sa kanila. Hindi ko sila kinikitaan ng masama dahil mukhang anak mayaman sila at wala sa mukha nila na masasama sila. Maiingay sila pero masaya silang kasama. Palagi akong tumatawa sa mga corny jokes nila.
Sa kanila ko lang nakikita ang tamang konsepto ng salitang kaibigan.
Ngumiti ako sa kanila at sinabing, "Let's be friends."
Nagulat silang lahat sa sinabi ko pero nanatili lang akong nakangiti sa kanila. Isa-isa silang sumang-ayon maliban lang kay Shaun na tahimik pa rin sa isang gilid.
"Welcome to the club, Akki!" sigaw nila at hindi na nawala ang ngiti ko sa kanila.
— End of Chapter 6 —