Death Glare
"I'm sorry Miss Altomea, you didn't got the highest score."
Miyerkules pa lang ng umaga ay ito na agad ang bumungad sa akin. Agad akong nanlumo nang marinig ko ang resulta ng quiz namin kahapon. I didn't expect this to come.
Hindi ako ang highest scorer pero hindi rin naman bagsak. Pasado ako pero hindi pa rin sapat para sa akin. I aced all of my quizes and exam before at ngayon lang nagkataon na hindi ako ang highest scorer. Big deal na ito sa akin at alam kong hindi ito magugustuhan ng parents ko.
Pinag-aralan ko lahat pero nang dahil doon sa mga lalaking 'yon ay ito ang naging resulta ng quiz ko.
"Akki, bakit ganoon?" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Mika na may malungkot na mukha.
Imbis na sagutin ang tanong niya ay iba ang lumabas sa labi ko.
"Kasalanan 'to ng mga lalaking 'yon."
"Huh?"
Hindi na ako umimik at iniwas na lamang ang tingin.
Pasado ako, oo, pero hindi ito pasado sa panlasa ng parents ko. Alam ko ang ugali nila pagdating sa studies ko. Paniguradong alam na ng parents ko ang resulta at sermon na naman ang aabutin ko mamaya.
Ito ang mahirap kapag strict ang parents mo kasi lahat gagawin mo para lang ma-satisfied sila.
Buong maghapon akong tahimik. Iniisip ko kasi ang posibleng mangyayari mamaya pagkauwi ko sa bahay. Iniisip ko kung paano ko gagantihan ang mga lalaking 'yon dahil sila ang dahilan kung bakit mababa ang marka ko sa quiz namin kahapon. Pinapatay ko na nga sila sa isipan ko.
Sana hindi masarap ang ulam nila mamaya.
Sana madapa sila.
Sana tamaan sila ng karma.
Nagawa ko pa ring makinig sa klase kahit na kung saan-saan lumipad ang isip ko. Panay buntong-hininga ang ginagawa ko, mahigpit ang hawak ko sa ballpen, at masama ang tingin sa kung saan man ako nakatingin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Nang mag-uwian na ay hindi na ako nagpasundo kay kuya Alex at nagcommute na lamang. Ganoon pa rin ang ginawa ko, hindi ko na pinapasok ang taxi'ng sinasakyan ko sa loob ng subdivision at naglakad na lamang papunta sa bahay.
Habang naglalakad ako ay hinahanap ng mga mata ko ang mga lalaking sumira sa gabi ko nung nag-aaral ako para sa quiz namin. Alam ko ang mga itsura nila dahil tinignan ko sila isa-isa noong nakaraang gabi.
Alam kong nandito pa sila sa subdivision na ito.
Una kong pinuntahan ang basketball court dahil alam kong nandito sila at naglalaro pero hindi ko sila nakita. Kahit sa mga dinadaanan ko ay hinahanap ko pa rin sila pero ni anino nila ay hindi ko makita.
Humanda sila akin kapag nakita ko sila!
Posible kayang nandoon sila sa kabilang bahay? Posible iyon!
Nang malapit na ako sa bahay namin ay may naririnig akong ingay mula sa kabilang bahay, sa bahay mismo ng bago naming kapitbahay. Biglang sumiklab ang galit ko dahil alam kong nandoon ang hinahanap ko.
Hindi pa man ako nakakadaan sa bahay na iyon ay unti-unting nawawala ang ingay. At nang makadaan na ako ay nakita ko nga ang mga lalaking hinahanap ko at pati na rin ang may-ari ng bahay. Nasa may pintuan sila at tila nag-uusap habang nakaupo sa hagdanan sa ibaba ng pintuan.
Habang naglalakad ako ng mabagal ay binigyan ko na sila ng masamang tingin, kasing sama ng resulta ko sa quiz namin. Lahat sila ay nakatingin na sa akin. Gustuhin ko mang gantihan sila ay hindi ko magawa dahil hindi iyon gawain ng isang babae kaya tanging masamang tingin na lang ang ibinigay ko sa kanila. Isang nakakamatay na tingin.
Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila pero inirapan ko lang sila. Padabog kong sinarado ang gate namin nang makarating ako sa bahay at lumikha iyon ng malakas na ingay.
"Aaarrrggghhh!" impit akong sumigaw bago pumasok sa main door.
Kalma, Akki, makakabawi ka rin sa kanila.
Kinagabihan ay inaasahan ko na tatawag ang parents ko at hindi nga ako nagkamali dahil nung pagkatapos naming kumain ng dinner ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila. Nagtungo ako sa terrace para magpahangin.
"Hello?"
"Akki? How are you?" boses ni mommy ang narinig ko sa kabilang linya.
"I'm fine. Kayo po?"
"We're fine."
"Si daddy po pala?" tanong ko kasi hindi ko naririnig ang boses ni daddy sa kabilang linya.
"Nagluluto lang ang daddy mo," narinig kong tumawa si mommy kaya nahawa ako at nakitawa rin.
Hindi lang ang tawa ni mommy ang naririnig ko dahil may naririnig rin akong tumatawa malapit sa akin. Alam ko ang mga ingay na iyon. Nang lumingon ako ay pagmumukha ng siyam na lalaki ang nakita ko. Naglolokohan sila sa terrace doon sa kabilang bahay.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanila at natigil na lamang ang lokohan nila nang napatingin sila sa akin.
"Ayan na naman siya."
"Kanina niya pa tayo sinasamaan ng tingin."
"Ano bang ginawa natin sa kanya?"
"Pareho sila ng mata ni Shaun. Ganyan rin siya makatingin sa atin eh. Aray!"
Abot hanggang dito ang boses nila kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Napailing na lamang ako at saka sila inirapan.
"Akki? Ano 'yong naririnig ko?" tanong ni mommy.
"Po? Galing po 'yon sa kabilang bahay."
"May bago kayong kapitbahay?"
"Opo."
Nagtaka ako dahil sa mga pinag-uusapan namin ni mommy ngayon ay hindi niya nababanggit sa akin ang tungkol sa quiz result ko. Hindi ba sila nasabihan?
Alam nila ang mga galaw ko sa school at nakapagtataka na hindi ako nakatanggap ng sermon mula sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na hindi nila binaggit sa akin ang tungkol sa resulta.
Hindi ba nila alam?
Nakahinga ako ng maluwag pero binalot pa rin ako ng pagtataka. What the hell is happening? At least hindi ako nasermunan pero hindi ibig sabihin nun na uulitin ko pa ang ginawa ko sa quiz.
Nang matapos ang tawag at pabalik na ako sa kwarto para matulog. Hindi pa man ako nakakaalis sa terrace ay binigyan ko ulit sila ng masamang tingin. Tanging ang may-ari ng bahay lang nakakita sa akin dahil busy sa pakikipag-usap ang mga kasama niya.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" I mouthed.
Blanko at malamig na tingin ang natanggap ko mula sa kanya at naiinis ako sa tingin na 'yon.
Hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng masasamang tingin ko? Bato ata 'to eh.
Umalis na lang ako sa terrace at nagtungo na sa kwarto para matulog. Kainis ang araw na 'to!
— End of Chapter 5 —