Chapter 3: Ang Bagong Kapitbahay

1605 Words
Tumatakbo ako palabas sa bahay na iyon at saka pa lang ako nakahinga ng maluwag nang makarating ako sa bahay namin. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan itong tennis ball dahil kung hindi, hindi na talaga ako babalik sa bahay na iyon para kunin ulit. Nakakatakot. Nakita ako ni kuya Alex na tumatakbo kaya naman nilapitan niya ako. "Bakit ka tumatakbo? Saan ka ba galing?" tanong niya. "Dyan lang sa kabilang bahay," humihingal na sagot ko. "Anong naman ginagawa mo roon?" Pinakita ko sa kanya ang tennis ball at napatango naman siya. Hindi ko na nagawang magsalita dahil hinihingal pa rin ako. "Bakit ka tumatakbo?" "Hindi ko alam na may multo pala sa bahay na iyon kaya agad akong tumakbo paalis." Natawa siya ng mahina. Nagtaka ako. "Osiya, pumasok ka na sa loob." "Sige po," sambit ko bago ako tuluyang pumasok sa bahay. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa nangyari. Panay ang hawak ko sa aking dibdib at buntong-hininga. Hindi ko makalma ang sarili ko dahil natatakot pa rin ako. Mabuti na lang at hindi ko nakita ang multo na iyon dahil kung hindi baka tuluyan na akong atakihin sa puso. Nang maghapunan ay inabala ko ang aking sarili sa pagkain. Nakailang kuha na rin ako ng ulam at ni hindi ko na naalala na diet ako. "Hinay-hinay lang sa pagkain, Akki, baka mabilaukan ka nyan." pagpapaalala sa akin ni Aling Rosa. "Hayaan mo na ang bata. May hindi magandang nangyari sa kanya kanina kaya ganyan siya ngayon," nakangising sambit ni kuya Alex. Pinaalala niya pa. "Nga pala," pagtawag ng pansin ni Aling Beth sa amin. "Naikwento sa amin ni Alex ang nangyari sa'yo kanina. Ano ba talaga ang nangyari?" "Naglalaro ako ng tennis sa likod at napalakas 'yung paghampas ko sa bola kaya tumalbog 'yon at napunta sa kabilang bahay." pagkukwento ko. Nakikinig naman sila sa akin kaya tinuloy ako ang pagkukwento. "Bago ako pumasok doon sa kabilang bahay ay sinabihan ako ni Aling Rosa na mag-iingat ako kasi minumulto raw ang bahay na iyon. Ginapangan agad ako ng takot dahil sa sinabi niya pero pinasok ko pa rin 'yung bahay kasi kailangan kong kunin 'yong bola. Dahil sa curiousity ko ay pumasok ako sa loob ng bahay kasi nakabukas 'yung pinto ng kitchen. Ang laki ng bahay at maganda rin ang kagamitan doon. Habang naglilibot ako ay nakarinig ako ng boses ng isang lalaki at tinanong ako kung ano ang ginagawa ko roon. Hindi ko pa man nakikita kung sino o ano 'yon ay agad na akong sumigaw at tumakbo palabas. Tapos kagabi, nakita kong umilaw 'yung kwarto doon." Pagkatapos kong magkwento ay nagtawanan sila. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Iyon pala ang nangyari sa'yo, hija." "Totoo palang minumulto ang bahay na iyon." "Naaawa ako sa sinapit mo, Akki." Sambit nila pero hindi pa rin nawawala ang tawa nila. "That was true!" bulalas ko. Akala siguro nila nagbibiro lang ako. "Alam namin. Hindi lang talaga namin mapigilang matawa. Pasensya ka na," sambit ni kuya Alex. Sumimangot ako at nagtuloy na sa pagkain. I was scrolling on my social media accounts when I received a call coming from Mika. Ano naman kaya ang sadya nito? "Hello?" "Akki! Kumusta ang araw?" tanong niya. "Tiring," tipid na sagot. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari sa buong maghapon ko at nakwento ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ganoon rin ang reaksiyon niya kagaya ng mga kasama ko sa bahay. "Isang Aquilon Phoiena Altomea ay natakot sa isang multo? Hindi ako makapaniwala!" Narinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya. Napairap na lamang ako. "Pare-pareho rin kayo ng reaksiyon, ano? That was true!" katwiran ko. "Yeah but I can't help it. Akala ko talaga wala kang kinakatakutan." "Tss." singhal ko. "Pero nakita mo ba talaga 'yung multo? Paano kung may nakatira talaga doon?" "Hindi ko nakita pero wala namang nakatira doon eh. Imposibleng may tao roon." "Baka multo nga 'yon. Awooo!" sigaw niya. "Ang ingay mo! At saka hindi mo ako madadala sa pananakot mo, ano." "Sus aminin mo na kasing natatakot ka na. Baka mamaya sa pagtulog mo tatabi 'yon sa'yo." "Shut up." Narinig ko pa ang halakhak niya bago siya nagpaalam at tinapos ang tawag. Alas nuwebe na ng gabi at nagpaalam ako kay Aling Rosa na lumabas para pumunta sa convenience store. Pinayagan naman niya ako kaya nasa labas na ako ngayon ng bahay para kunin ang bike ko. Ito ang gagamitin ko papunta roon. Bibili ako ng beer in can doon sa convenience store na malapit lang sa bahay namin. Gusto kong uminom ngayong gabi. Walang kaalam-alam ang mga magulang ko at ang mga kasama ko sa bahay na umiinom na ako. I drink secretly and I can say that beer can keep my stress away. I bought 3 cans of beer at mga chichirya. Nang makauwi ako sa bahay ay dumaan muna ako sa ref namin para kumuha ng gatas bago ako nagtungo sa terrace para uminom doon. Call me weird pero umiinom ako ng gatas after kong uminom ng alak. Nagbalik sa aking isipan ang nangyari sa akin kaninang hapon. Hindi ako makapaniwala na nakayanan kong makaalis sa bahay na iyon nang hindi nadadapa. Natawa ako sa isiping iyon. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga magulang ko. Everytime na umiinom ako dito sa terrace ay palagi ko silang naaalala. This place is so special to me. Palagi kaming nasa terrace kapag nag-b-bonding kami. Naiiyak ako kapag naiisip ko sila kaya naman umiiyak akong umiinom ng alak habang natatawa. I really miss my parents. They are not the best parents in the world but I love them. I really do. Nang nakaramdam na ako ng antok ay inubos ko na ang natitirang alak at gatas at saka ko ito niligpit para makatulog na ako. Kinaumagahan ay ginawa ko ulit ang daily routine ko. Nagjogging lang ako saglit at nung napadaan ako sa playground ay hindi ko na nakita 'yung lalaking nag-p-push up kahapon. Nanghinayang ako kasi hindi ko siya matatanong kung paano niya na-achieve ang pangangatawan na iyon. Kailan ko kaya siya makikita ulit? Nagsimba ako kasama sina Aling Rosa. Gawain na namin ito tuwing linggo at palagi ko na silang nakakasamang magsimba ngayon dahil dati ay hindi sila sinasama ng parents ko kapag nagsisimba kami. Maraming nabago simula nung umalis ang parents ko papunta ng America. Ako na ang tagapamahala sa bahay dahil wala sila. Kung dati ay nakakulong sina Aling Rosa sa pamamahay namin para pagsilbihan kami, ngayon ay malaya na sila. Pwede na nilang gawin ang gusto nilang gawin. May malasakit ako sa kanila kompara sa parents ko kasi ganoon naman talaga dapat hindi ba? You should treat others nicely like the way they treat you. Ibang-iba ang ugali ko kompara sa parents ko. Nang makarating kami sa loob ng simbahan ay agad kaming naghanap ng mauupuan. Nasa dulo ng upuan ako umupo dahil gusto ko ang pwestong ito. Malapit ng magsimula ang misa nang biglang may tumabi sa akin na lalaki. Napatingin ako sa lalaki at napatitig sa kanya. Nakasuot siya ng puting long sleeve at black jeans. Nagtama ang paningin namin at nakita ko ang walang emosyon at nakakatakot niyang mga mata. Nakakatakot pero ang sarap tignan. Maputi ito, matangos ang ilong, perfect jawline, medyo singkit, mapupula ang mga labi, nakaayos ang buhok, sobrang pantay ng kilay, sobrang bango at gwapo. Naligo ba 'to sa pabango? Agad kong iniwas ang aking tingin nang magsimula na ang misa. Sa kasagsagan ng misa ay pareho kaming tahimik at tanging buntong-hininga lang ang naririnig namin sa isa't-isa. Hindi rin ako masyadong dumikit sa kanya kasi ang awkward sa feeling na didikit ka sa lalaking hindi mo kilala. Nang tumunog ang kantang Ama Namin ay naghawakan na ng mga kamay ang mga tao sa katabi nito kaya mas lalong naging awkward ang paligid. Nagsimula na silang kumanta kaya naman dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko at nagulat ako nang mabilis niya itong hinawakan. Hinawakan rin ni Aling Beth ang kaliwang kamay ko. Ang awkward! Napaayos ako ng tayo at sumabay sa kanta. Napansin kong malambot ang kamay nito kahit maugat. Hindi rin mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napanatag ako. Nang matapos iyon ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Mabilis natapos ang misa at agad na kaming umuwi. Hindi ko na rin nakita 'yung lalaki at hindi ko na lang pinansin iyon. Kakatapos ko lang kumain ng tanghalian at hindi na sumabay sa akin sina Aling Rosa dahil maaga silang nananghalian. Pupunta na sana ako sa movie room para manood ulit ng movie nang sinigaw ni Aling Rosa ang ang pangalan ko mula sa labas ng bahay. Ginapangan agad ako ng kaba dahil baka may nangyaring masama kay Aling Rosa kaya naman mabilis pa sa alas kuwatro ang pagtakbo ko palabas ng bahay. Nadatnan ko si Aling Rosa na may kausap na lalaki. Humihingal pa ako nung dumating ako sa kinaroroonan niya. "Bakit niyo po ako tinawag?" tanong ko kay Aling Rosa. Mukhang maayos naman si Aling Rosa. Nakangiti pa nga ito. Napalingon ako sa lalaking kausap lamang ni Aling Rosa kanina at nagulat ako nang makilala ko kung sino iyon. 'Yung lalaking katabi ko sa simbahan kanina! Anong ginagawa niya rito? "Hijo, ito pala si Akki, ang amo namin. Akki, siya nga pala ang bago nating kapitbahay. Nakatira siya sa tabi ng bahay natin. 'Yung minumulto raw na bahay." sambit niya at binulong pa sa akin ang huling pangungusap. I stiffened. "Ikaw?!" tanong ko doon sa lalaki. — End of Chapter 3 —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD