Chapter 2: Multo

1495 Words
"Gutom ka na ba? Kakatapos lang namin magluto." Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong inasikaso ng mga katulong. "Sabay na po tayong kumain," sambit ko sa mga katulong. "Sige po." Nang matapos ay agad ko nang ginawa ang mga assignments ko sa kwarto. Pasado alas diyes na ng gabi nang matapos ako sa ginagawa at habang nagliligpit ako ng mga gamit ay dumako ang mga mata ko sa katabi ng bahay namin. Katapat lang ng bintana ng kwarto ko ang bintana doon sa kwarto ng katabing bahay at nakita kong umilaw iyon at bigla ring nawala. Nanlaki ang mga mata ko at napamura sa nasaksihan. Wala namang nakatira dyan ah. Bakit may umilaw sa loob? Hindi kaya... may multo sa bahay na iyan? Kinukusot ko ang aking mga mata at napapailing na lamang. Agad akong natulog pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nasaksihan kanina. Siguro dahil sa antok kaya nakakakita ako ng kung ano. Guni-guni mo lang 'yon, Akki. Kinaumagahan ay maaga akong gumising para gawin ang daily routine ko every weekend. Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako at naghahanda na para magjogging. Napadaan ulit ako sa katabi ng bahay namin ay agad akong natakot dahil sa nasaksihan ko kagabi kaya naman agad akong tumakbo paalis doon. Inikot ko ang kalahati ng buong subdivision sa kakatakbo. Napahinto lamang ako sa playground nang makaramdam ako ng pagod. Naupo ako sa bench at uminom ng dala kong tubig. Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at may namataan akong isang lalaki na nag-p-push up sa basketball court. Ang aga-aga nag-p-push up na. Hindi maalis-alis ang aking mga mata doon sa lalaki. Namangha ako sa pangangatawan niya. Matangkad at kitang-kita ang biceps nito dahil walang siyang suot pang-itaas. Bawat galaw niya ay purong-puro at tumutulo pa ang pawis nito sa sahig. Dala ng kuryusidad ay dahan-dahan kong nilapitan ang lalaki. Tatanungin ko lang sana siya kung paano niya na-achieve ang ganoong katawan. I love work out. Gusto kong ma-maintain ang ganda ng katawan ko kaya palagi akong nag-w-work out every weekend. Nang malapit na ako sa kinaroroonan niya at tatawagin ko na sana ito ay agad akong napatigil nang may sumigaw sa pangalan ko. "Akki!" Napalingon ako doon sa sumigaw sa akin at nakita ko ang driver namin na tinatawag ako. "Akki! Kakain na! Umuwi na tayo!" Wala akong choice kundi iwanan ang lalaki na kasalukuyan pa ring nag-p-push up at nagtungo na sa driver ko para umuwi na. Nang makauwi ako ay agad akong naligo at nagbihis para kumain. Sinulit ko ang buong maghapon sa panonood ng movies sa movie room namin. Biglang umilaw ang cellphone ko at nang matignan iyon ay tumatawag pala si mommy. "How's my daughter?" Parang ang dali lang kalimutan ang nangyari kahapon ah. "All good. How about you and dad?" "We're fine, medyo stress lang sa trabaho pero okay naman. Have you eaten?" "Yeah. Nanonood lang ako ng movies dito sa movie room." "Are you done with your homeworks?" "I already finished it last night." "That's good to hear. Miss ka na namin ng daddy mo." "I miss you too." sambit ko. "I'll hang up na, nag-excuse lang talaga ako para kumustahin ka. Bye! I love you, Akki!" "I love—" napahinto ako sa pagsasalita nang pinatay na ni mommy ang tawag. "You too," mahinang dagdag ko at napabuntong-hininga na lamang. Araw-araw tumatawag ang parents ko para kumustahin ako. At araw-araw rin namin sinasabi na miss at mahal namin ang isa't-isa. Ito ang mahirap kapag malayo ka sa mga magulang mo. Nangungulila ka sa pagmamahal at alaga. Alas kuwatro na ng hapon nang matapos ang huling pelikula na pinapanood ko at napagdesisyunan kong maglaro ng tennis sa likuran ng bahay namin. Wala akong kalaro dahil bukod sa nag-iisang anak lang ako ay puro may edad na ang mga kasama ko rito sa bahay. Ang hirap mag-isa. Gamit ang racket ay pinatalbog ko ang bola sa pader at doon na ako nagsimulang maglaro. Bawat paghampas ko sa raketa ay pinaglalanan ko ng lakas. I also love playing tennis. I learned how to play this when I was a kid because of my parents. Kalaunan rin ay nakahiligan ko na itong laruin. Dati gusto kong mag-try out at sumali sa varsity ng school namin pero hindi ako pinayagan ng parents ko dahil makakaapekto raw iyon sa grades ko so I ended up playing with myself. Isang oras rin akong nagbabad sa paglalaro at pinagpapawisan na rin ako. Nang papalapit na sa akin ng bola ay agad ko iyong hinampas gamit ang raketa at napalakas iyon na naging dahilan para tumalbog ang bola at napunta iyon sa kabilang bahay. Agad akong nagpanic dahil hindi ko alam kung paano ko kukunin ang bola. Ginapangan agad ako ng takot dahil baka may multo nga sa bahay na iyon. Nagtungo ako kusina at nakita ko roon si Aling Rosa. "Uhm, Aling Rosa?" "Ano ang sadya mo at naparito ka, Akki?" "Naglalaro kasi ako kanina at tumalbog iyong bola ng tennis sa kabilang bahay. Hindi ko naman alam kung paano iyon kukunin." "Gusto mo ipakuha ko kay Alex?" suhestiyon niya. Si kuya Alex ay ang personal driver ko. "Huwag na po! Ako na lang po ang kukuha hehe." "Sigurado ka?" "O-opo," mahinang tugon ko. "Basta mag-iingat ka lang." "Bakit po?" Ito na naman 'yung takot na nararamdaman ko. "Matagal nang walang nakatira dyan at sabi ng mga kapitbahay natin ay minumulto raw ang bahay na iyan kaya wala ng tumitimira." "M-minumulto po?" nauutal na tanong ko. Hindi naman siya nananakot hindi ba? "Iyan ang sabi nila." Nasa labas ako ng bahay namin at nakailang lakad na ako pero hindi pa rin ako nakakarating sa kabilang bahay. Tumatak na kasi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Rosa tungkol sa bahay na iyon. "Matagal nang walang nakatira dyan at sabi ng mga kapitbahay natin ay minumulto raw ang bahay na iyan kaya wala ng tumitimira." Kailangan kong makuha ang bola na iyon. Pinangungunahan man ng takot ay naglakas loob akong pasukin ang bahay. Akala ko mahihirapan akong makapasok sa gate pero namangha ako dahil nakabukas na pala ito. Agad akong nagtungo sa garden at kinuha ang bola. Uuwi na sana ako pero dahil gusto kong malaman kung minumulto ba talaga ang bahay na ito ay pinasok ko ito. Alam kong trespassing na ang ginagawa ko pero inuusig talaga ako ng kuryusidad ko. Nakapasok ako sa kitchen dahil nakita kong nakabukas ang pinto nito sa likurang bahagi ng bahay (katabi lang ng garden nila). Madilim ang buong bahay at dahil gumagabi na ay mas lalo pang dumilim ang paligid. Sanay naman ang mga mata ko sa dilim kaya nakikita ko pa rin ang loob ng bahay. Kakaiba rin ang mga kasangkapan nila rito. Katangi-tangi. Nang makarating ako sa salas ay napanganga ako sa sobrang laki at ganda ng loob. "Ibang klase," sambit ko. Akala ko puro mga lumang gamit ang makikita ko rito pero hindi pala. Lahat ay mamahalin! May pagkaparehas sila sa bahay namin na marami ring mamahaling gamit. Ang ganda ng bahay at ang linis pa! Wala ba talagang nakatira rito? Nilibot ko ang buong salas. May namataan akong malaking sofa doon at walang pag-alinlangang naupo roon. Kasya ito sa lima hanggang pito ka-tao sa sobrang laki nito. "Bakit ang lambot nito? Mas malabot pa 'to sa sofa namin eh." sambit ko na lamang habang umiindak. Sa harap at bandang kaliwa ko ay naroon ang hagdan papunta sa ikalawang palapag. Pansin ko rin na moderno ang istilo ng bahay kaya maganda. "Siguro kung may ilaw 'to, mas lalo itong gaganda." Nagtungo ako roon sa may TV at pinagmasdan iyon. Flat screen TV ang nadatnan ko at halatang hindi na gumagana dahil inaagiw na ito. Pinasadahan ko ang aking daliri sa patungan ng TV at sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidente kong natabig ang flower vase sa aking tabi. Nahulog iyon sa sahig at lumikha ng ingay kaya naman napapikit ako habang tinatabunan ang aking tainga. Pagkamulat ng aking mga mata ay agad akong nagpanic at mangiyak-ngiyak na hinawakan ang basag na flower vase sa sahig. "Hala! Sorry!" mangiyak-ngiyak na sambit ko. Aksidente kong nahawakan ang bubog na naging dahilan ng pagkasugat ng aking daliri. "s**t!" bulalas ko. Napadaing ako sa sakit at nahinto ang aking ginagawa dahil may narinig akong yabag. "Anong ginagawa mo rito?" Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang may narinig akong boses ng isang lalaki mula sa kung saan. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at nagsitayuan na ang balahibo ko sa takot. Ito na ba ang multo na sinasabi nila? Huminga ako ng malalim. Kailangan kong ilabas ang takot ko. "May multooooo!" I scream at the top of my lungs sabay takbo palabas ng bahay. — End of Chapter 2 —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD