Chapter 1: Ang Bahay

1019 Words
Akki’s Point of View: "Look at your exam results. Sobrang baba ng score. Ganito ba ang ipapakita mo sa amin, Akki?" Napailing na lang ako nang marinig ang mga katagang iyon galing sa mga magulang ko. Nag-uusap kami via Skype dahil wala sila rito sa Pilipinas at inaasikaso ang kanilang business sa America. Mabilis nakarating sa kanila ang resulta ng prelim exams ko dahil malakas ang koneksiyon ng pamilya ko sa university'ng pinapasukan ko ngayon. "It will not affect my grades anyway. Prelim exams lang po 'yon," sagot ko. "Prelim exams lang?" madiing tanong sa akin ni daddy. "Exams are important tapos nila-lang mo lang?" "Paano namin ito maipapakita sa mga business partners namin?" tanong naman ni mommy. "At bakit niyo naman ipapakita iyan sa mga business partners niyo? A piece of paper wont affect your business." "Dahil nakasasalay dito ang kinabukasan ng business natin. Soon you will be handling our corporation tapos ganito lang maipapakita mo sa amin? You are consistent Dean's lister and this exam will affect our business' image." I let out a heavy sigh. "Oh come on!" napipikong bulalas ko. "Nagiging OA na po kayo sa lagay na 'yan." Nag-usap pa kami at sermon na naman ang natatanggap ko. Sa tuwing nag-uusap kami sa telepono o 'di kaya'y sa Skype ay puro sermon na lang ang naririnig ko sa kanila. Palibhasa, puro business lang naman ang inaatupag nila. Sariling anak hindi nila maalagaan. Mapait akong ngumiti sa mga magulang ko bago tinapos ang tawag. Hindi ako magtatagal kung ganoon rin naman ang maabutan ko. Bigla akong nawalan ng ganang pumasok sa panghapon na klase ko. Sa hapon lang ang klase ko dahil biyernes ngayon pero nawalan ako ng ganang pumasok dahil lang sa tawag na iyon. Balak ko sanang lumiban sa klase ngayon kaso baka magsumbong ang mga katulong dito sa bahay sa mga magulang ko at pagalitan na naman ako kaya wala akong choice kundi pumasok. I am 4th year college student at Business ang kinuha kong course dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang ko. Nag-aaral ako sa isang pretihiyosong unibersidad dito sa lugar namin. At isa lang ang masasabi ko, napakahirap ng ganitong buhay. Hindi na ako nag-abalang mananghalian pa sa bahay at agad na akong lumabas para pumasok. Sa school na lang ako kakain kapag may pagkakataon ako. Nakabusangot ang mukha ko habang naglalakad sa subdivision namin. Hindi na ako sumakay sa kotse namin dahil gusto kong magcommute. Maayos na siguro kung magta-taxi ako. Napatingin ako sa katabi ng bahay namin na wala namang nakatira. Matagal nang walang nakatira dito ah. Bakit wala man lang umuukopa sa bahay? Sayang. Maganda pa naman. Napailing na lang ako at nagtuloy na sa paglalakad. Nakakunot ang noo ko habang sinisipa ko ang mga batong nadadaanan ko. Sa paraang ito ko lang naibubuhos ang inis ko. Naiinis ako dahil nagsipag naman ako sa pag-aaral pero hindi pa rin iyon sapat para sa mga magulang ko. At iyong prelim exams result ko na tinutukoy nila? I even got 1.2 score doon tapos ganoon pa rin ang reaksiyon nila? Hindi na maliit iyon pero pinagalitan na ako nang dahil doon. Ang gusto nila ay makakuha ako ng uno para may maipagyabang sila sa mga business partners nila. Ganyan naman talaga ang ugali ng mga magulang ko at sanay na ako doon. Nakarating ako sa school sa tulong ng taxi na sinasakyan ko papunta dito. May ilang bumabati sa akin pagkapasok ko ng school. Medyo sikat ako sa school namin dahil consistent Dean's lister ako at sa koneksiyon ng mga magulang ko sa eskwelahang ito. And behind my full name means, I'm always on top. Kaya ganoon na lang ang trato nila sa akin. On my way to our classroom, nakasalubong ko si Mika. "Ano'ng sabi ng parents mo?" usisa niya nang tumapat ako sa kinatatayuan niya. "As usual, sinermunan ako." I coldly said. "Tsk! Kahit 'yon lang galit na sila? Ikaw nga ang highest scorer sa atin eh. At saka hindi makakaapekto sa grades mo ang exam na iyon." "Ganyan rin ang sinabi ko sa kanila pero ang ending? Ayun sinermunan ako." "Mas grade concious pa sila kesa sa'yo eh 'no?" Napasinghal na lang ako at pumasok na sa classroom. I hate attention. I don't want to have friends pero itong si Mika lang talaga ang mapilit at tinuring na ang sarili bilang kaibigan ko. Ayokong magkaroon ng kaibigan dahil habol lang naman nila sa'yo ay kasikatan. As what I have said earlier, medyo sikat ako rito sa school namin at ilan sa mga estudyante rito ay sinubukan na akong kaibiganin. They want fame not friendship. But Mika si different. Akala ko kagaya rin siya ng ibang estudyante pero hindi. Hindi ko siya tinuring na kaibigan pero malapit siya sa puso ko. Dinaluhan ko ang mga klase ko para sa hapong ito. Alas sais ng gabi nang matapos iyon ay agad na akong umuwi para gawin ang mga assignments ko. Niyaya ako ni Mika na mag-mall muna since friday ngayon pero tumanggi ako. Alam niyo naman ang mga parents ko. Friday ngayon at gusto kong gawin at tapusin lahat ng mga assignments ko sa araw na ito para sa weekend ay wala na akong poproblemahin pa. Immune na ata ako sa ganito at ugali ko na iyon. Hindi ko na pinapasok sa subdivision ang taxi'ng sinasakyan ko at napagdesisyunan na maglakad na lang patungo sa bahay. Napadaan ako sa basketball court nitong subdivision at may nakita akong nag-b-basketball doon. Batid kong nasa walong lalaki ang naglalaro doon at mukhang nag-aasaran pa. Rinig ko pa ang mga tawa nila. Kalalaking tao, ang iingay. Napatingin sa akin iyong pinakamatangkad sa kanila at nginitian pa ako. Inirapan ko siya at nagtuloy na sa paglalakad. Nang malapit na ako sa bahay ay napatingin ulit ako sa katabi ng bahay namin. Walang ilaw doon at sobrang tahimik. Konti na lang talaga, tatawagin ko na itong haunted house. Napailing na lamang ako at tuluyan na akong pumasok sa mala-mansion naming bahay sa sobrang laki nito. — End of Chapter 1 —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD