Prologue

1207 Words
Hello, Neighbor! Copyright tiramissyoulikecrazy All rights reserved. 2020 Attention: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential. Plagiarism is a crime! This story is unedited, so expect typo graphical errors grammatical errors, wrong spellings, and whatsoever errors. If you're looking for a perfect story, don't continue reading this. Thanks! ——— Shaun's Point of View: "Bro, sigurado ka na ba? Pwede ka pa namang umatras," nag-aalalang tanong sa akin ng pinsan kong si Eli. "Oo at saka okay lang ako." "Nag-aalala lang naman kasi ako sa ‘yo, e. Hindi pa naman maganda ang mga alaala mo roon sa bahay na iyon." "Alam ko pero wala akong choice. Iyon na lang ang natira sa akin simula noong nawala sila," sabi ko at napabuntong-hininga na lamang siya. Isa si Eli sa mga tumulong sa akin noong mag-isa lang ako sa apartment. Mula noong namatay ang mga magulang ko, umalis na ako doon sa bahay na tinitirhan namin. Marami kasing masasakit at mapait na pangyayari ang nagpapaalala sa akin doon. Kaya ngayong pinaalis na ako sa tinitirhan kong apartment, wala akong choice kundi bumalik at tumira doon. Iyon na lang kasi ang natira sa akin bukod sa kayamanang pinamana sa akin ng mga magulang ko. "Pwede ka namang tumira sa condo ko o kaya naman sa penthouse ni Bjorn." suhestiyon niya. "Hindi na, nakakahiya kanila tita." "Kaya mo ba?" "Kaya ko," mariing tugon ko at wala siyang magawa kundi tumango na lang. Tinulungan niya akong buhatin ang mga bagahe ko palabas ng apartment. Pagkalabas namin ay nakita ko ang puting van ni Bjorn na siyang maghahatid sa akin doon sa bahay na titirhan ko. Nang makita kami ni Eli ay nagsilabasan na mula sa van ang mga ugok kong kaibigan. "Aray!" sigaw ni Aixiel nang masiko siya ni Louie. "Hinay-hinay lang naman oh! Makakalabas rin tayo!" sigaw naman ni Kairen. "Hoy, tanda! Bilisan mo dyan, tutulungan pa natin sila, oh!" sigaw ni Callen sa pinakamatanda sa amin na si Quirro. "Maka-tanda naman 'to! Heto na nga oh, lalabas na! Psh!" "Ano ba?! Ang ingay-ingay niyo!" napipikong sambit ni Bjorn, siya ang tinagurian naming lider sa aming magkakaibigan. Napailing na lang ako. "Imbis na mag-ingay kayo, bakit hindi niyo na lang kami tulungan ano?" sarkastikong sambit naman ng pinsan ko. "Heto na nga oh tutulong na!" sigaw nilang lahat at nagsitungo na sa loob ng apartment. Nang matapos naming ilagay ang mga bagahe sa likod ng van ay kanya-kanya na kaming pasok sa loob ng van para umalis. Nasa front seat ako at katabi ko si Louie na siyang magsisilbing driver namin. Maingay sila sa likod kaya naman kinuha ko ang earphones ko para magpatugtog. Hindi ko pa man nailalagay sa tainga ko 'yung earphones ay nagsalita na si Louie. "Ayos ka lang ba talaga?" "Oo naman. Bakit mo naitanong?" "Hindi kasi halata sa itsura mo," saglit siyang tumingin sa akin bago niya binigyan ng atensyon ang daan na tinatahak namin. Sa sobrang ingay ng mga nasa likod ay hindi nila narinig ang pinag-uusapan namin. Hindi na ako umimik at nagpatugtog na lang. Tatlong taon na mula noong huling tumira ako kasama ang mga magulang ko doon sa bahay na iyon. At sa tatlong taon na iyon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang mga masasakit na alaala na nangyari doon sa loob ng bahay na iyon. Tatlong taon akong nagpakalayo-layo. Tatlong taon akong nanirahan sa apartment. Tatlong taong akong nagtrabaho sa isang convenience store bilang kahera para may maipangtustos ako sa pag-aaral at sa araw-araw. May malaking pera ang nakalaan para sa akin at galing iyon sa mga namayapa kong magulang. Pamana nila iyon sa akin pero hindi ko ginalaw 'yon kahit ni isang sentimo. At tatlong taon na rin akong mag-isa. Wala akong katuwang sa buhay maliban na lang sa pinsan at mga kaibigan kong todo suporta sa akin. "Mukhang malalim ang iniisip ni Shaun, ah?" "Hayaan muna natin siya." Kahit naka-earphones ako ay naririnig ko pa rin ang mga pinag-uusapan nila. Sa lakas ba naman ng boses nila, malamang maririnig ko talaga. Nakapasok na kami sa loob ng subdivision. Mamahalin ang subdivision na ito kaya hindi maipagtataka na lahat ng nakatira dito ay mayayaman, katulad ng mga magulang ko. Malawak rin ito at marami kang madadaanan na playground sa sobrang lawak nito. "Anong block ng bahay niyo?" tanong sa akin ni Louie. "Block 8, lot 412." "Malapit na ba tayo?" tanong ni Aixiel. "Kakapasok pa nga lang natin sa gate eh. Atat lang?" pambabara ni Kairen sa kanya. Liko doon, liko dito. Ganito ang scenario namin ngayon. Napansin kong marami na ang nagbago sa subdivision na ito pero sa kabila noon ay hindi nagbabago ang magandang ambiance ng lugar. "Nasaan na ba 'yun? Bakit hindi ko mahanap?" tanong ni Louie sa sarili. Binaba ko ang earphones ko na nakakabit sa tainga ko at tinignan siya. "'Wag mo sabihing nawawala tayo?" tanong ni Bjorn. At sa tanong na 'yon ay umingay na naman sa loob dahil sa mga reaksiyon nila. Walang katapusang ingay. "Magdrive ka na lang, makikita rin natin 'yon," usal ko sa katabi ko. "Naaalala mo pa ba 'yong itsura ng bahay niyo?" "Medyo," kamot-ulong sambit ko. Nagdrive ulit siya at pilit kong kinakabisado ang itsura ng bahay namin pero sa huli ay sumuko na kami. Napagod rin kami sa kakahanap nung bahay namin kaya nagtanong na lang kami. "Ale, alam niyo po ba kung saan ang block 8, lot 412?" tanong ni Eli doon sa matandang babaeng nakasalubong namin. "Kaninong bahay, hijo?" "Bahay ng mga Hernaez po." Bago ko pa man marinig ang sagot nung babae ay may napansin akong babae na naglalakad habang suot ang kanyang school uniform. Mag-isa lang siyang naglalakad at mahigpit ang kapit nito sa strap ng bag habang sinisipa ang mga batong nadadaanan niya. Salubong rin ang kilay niya at kulang na lang ay durungin niya ang mga batong sinisipa niya. Weird. "Hernaez ba kamo? Ayun oh! Nasa likod mo." Sinundan namin ng tingin iyong itinuro niya at nakita namin ang karatulang nakadikit sa ibabaw ng pinto ang numerong hinahanap namin. "Ito na ata 'yun,” mahinang sambit ko. "Bakit niyo pala hinahanap ang bahay na iyan? Matagal nang walang nakatira dyan,” usal ng babae. "Titira na po kasi ulit itong kaibigan namin," pagsasabat ni Dendrick. "Ganoon ba? Sige, mauna na ako sa inyo." Paalam niya at nagpasalamat kami bago siya naglakad palayo. Agad naming pinark ang van sa harap ng bahay namin at nauna na akong lumabas sa van. Naglakad ako patungo sa pinto at saka iyon binuksan gamit ang susi nito. Papasok na sana ako nang pigilan ako ni Callen. "Hep hep hep! Saan ka pupunta?" "Papasok na," inosenteng sagot ko. "Hindi mo man lang ba kami tutulungan sa pagbubuhat ng mga bagahe mo?" "Why would I? Kayo ang nagboluntaryong sumama sa akin sa paglipat ko kaya kayo ang magbuhat nyan." Tinalikuran ko na sila at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa bahay. This will be the start.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD